Chapter 11

7 3 0
                                    

Labis ang ikinatuwa ni andrew sa pag accept ni pretzy sa kaniyang video call, ilang araw din siya nag hintay na mag online ang dalaga, kaya naman ganon na lng  ang exitement ng binata na makausap na ito.

Alam ni andrew sa sarili niya na attracted siya kay pretzy, sa katunayan kumuha pa  siya ng isa sa mga picture nito at e si nave sa Galery ng kaniyang loptop.

" Honey "  tanong ni andrew

Nag hihintay ng sagot si andrew kay pretzy

" You don't know me " ang naisagot ni pretzy

" I know, that's why i want to be closer to you " andrew said

" Do you have desire to spend time together with me?" sincere na tanong ni andrew kay pretzy.

Nakaramdam ng kaba at takot si pretzy, pakiramdam niya na seryoso sa kaniya ang binata kaya naman nag mamadali siya na mag log out sa site na iyon.

Nagtataka na nagtanong si andrew sa kaniyang sarili kung bakit iniwan siya ng dalaga, naisip niya na baka nabigla niya ito, nakaramdam din siya ng takot na baka hindi na bumalik pa ang dalaga sa site na yon.

Samot sari ang emosyon na nararamdaman ni pretzy, bakit ganun na lang ang takot niya sa binata, pwede naman niya derektahin na sabihin dito na commited na siya sa iba at may mga anak na, bakit hindi niya iyon nagawa.

Lumipas ang isang linggo nakabalik na sa trabaho si rowena, kaya naman sinabi lahat ni pretzy ang mga nangyari sa kaniya don sa dating site, Nakiusap din siya na ipa deactivate ang account niya sa site na iyon.

" Hindi naman na kailangan pang e delete yon, kapag hindi ka na mag log in don ng ilang months automatic na yon ma deactivate " paliwanag ni rowena

" at isa pa ha, ganda mo gurl!!" kinikilig na sigaw ni rowena

" Anong maganda don natakot nga ako " pag aalalang sagot ni pretzy

" Bakit ka naman na takot e diba sabi mo gwapo?" tanong ni rowena

" Baliw!  hindi naman sa face, don sa mga pinag sasabi niya sa akin " sagot ni pretzy

" Alam mo ikaw napag hahalatang baguhan sa mga dating site, nakikipag flirt lng yung instik na yon sayo ano ka ba wag mo seryosohin bored lng yon " explain ni rowena kay pretzy

" Aber sige nga ano ba mga dapat gawin kapag may ganiyan mga lalaki na gusto makipag..ano tawag don flirt??" tanong ni pretzy

" Simple lng e di makipag landian ka rin, wala naman masama don, kausap o pampalipas lng naman ng oras, ang masama don kung tototohanin mo!!" solsol ni rowena kay pretzy

"  Naku, hindi ba parang mali yata yon kase commited na ako staka baka malaman pa ni allan " pag dadalawang isip na sagot ni pretzy

" Ikaw tanungin kita 100% ba na si allan na loyal sayo? pano mo na sisigurado na walang ibang kalandian yang partner mo don sa amerika?" tanong ni rowena

" huh " ang naisagot lng ni pretzy

" Sabihin mo na dinedemonyo kita bahala ka, pero kung ako sa sitwasyon mo makikipaglandian ako tutal only in cam lang yan, no string attach " solsol pa ni rowena

Hindi na muli pang nag salita si pretzy, pumasok na lang siya sa kusina at tinulungan na lang si ate sophie.

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon