Chapter Six: The Guardian Angel
The Angel's POV (in first-person perspective):
(Few weeks before the accident...)
Tap, tap, tap, tap, tap, tap, tap. Tssss.
(Inihahanda ko ang sarili para sa isang matinding dance performance)
Tap, tap, tap, tap, tap, tap, tap. Tssss.
(Heto na.... heto na... YEAH!)
Dan dan dan dadadandan! Dan dan dan dan dadandan!
(Bigay todo kong iniinadak ang katawan)
Dan dan dan dadadandan! Dan dan dan dan dadandan!
(Yo, VIP, Let's kick it!)
"Ice ice baby!" Dan dan dan dan dadandan!
(Napapapikit ako sa tindi ng beat ng music)
"Ice ice baby!" Dan dan dan dan dadandan!
(Paulit ulit ang pag galaw ng mga paa ala Michael Jackson)
"Ice ice baby!" Dan dan dan dan dadandan!
(Walang humpay ang kumpas ng mga kamay parang nag ku kung fu)
"Ice ice baby!" Dan dan dan dan dadandan!
(Kagat labing naka tip toe, parang akyat bahay sa gabi)
"ICEEE ICEEEE BEYYYBEH!"
Sinasalubong ko ang alon ng mga tao dito sa Ayala Triangle sa Makati. Umaga ngayon, rush hour, maraming empleyado ang papasok palang. Pero marami rin ang papauwi, halatang halata na graveyard shift sila sa laki ng eyebags sa magkabilang mata. Aba nakanguso pa, feeling mo chicks ka nyan teh?
Sinasabayan ko ang ilan sa paglakad ng mabilis, ang iba ay tumatakbo dahil late na siguro. Pumasok din kase ng maaga mga kuya! Hiyang hiya ang sa inyo ang nakaimbento ng alarm clock pag ganyan.
Patuloy pa rin ang aking pag indak, ewan ko ba nasa mood ako ngayon para sumayaw. Sige giling! Sige! Wala akong paki sa dami ng taong nakakasalubong ko. Bakit ba? Hindi naman nila ako nakikita eh. Hmmm. Masabayan nga itong magandang babae na nag jojogging.
"Miss! Miss! pwede magtanong?" Kahit hindi niya ako nakikita at naririnig ok lang, ganito ako mang trip, wala kasi magawa ngayon, bago lang ako dito sa PIlipinas.
"Kilala mo ba ang nagpapatay kay Andres Bonifacio?" Hindi niya ako pinapansin, isnabera naman to! "Hindi? Hindi?! Bobo mo naman! Diyan ka na nga!" Tumigil ako ng paghabol sa kanya, napaupo ako sa gilid ng daan, katapat ang dalawang building, isang kulay blue, isang kulang cream. Hmmm, san kaya maganda pumasok? Mini mini may nimo, babalik babalik sa kanya... dito sa cream. Pag tingala ko para hanapin ang pangalan ng establishimentong ito, Ahh Lepanto Bldg.
Tumapat ako sa sliding glass door nito na may sensor. Kahit kaya kong tumagos, mas pinili kong pumasok pag nagbukas na ito, wala lang, nagpapaka feeling human being lang ako. Nakapamewang at kinukuyakoy ko ang aking kanang paa. Bwisit na sensor to, di ako makapasok, di ako ma detect. Buti nalang may papasok na isang matabang empleyado na naka kulay violet na polo, violet talaga? Magiging kahawig na niya si Barney kung hindi lang sa suot niyang salamin.
BINABASA MO ANG
Captured In Her Eyes
FantasyPaano kung bigyan ni Tadhana ng twist ang buhay nila? Dumating ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang di inaasahang nilalang. Maiinlove siya sa isang Anghel. Maiinlove siya sa isang tao. Makakayanan kaya nila? Will they transcend the...