Chapter Five: Sudden

56 7 3
                                    

Chapter Five: Sudden

Hindi na pinapasok si Meg sa araw na yon ng school doctor na tumingin sa kanya, pinagbilinan niya ito na pansamantala munang magpahinga habang inaantay ang kanyang Daddy na susundo sa kanya. Buti nalang daw ay nadala siya agad sa clinic.

                Bumukas ang pinto at tumambad ang kanyang Daddy.

                “Meg! How are you?! Muntik ka na raw himatayin sabi ni Lyka?” Sabi ng kanyang Daddy, hinaplos ang kanyang noo. “Nako ang init mo, tara na sa bahay para makapagpahinga ka na. Doktora, maraming salamat po, una na po kame.”

                “Wala pong anuman Mr. Cristobal, tungkulin ko po ito.” Nakangiting sabi ng doktora.

                Inalalayan niya si Meg, hanggang sa makasakay sila ng sasakyan at makauwi ng bahay.

                Pagdating sa pinto ay sinalubong sila ng kanyang ina.

                “Anak gusto mo bang kumain? Nag luto ako ng paborito mo.”

                “Wag na po Ma, akyat na ako gusto ko ng makapagpahinga.”

                “Sigurado ka?”

                “Opo.”

               Agad na inalalayan siya ng kanyang ama hanggang sa makarating ito sa kanyang kwarto. Mas minabuti niyang ilihim sa lahat ang naramdaman. Alam rin kasi niyang walang makakaintindi sa kanya. Ano kaya ang naramdaman niya kanina? Bakit ganun nalang ang naging reaksyon ng katawan niya? Hindi na niya masyado pang inisip ng maiigi ang mga kaganapang iyon. Mas pinili nalang niya ang humiga sa kama at ipikit ang mga mata…

                  Kinabukasan any naging maayos na ang pakiramdam niya. Buti nalang at hapon pa ang klase nila kaya nagawa pa nitong magpahinga sa umaga. Gaya ng ibang araw, naging normal naman klase at ang pagsasama nila ng mga kaibigan. Nandyan ang pang bubully nina Lyka at Josh kay Rain, ang walang humpay na irapan nina Lyka at Mai, ang pagbati ni Josh sa lahat ng gwapong estudyante na dadaan sa tambayan nila. At syempre ang pangangamusta ni Colm kay Meg, hindi mawawala yon sa karaniwang araw ng dalaga.

                Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan ng nakalimutan ni Meg ang nangyari sa kanya, inisip nalang niya na siguro’y guni guni lang iyon at sumama lang ang pakiramdam niya dahil sa init ng araw noon.

                Dumating ang Linggo at walang pasok si Meg, naisipan nitong magdilig sa kanilang hardin. Punong puno ito ng ibat ibang klaseng bulaklak at halaman. Mahilig kase dito ang kanilang ina, may pagka trying-hard botanist kasi ito. Malaki rin naman ang pakinabang ng hardin nila dahil dito madalas kumuha ng gulay na pangsahog ang kanyang Mommy. Mahilig itong magluto, trying-hard chef din kasi ito.

                “Ate Meeeeeeeg!” Tumambad sa kanya ang kapatid na si Gab, wala itong salawal.

Captured In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon