PROLOGUE

273 16 8
                                    

PROLOGUE:

 

The Angel’s POV (in first-person perspective):

Nandito kami ngayon sa Langit. Isa isa kaming nakapila para alamin ang panibagong task na i-aasign sa amin. San kaya ako ngayon ma dedestino? Bakit pa kase kailangan lumipat ng lugar? Masyado na akong naging masaya sa Bangkok, Thailand. Haaay, si Boss Mike talaga.

                It’s been 5,784 years ng nag exist ako dito sa mundo, oo exist, hindi isinilang, hindi naman kasi ako tao. I’m an Angel, wag ka mag kunot ng noo dyan, yes we exist! Pero hindi kami basta basta nag papakita sa mga taong hindi naniniwala sa amin, lalo na sa kagaya mo. Sorry! Hehehe.

                May tatlong klase ng Angel, in my case I am a Guardian Angel. Isa sa mga tasks ko ay ang protektahan kayong mga tao sa iba’t ibang klase ng aksidente. Ooops, ako na pala susunod.

                “Boss Mike! Kamusta naman?!” nakangiting sabi ko sa matandang ermitanyo na kaharap ko. “Dun nalang ako sa Bangkok, wag mo na ako ilipat pleaaaaaaseeee..”

                “Hoy! Unang una sa lahat hindi ako matandang ermitanyo! Pangalawa, alam mo ang protocol kailangan mo ma-transfer sa ibang lugar!” Sigaw sa akin ni Boss Mike, nakalimutan ko na nababasa pala niya ang isip ko. Isa kasi siya sa pinaka mataas na celestial being, he’s one of the ‘Seven Archangels’.

                “Haaaaay! Napamahal na sa’kin yung lugar dun, anyway ano pa ba magagawa ko? Saan po ba ako ililipat?”

                Tumingin siya sa monitor ng computer niya, oo may computer sa Langit. Kakagulat ba?

                Click. Click. Click.

                “Hmmmm.” Nakapalumbaba siya habang hinahanap ang pangalan ko sa records niya.

                Maya maya pa ay bigla itong napangisi at tumingin sa akin.

                “Manila, Philippines.”

Captured In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon