Chapter 5

12 4 0
                                    

Masayang nakikipag video call si pretzy kay Allan, pinag uusapan nila ang bawat nangyari sa buong araw nila, sa trabaho man o sa pamilya, kitang- kita sa mga ngiti nila ang pagkasabik sa isat isa.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula ng mangibang bansa si allan, alam ni pretzy kung gaano kalungkot ang ma palayo sa pamilya kaya naman kahit pagod siya sa trabaho nag bibigay siya ng oras kay allan.

" Love, kapag meron na ako green card, mag papakasal na tayo at kukunin ko kayo."

" Miss na miss ko na ang mga bata, lalo na ikaw " pilyong pagkasabi ni allan.

" Oo maghihintay kami ng mga anak mo "
" at wag mo kami masyadong intindihin maayos naman kami dito ng mga bata, alagaan mo palagi ang sarili mo, I love you "

Ang malabing at buong pagmamahal na pag kasabi ni pretzy.

" I love you too, take care "
" Sige na mag pahinga ka na alam kong pagod ka rin sa trabaho, goodnight love "

" Goodnight, bye " paalam ni pretzy.

Mabuting ama at partner si allan para kay pretzy, responsable at mapagmahal, lahat ng pangangailangan nilang mag ina ibinibigay nito, pero may isang bagay lang na ayaw niya kay allan yun ang pagiging mama's boy nito.

Panganay si allan sa kaniya mga kapatid, seaman graduate si allan kaya naman siya ang inaasahan ng ina nito na makakatulong sa kaniyang mga kapatid.

Kaya nga ganun na lng ang galit ng ina nito ng malaman niyang nag dadalantao si pretzy sa panganay nilang si robert, pakiramdam ni pretzy na siya ang sinisisi ng ina nito kung bakit hindi ito nakatulong sa kanila, at hindi lng yon mas gusto ng ina nito ang ex girlfriend ni allan na si Anna, pero ipinaglaban at pinanindigan ni allan si pretzy.
kaya labis ang respeto ni pretzy para kay allan dahilan para lalo niyang ibigin ito.

Kinabukasan, maagang pumasok sa trabaho si pretzy, 7:30 ang IN nya sa trabaho pero 6:30 pa lng na andon na siya, agad na dumeresto si pretzy sa locker room para makapag bihis ng uniform na pang trabaho nila at dahil maaga siyang dumating naisipan na rin niya na mag almusal, dalawang itlog at dalawang hotdog ang baon ni pretzy, itinabi niya ang isang itlog at isang hotdog para pang tanghalian niya, habang kumakain si pretzy isat isang nagdatingan ang iba pa niyang mga workmate.

" Oh napaka aga mo yata " sabi ni ate sophie

si ate sophie ang pinaka matanda sa kanilang walo, siya rin ang pinakamatagal na empleyado sa restaurant.

" Oo ate sophie sinadya ko talaga na pumasok ng maaga para dito na mag almusal " sagot naman ni pretzy.

" Ah ganun ba, o siya sasabay na lng din ako mag almusal sa iyo " sabi ni ate sophie.

" Wow anong baon niyo? hindi ako nakapag baon ng ulam, kanin lng yung nabaon ko pwede mo hits?" ang sabi ni aireen isa sa mga workmate ni pretzy.

" Oh siya, sumabay ka na rin sa amin aireen madami dami din tong baon kong ulam na adobo, kumuha ka rin pretzy alam ko nag titipid ka rin."

" Thank you ate sophie " sabay na pag kakasabi ni pretzy at aireen.

Sa isang sulok napansin ni ate sophie si rowena na hindi nag aalmusal at panay ang bungisngis habang naka tutok sa celpon nito.

" Hoy, rowena ano ka bang bata ka kakabagin ka sa kakatawa mo diyan!" ang sabi ni ate sophie. " Hindi ka ba kakain?" dagdag pa nito.

" Hindi ate sophie kumain na po ako sa bahay, thanks hihihihihi...." bungisngis napag kakasabi ni rowena.

" Ano ba yang pinapanood mo?" tanong ni pretzy.

" Wala akong pinapanood anoh!"
" Meron kase akong kalandian hihihihi...!"
" Gusto niyo makita?" pagmamalaking sinabi ni rowena.

" Patingin nga " sabi ni aireen

Tumingin din si pretzy at ate sophie sa celpon nahawak ni aireen, gusto din nila makita ang kinalolokohan ni rowena.

Ang lalaking nasa picture ay isang canadian at nasa edad na 30's
binasa din nila ang mga conversation ni rowena at ng canadian.

" Naku, totoo ba naman yan? baka picture lng ang nagdala diyan?" pang aasar ni ate sophie.

" Oo nga rowena, baka scam yan, nag lolokohan lng kayong dalawa diyan " singit ni aireen.

" Hindi ko naman siniseryoso ito nakikipag landian lng naman ako kung baga pang pakilig lng sa love life ko ganun " depensa ni rowena.

" Pero malay natin diba? siya yung soulmate ko wala naman nakaka alam diba?"

" Gusto ko rin maka experience ng may afam, yung may mag papadala sa akin ng dollar everymonth at maraming gifts wahahahaha..!!!" tuwang pagkasabi ni rowena.

" GOLD DIGGER!!!!" sigaw na pabiro ni aireen

" Oh siya tama na yan mag handa na tayo malapit na mag 7:30 oras na ng trabaho " ang nasabi na lamang ni ate sophie.

Nakangiting napailing na lng si pretzy kay rowena....

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon