Chapter 7

8 3 0
                                    


" Naku patay tayo ni boss nito mahina ang benta ngayun, iilan lng yung naging customer natin " pag aalala ni aireen

" Ano magagawa natin alangan naman hilain natin yung mga tao sa labas para kumain dito " pang aasar ni rowena

" Kung gusto mo dagdagan mo yung kita natin, marami ka naman sigurong pera diyan" dagdag pa ni rowena.

" Ano ako baliw? Ayoko nga!"
sabi ni aireen

" Ganyan talaga ang bussiness "
" Hindi naman magagalit si boss, kase nung isang araw kumita tayo ng malaki, diba ang busy kaya natin non " sabi ni pretzy

" Sabagay " sabi ni aireen

" Sa akin, ok lng kung hindi tayo busy ngayun para may time ako makapag reply sa afam ko " kinikilig na sinabi ni rowena

" Hala, ayan na naman siya " natatawang sinabi ni aireen

" Bakit ba? inggit ka lng sakin eh!" sabi ni rowena

Natatawa na lng si pretzy habang nakikinig sa asaran ng dalawa.

" Rowena totoo ba yang afam mo? diba karamiha sa online dating hindi totoo yung picture, kadalasan mga nigerian yan!"

" Malalaman mo naman kung fake yung tao, hindi naman ako ganun ka tanga noh!"
sabi ni rowena

" Isa pa, hindi naman lahat ng information ko nilagay ko sa profile, actually ang totoo lng dito yung picture ko the rest puro bulatik nah
hahahahaha!!" dagdag pa ni rowena

" Yan ang sinasabi ko, kaya nga wala ng foreneir na may tiwala sa mga pinay " sumali na rin si ate sophie

" Mag sasara na lang tayo ng maaga tutal wala naman masyadong customer ngayun " dagdag pa ni ate sophie.

Maagang nag sara ang restaurant, kaya maaga din nakapagpahinga si pretzy sa bahay nila.

" Mauuna ako makakapag online, mag hihintay na lng ako kay allan " sabi ng isip ni pretzy.

lumipas ang dalawang oras, hindi nag online si allan, kaya minabuti na lng ni pretzy na mag iwan ng maikling message kay allan bago matulog.

" Hoy, ano nyare sayo!!? saway ni rowena kay pretzy

Nagulat si pretzy sa biglang tanong ni rowena.

" Ah alam ko na wag mo na sagutin, hindi na naman online si allan noh? at napuyat ka kakahintay tama ba? sabi ni rowena

Hindi kumibo si pretzy, tama naman din si rowena, ilang buwan na rin na hindi na sila masyado nakakapag video call ni allan, alam naman din ni pretzy na busy sa trabaho at mag kaiba ang oras nila ni allan..

" Matanda ka lng sa akin ng 5years, advice ko, wag mo e focus sa isang tao, marami ka naman pwedeng gawin para maging busy ka para hindi mo siya maisip" sabi ni rowena

" Hindi sa di ne demonyo kita, bakit di ka mag try humanap ng makakausap sa online, take note! kausap lng ha para naman hindi ka tulala diyan " dagdag pa ni rowena.

" Naku igagaya mo ako sayo? wala naman akong alam sa mga ganiyan, baka ma scam pa ako diyan!" pagtangging sinabi ni pretzy

" Hindi ka naman siguro tanga para ma scam no, staka di naman lahat ng information tungkol sayo isusulat mo, kausap lng naman hinahanap mo hindi afam, oh edi kapag nag sawa kana delete mo na account mo ganun lng kadali, gagawan kita ng account mamaya!" sulsol ni rowena kay pretzy.

" Oo tapos kapag nag sawa ka na diyan sa kausap mo bigay mo sa akin " sumali na rin si aireen

" Tigilan niyo nga yan si pretzy, hindi kayo nakakatulong sa tao, lalo niyo lng ginugulo ang isip" nakisali na rin si ate sophie

" Wag mo na silang pakinggan pretzy, halika dito sa tabi ko tulungan mo na lng muna ako sa kusina "

" Sige ate sophie "

lumipas ang gabe mag isa lang sa kwarto si pretzy, naka tingin sa kaniyang loptop habang hinihintay niya na mag online si allan.

ALLAN IS NOW ONLINE

ALLAN : love, sorry busy ako ngayun

PRETZY: ha bakit?online ka naman na ha

ALLAN: dami kase pinapagawa si boss

ALLAN: bawe na lng ako sayo next time

PRETZY: 😞😞😞

ALLAN: sorry love

ALLAN: love alis na ako baka ma late ako

PRETZY: 😭😭😭

ALLAN : bye i love you...

PRETZY: 😑😑😑

" Kahit man lng 30min. bahala ka na nga!!" nagtatampong nasa isip ni pretzy

Masama ang loob ni pretzy kay allan pakiramdam niya gusto niyang mag wala sa discohan, gusto niyang umiyak sa pag babalewala ni allan sa kaniya. hanggang sa naka tanggap siya ng text message..

" Si rowena " sabi ng isip ni pretzy

"Rowena: hi pretzy, diba sinabi ko sayo na gagawan kita ng account sa online dating
o eto na meron ka nang account."

" pretzy : wala naman ako natatandaan na pumayag ako sa kalokohan mo "

" Rowena: ha wala ba? anyway nakagawa naman na ako, text ko sayo yung application den yung password mo, nasa sayo na kung ayaw mo buksan..cge enjoy!!"

" Ang walang hiyang babaeng yon, ano kaya pinag sususulat don " galit na sabi ni pretzy

Nakatanggap ulit si pretzy ng text message kay rowena, nakasulat don ang online dating app. ang password at username niya.

Hindi pinansin ni pretzy ang text ni rowena, pero napa isip siya kung ano ang mga isinulat ni rowena don sa ginawang account sa kaniya.



❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon