Chapter 4

18 5 0
                                    

Madami ang dumalo sa kasal ni Angela, karamihan dito ay mga bussiness man, close friends ng family at mayayamang mga relatives ng pamilya Sy.

Ang mansyon ng pamilyang Sy. ay napapalibutan ng mga pulang kurtina at mga pulang bulaklak. Ang pula ay tradisyon o pamahiin ng mga instik na nag papahiwatig ng goodluck o pam paswerte sa mga ikinakasal o ano mang okasyon.

Napakaganda ni Angela sa suot niya wedding gown, para siya isang princesa na ubod ng ganda, bakas sa mukha ni Angela ang isang napakasayang bride.

Sa di kalayuan naka tayo si Andrew at pinag mamasdan ang kaniyang magandang pinsan.Hiling niya na sana maging masaya si Angela sa bagong buhay may asawa na tatahakin nito.

" I can't believe Angela got american husband" Jerry said.

Si Jerry ay isa sa mga anak ng family friends ng pamilyang Sy. sa una pa lang alam na ni Andrew na si Jerry ay may lihim na inggit sa kaniya.

Nagkaroon sila nang pag tatalo nito ng madiskubre ni Jerry ang kaniyang fiancee ay lihim na umiibig kay Andrew.

Kaya naman ginawa lahat ni Jerry ang paraan upang malagpasan ang katanyagan ni Andrew pero bigo siya na gawin ito.

" Mind your own bussiness" Andrew said

" Well, in our new generation, we can meet and date people everywhere without travelling!" Jerry said na may halong pang aasar kay Andrew.

Hindi pinansin ni Andrew ang mga sinabi ni Jerry, bagkus tinalikuran at iniwan niya ito na nakatayo sa kaniyang harapan, ayaw niya makipag usap sa mga toxic na taong kagaya ni Jerry.

Lumipas ang isang linggo, balik sa trabaho si Andrew, araw-araw meron siyang schedule appointment at mga meeting sa kaniyang mga investors, kaya halos wala na siyang oras para sa sarili niya na mag enjoy.ganiyan ka boring ang life ni Andrew Sy

Kaya nga wala na siyang time para mag karoon pa ng love life. Habang nag lalakad siya sa paseyo pa puntang elevator kasama ang iba pa niyang mga assistant, nabaling ang tingin niya sa isang sulok ng building.

" Is it henry?" tanong ni Andrew sa isa pa niyang assistant na si Carlo.

" Yes sir, henry is having his break time" Carlo said.

Alam ni Andrew na break time ni Henry, na curious lng siya sa kausap nito na isang filipina.

Matapos ang ilang oras na meeting ni Andrew nakita na niya si henry sa opisina na nag sisimula na mag trabaho, Nilapitan niya ito at nagtanong.

" I saw you, talking with a woman"

Napatayo si henry sa kaniyang upuan ng marinig ang boses na pamilyar sa kaniya, pero ang pinag tataka ni henry ang pag tatanong ng kaniyang boss sa babaeng kausap niya, nag aalangan siya na sabihin sa kaniyang boss na nakilala niya ang babae sa isang online dating.

Na agad naman napansin ni Andrew

" Its ok, you don't need to say"
" Forge it"
Ang tanging nasabi ni Andrew
sabay alis at tumungo na sa kaniyang sariling office room.

Maghapon na nag trabaho si Andrew sa kaniyang opisina, sumasakit na rin ang mga mata niya na nakatutok sa computer, ipinikit ni Andrew ang kaniyang mga mata ng ilang minuto para makapag pahinga ng biglang pumukaw sa kaniyang atensyon ang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan ng kaniya opisina si henry.

" come in" Andrew said.

Pumasok si henry sa office room ng kaniyang boss dala dala ang paper works na pinapagawa nito sa kaniya at sabay sabing...

" Sir, i already finish the paper works that you given to me, i will put in your table."

" And about earlier the woman, i saw her in a online dating app 3months ago, we decide to meet each other today since she was here in taiwan "

" I write the dating app in a small paper inside the folder, hope i unswer your couriosity sir " mahinang pagkasabi ni henry na bakas sa mukha ang pag aalala.

Binuksan ni Andrew ang folder at nakita niya ang maliit na papel na sinasabi ni henry, nakasulat don ang site kung saan nakilala ni henry ang filipina.

" Okay, you can leave."
Andrew said, at muling ipinikit ang mga mata

Natapos ang buong araw ng pag tatrabaho ni Andrew sa opisina, nakikinig siya ng sounds habang nag mamaneho siya ng kaniyang sport car na kulay pula, pagod siya buong maghapon kaya naman nang makarating siya sa kaniya bahay agad siya nag tungo sa kaniyang room para makapag hot shower.

Pagkatapos ni Andrew mag hot shower agad siyang uminom ng black tea, relax na relax ang pakiramdam ni Andrew habang naka upo sa kaniyang sofa, naka tanggap siya ng text message galing sa kaniya sekretarya, naka sulat don lahat ng schedule niya para bukas.

Nang mabasa ni Andrew ang schedule niya para bukas ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng ilang minuto ng biglang na alala niya ang site na isinulat ni henry sa kapirasong papel.

" Should i try or not " sabi ng isip ni Andrew

Gusto niyang subukan ang dating site pero mahirap mag tiwala sa online, sa panahon ngayon marami nang fake account at scammer, bigla niyang na alala si Angela at Henry na nakakita ng love sa online.

Kinuha ni Andrew ang kanyang loptop at nag search sa site na ibinigay ni henry sa kaniya.

Andrew is making profile on his online dating...

❤ Soulmate ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon