Chapter 1

30 6 0
                                    

"Hello goodmorning, what is your order maam"? ang tanong ni pretzy habang hinihintay niya na pumili ng order ang isa sa kanilang customer.

"I like to order two marinara bianca and one whole margarita pizza, can you give me also two ice coffee please, thank you" nag mamadaling isinusulat ni pretzy ang order ng customer

" Please wait 5 to 10min. maam thank you" nakangiting sinabi ni pretzy.

Sa isang class na italian restaurant sa cebu nag tatrabaho si pretzy bilang isang waitress, karamihan sa mga customer nila ay mga foreneir at halos lahat ng regular customer ng restaurant ay kilala si pretzy at dahil masayahin at palangiti, siya ang mas malaking nakatatanggap na tip galing sa mga customer.

" Wow ang ganda naman ni maam hula ko parehas lng kayo ng age ni maam pretzy " ang sabi ni rowena, isa sa mga ka trabaho ni pretzy. "

Hindi kaya mas bata tingnan si maam sa akin, wag ka ngang ganyan tama bang ikumpara sa akin ang customer mahiya naman tayo" ang sabi ni pretzy.

" aba bakit naman hindi, aber? mayaman lng yan napaliguan lng ng maraming nakasabit na gold sa katawan, pero kung ordinaryo lng yan na tao, kagaya natin yan, baka nga mas bata pa tayo diyan" sagot naman ni rowena.

" Sabi pa ha, mahirap lng daw yan si maam, laking probinsya, nakabingwit lng daw ng foreneir na nakilala sa isang online dating kaya hayun umasenso na" dugtong pa ni rowena na bakas sa mukha ang pag ka inggit.

" Tumigil ka na nga diyan, kung gusto mo maghanap ka din ng foreneir sa online dating app, staka baka marinig tayo niyan pareparehas tayo mawawalan ng trabaho sa pag ka chismosa mo, andiyan na yung order ni maam dedeliver ko na to tumahimik ka na diyan ha" ang tanging nasabi na lamang ni pretzy kay rowena.

Walo sila na empleyado sa restaurant at halos sa kanila ay puro mga babae, ayaw na tumanggap ng lalake na empleyado ang kanilang italyano na amo dahil nakaranas na ito manakawan ng isang empleyado niyang lalake.

Pangatlo si pretzy sa pinakamatagal na empleyado sa restaurant kaya naman buo na ang pag titiwala ng amo nila. sa kanilang walo na empleyado halos magkakaibigan at parang kapatid na ang turing nila sa isat isa, kaya hindi na uso sa kanila ang inggitan at siraan. si rowena ang pinaka bata na empleyado at pinaka malapit kay pretzy, ka edad kase ni rowena ang nakababatang kapatid ni pretzy na nasa manila na ngayon nakatira. si rowena na lng din ang tanging natitirang single sa kanila, karamihan sa ibang katrabaho ni pretzy ay may mga asawa na at yung iba may mga long term partner na.
Si pretzy ay committed na sa kanyang partner for 10years pero hanggang ngayun nasa long term parin yung status ng relationship nila, kahit minsan hindi nila napapag usapan ang salitang kasal kahit meron na siyang dalawang anak sa partner niya.

Hindi naman sa ayaw mag pakasal ni pretzy natatakot lng siya na matulad sa kaniyang ate na iniwan ng asawa ng dahil sa ibang babae at sa nakababatang kapatid ni pretzy na iniwan ang asawa ng dahil sa lalaki,

"Hahay buhay nga naman, kung ganyan lng din naman mangyayari hindi na lng muna ako mag papakasal" yan ang palaging sinasabi ng isip ni pretzy

"Marami naman ako ka kilala na tumagal ang pagsasama kahit hindi kasal, Nasa dalawang tao lng yan na nag kakaunawaan." dagdag pa ni pretzy sa utak niya.

Hindi na namalayan ni pretzy ang oras dahil abala sila ngayun sa restaurant basta araw ng linggo, hindi na niya napansin na lagpas na siya ng oras ng out niya sa trabaho. nag mamadali siyang pumunta sa locker room para mag bihis. Nag pa alam na siya sa ibang kasamahan niya sa trabaho na mauuna na siyang umuwe.

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon