Kabanata 1

13 2 0
                                    

"Matatamis po yan ate." Pang eenganyo ni Cara sa babaeng pumipili ng mga prutas na paninda niya.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng bawiin sa kanya ang kompanya. Hindi siya tinatanggap sa mga inaapplyan na trabaho dahil binabantaan itong ipapasara ni Doña Imelda. Kaya naman sa tulong ni Brandon na nagtratrabaho na ngayon sa isang law firm at ni Ashley na sekretarya sa isang advertising company ay nakapagpatayo siya ng maliit na tindahan ng prutas sa palengke.

Ibenenta niya na ang sasakyan at bahay na naipundar niya upang ibayad sa mga pinagkakautangan ng ama sa pagsusugal. Kulang pa iyon kaya naman sa probinsya na siya tumira upang mapagtaguan ang mga ito.

"Cara! Si Katkat isinugod sa ospital. Nahihirapan daw huminga." Nag aalalang balita sa kanya ni Marco, ang kababata niya na siyang tinutuluyan niya dito sa probinsya.

Dali dali silang pumunta ng ospital. Labis na pagkatakot ang naramdaman niya. Si Katkat na lamang ang mayroon siya, hindi ito pwedeng mawala.

"With her symptoms I suspect she has Acute Lymphocytic Leukemia. I suggest na dalhin mo siya sa Lungsod for second opinion at kulang din ang kagamitan natin dito sa probinsya para magamot ang bata. This is urgent Ms Clemente." Nanghina siya sa sinabi ng doctor mabuti na lamang at nakaalalay sa kanyang likod si Marco kundi ay baka tumumba na siya.

Hindi sapat ang kanyang ipon upang ipagamot si Katkat. Naalala niya si Mr Ramos na gustong bilhin ang maliit niyang pwesto sa palengke. Ayaw niya sana itong ipagbili dahil ito lamang ang ikinabubuhay nila ngunit wala na siyang mapagpipilian.

Agad na nag empake ng gamit si Cara pagkakuha niya ng pera kay Mr. Ramos. Nakahanda na din ang ambulansyang maghahatid sa kanila sa ospital sa lungsod.

"Tanggapin mo na ito Cara." Iniabot sa kanya ni Melinda, nanay ni Marco ang ilang pera.

"Nay huwag na po. Nakakahiya po. Pinatuloy niyo na po kami dito sobra sobra na po iyon." Mabait sa kanya ang pamilya ni Marco kaya naman naging madali para sa kanya ang magsimula dito sa probinsya.

"Kaunting tulong lang ito para sa kapatid mo kaya kunin mo na." Naluluhang kinuha niya ang pera. Kailangan niyang maging matatag para sa kapatid.

Si Katkat ay anak ng papa niya kay Grace. Nasa piitan ang dalawa dahil patuloy pa din pala ang paggamit at pagtutulak nito ng ipinagbabawal na gamot. Sa kulungan na nanganak si Grace at simula noon ay kinuha niya na ang kapatid mula dito.

Sa ikalawang pagkakataon, hindi niya alam kung paano magsisimula muli. Alam niyang malaki ang perang kakailanganin niya para sa pagpapagamot ng kapatid at hindi niya alam kung saan ito kukunin. Lalo pa't sa pagbabalik nila ng lungsod dapat siyang maging maingat dahil sa oras na matunton siya ni Doña Imelda at Don Victorino ay katakot takot na paghihirap ang ipaparanas nito sa kanya katulad ng banta nito ilang taon na ang nakakaraan.

----------

Pagod mula sa paghahanap ng trabaho ay bigo pa din si Cara. Pinauwi na ang kanyang kapatid ngunit kailangan pa din nilang bumalik sa doctor para sa monthly check up nito kaya hindi pa sila maaaring umuwi ng probinsya. Ipinagpasalamat niya na magiliw silang tinanggap ng magulang ni Ashley sa bahay nito.

Ginabi na siya sa paglalakad pauwi, nagbabakasali kasi siyang may madaraanan na naghahanap ng waitress, saleslady o katulong, kahit ano basta marangal ay papasukin niya na.

"Naflatan ako ng gulong kuya Noel. Dito sa may Bayawas street. Yes please may dinner meeting ako I need you to be here asap."

Napatulala siya sa pamilyar na boses na narinig mula sa lalaking nakasandal sa isang mamahalin na kotse sa tabi. Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang likod ng lalaki. Matangkad ito katulad ng kilala niya. Medyo mas malaki nga lang ang katawan ngunit malakas ang loob niyang siya iyon.

The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon