Chapter 2

21 5 0
                                    

Ala sinko na naka out sa trabaho si pretzy lumagpas ng isang oras ang out niya sa trabaho.

" Ok lng dagdag din ang isang oras sa sweldo ko " nasa isip ni pretzy.

" Kaya lng wala na ako oras pang mag luto sa bahay isang oras din ang byahe ko bago ako makakarating sa amin kung dadaan pa ako ng palengke, hindi na ako aabot sa oras ng video call namin ni Allan" pag aala lang nasa isip ni pretzy.

Si Allan ang 10years long term relationship niya. 27 years old siya nung makilala niya si Allan napag usapan nila na magsama na muna nung mabuntis siya sa panganay nilang anak na si robert na 10years old na ngayun.

Sa totoo lng hindi ganon kadali ang pagsasama nila ni Allan, sa 10years maraming pag subok ang dumaan sa buhay nila, dumating pa nga sa punto na muntik na silang mag hiwalay, sa katulad nilang baguhan hindi pa nila alam ang hirap ng buhay ng may asawa at anak.

Ano ba kadalasan pinag aawayan ng mag asawa, pera tama ba?
Nung mga panahon na yon, walang trabaho si pretzy tanging inaasahan lng nila ang kinikita sa trabaho ni allan sa SM bilang janitor, ok lng naman ang sweldo ni Allan bilang janitor kaso, hindi regular na empleyado sa SM si allan, kung baga reliever lng siya, tatawagan lng kung kulang sa empleyado, swerte na lang kung maka straight ng dalawang linggo ang trabaho.

Kaso kahit anong budget kukulangin at kukulangin na talaga lalo nat buntis si pretzy sa pangalawa niyang anak, kaya napag usapan ni Allan at Pretzy na titira muna sila sa bahay ng biyenan niya, para hindi na nila kailangan mag bayad pa ng renta ng bahay.

Akala ni pretzy sa drama lng nangyayari ang pang aapi ng biyenan sa manugang, dito niya na realized na nang yayari pala talaga ito sa totoong buhay, na kahit anong gawin mong mabuti, may masasabi at masasabi pa rin, yung bang palaging mali ang nakikita kesa sa mga magandang nagagawa, pero lahat ng yung tiniis ni pretzy dahil mahal niya si allan kaya dapat lng respetohin niya ang mga magulang nito. lumipas ang mga taon dumating na sa punto na kailangan na mangibang bansa ni allan para maka suporta sa mga pangangailangan nilang mag ina. At swerte naman natanggap si pretzy sa ina applyan niya na restaurant na ngayun ay regular employee na siya.

Dahil parehas na sila ng partner niya na kumikita, nag simula na din silang mag bukod, umalis na sila sa bahay ng biyenan niya at nag rent ng maliit na apartment, si charice ang kinuha niya mag babantay at kasama ng dalawang anak niya sa bahay habang nasa trabaho siya.

" 6:30pm na kailangan maka rating ako sa bahay bago mag 7:30pm, bibili na lng ako ng lutong ulam sa karenderya na malapit sa bahay namin" ang sabi ng isip ni pretzy habang nag mamadaling bumababa ng jeep.

"Hay salamat, nakarating din sa bahay" tanging nasabi ni pretzy pag bukas ng pinto sa bahay nila

Agad naman sumalubong ang bunsong anak ni pretzy na si josh na 5years old na ngayun.

" Mama, bakit ngayun ka lng miss na kita, I love you" ang sabi ni josh.

Nawala kaagad ang nararamdamang pagod ni pretzy ng marinig ang sinabi ni josh.

" I love you too anak, miss din kita, pa kiss nga mwah..." tuwang pagkakasabi ni pretzy kay josh.

Agad naman kinuha ni charice ang dalang ulam ni pretzy at dinala na sa kusina, sinalubong din si pretzy ng panganay niyang anak na si robert at nag mano sa kaniya.

Tahimik at mahiyain na bata si robert kaya hindi na yun bago sa kaniya. Nagmamadaling pumasok sa kwarto si pretzy para maka pag bihis na at makapag online, tiyak niyang nag hihintay na si Allan na mag online na siya...

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon