Chapter 8

6 3 0
                                    

Hindi mag kan da ugaga si pretzy sa mga lalaking gustong makipag chat sa kaniya, dahil first time niya sa isang online dating hindi niya alam kung ano meron dito.

Napakaraming lalaki galing pa sa ibat ibang bansa ang naka register sa application na yon take note! hindi lng basta mga lalaki lng, kundi mga gwapong lalaki.

Binuksan ni pretzy ang application para malaman kung ano mga isinulat ni rowena sa account na ginawa nito.

Nabasa ni pretzy ang profile na ginawa ni rowena.

" Luh, ano tong mga pinag susulat ni rowena dito " gulat ng mabasa ni pretzy

Ang mga nakasulat sa profile ni pretzy ay gawa gawa lamang ni rowena tulad ng place, age, status, work, ang mas lalong ikinagulat ni pretzy ang paglagay ni rowena na isa siyang single na walang kids.

Naisip ni pretzy na e deactivate ang account sa online dating na yon.

" Pero papaano?" tanong ni pretzy

Hindi alam ni pretzy kung saan pwede e deactivate ang account na ginawa ni rowena, naisipan na lng ni pretzy na bukas sasabihin niya kay rowena na e delete na ang kaniyang account.

Mag log out na sana si pretzy sa application na may biglang gustong makipag video call sa kaniya.

" Sino ba to? gusto makipag video call kagad naku baka scam to!! dapat sayo cancel!!"

kinancel ni pretzy ang videocall ng isa sa gustong makipag chat sa kaniya.

Nag send ng message ang lalaking gustong makipag video call

ANDREW : coffee or tea?

Tinatanong si pretzy ng lalaki na gustong makipag chat sa kaniya, napaisip si pretzy

" Nandito naman na ako, ok sige makikipag usap na lng ako "

PRETZY : tea

ANDREW : i like also tea

ANDREW : thank you for giving me a chance to talk to you

PRETZY : no problem

ANDREW: why are you here?

PRETZY : for talk only

ANDREW: me, i am looking for commitment

PRETZY : ok

ANDREW: i check your profile you are very beautiful

PRETZY: its filter

ANDREW: no, you are beautiful

PRETZY: what ever

ANDREW: Honey, believe me

PRETZY: ok

ANDREW: Honey, can you tell me more about yourself?

at paano naman niya sasabihin na in a realtionship na siya at may mga anak, hindi magtutugma sa mga sinulat ni rowena

PRETZY : sorry, i need to go its already late here, need to sleep.

ANDREW : ok, what time you are here tomorrow?

PRETZY : i don't know

ANDREW : can i talk to you again tomorrow?

PRETZY : talking is fine but i don't know when

ANDREW: then i will wait you here

PRETZY: its up to you, bye

ANDREW: ok bye

Bago mag log off si pretzy sa dating site, chineck niya ang profile nung lalaking naka usap niya

" ANDREW SY from taiwan at isa palang bussinessman " ang nabasa ni pretzy sa profile

" ang tanong totoo naman kaya yan, im sure sinulat lng din niya yan para makapag pa empress sa mga babae dito " ang nasa isip ni pretzy

Nag log off na si pretzy sa online dating at di na muling babalik dito.

Kinabukasan sa restaurant hinihintay ni pretzy si rowena na dumating, napansin siya ni ate sophie na panay ang lingon niya.

" Sino ang hinihintay mo pretzy?" tanong ni ate sophie

" si rowena, ate sophie " sagot naman ni pretzy

" nakalimutan mo ba naka file ng leave si rowena for 1week?"
" kahapon yung last niya na duty " dagdag ni ate sophie..

" Oo nga pala nakalimutan ko " mahinang sinabi ni pretzy

" sabihin mo sa akin, ano ginawa ng babae na yon sayo? " mariin na tanong ni ate sophie

" ay wala ate sophie may tatanong lang sana ako, pero ok lang pag balik na lng niya." mahinahong sagot ni pretzy

Hinayaan na lng muna ni pretzy ang tungkol sa online dating at nag simula na siya mag trabaho...

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon