"I... I can be your.. your slave in bed."
Saglit na natulala si Jax sa sinabi ni Cara. Kailanman ay hindi niya nakikita bilang ganoon klaseng babae ang kaharap. Mataas ang respeto niya para rito. Kahit noong sila pa ay hindi niya iyon hiningi sa dating nobya. Alam niyang mas nais ng babae na may basbas muna ng Panginoon ang kanilang relasyon bago iyon gawin, ngunit dahil sa isang mabigat na rason ay kinailangan niyang iwanan ang dalaga.
"No! You don't have to do that." Napalakas ang kanyang pagkakasabi sapagkat hindi niya nais marinig ang ganoong klaseng mga pananalita mula kay Cara.
Agad na napabaling sa kanya ang tingin ni Cara. Nabigla siya sa reaksyon ng lalaki. Ganito na ba siya kaayaw nito? Nakakadiri ba siya para kay Jax?
Napayuko siyang muli at kinagat ang labi dahil sa pagkapahiya. Hindi niya na dapat pang sinabi iyon.
"Sorry. Hindi ko naisip na baka... baka may girlfriend ka na. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko." sabi niya at nagsimulang magsalin ng pagkain sa kanyang plato upang tapusin ang kanilang pag uusap.
"I don't have a girlfriend." sagot ng lalaki habang pinagmamasdan siya sa ginagawa. "Just eat. I'll give you a better job and please don't ever offer that again lalo na sa ibang lalaki. I will never see you that way."
Unti unting tumingin si Cara sa kaharap. Agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata. Kanina niya pa iyon pinipigil pero katulad ng dati kapag kasama niya si Jax ay kusang lumalabas ang tunay na emosyon na nararamdaman niya.
Magmula nang maging tagapagmana siya, isa sa mga inihabilin sa kanya ni Atty.Brandon ay huwag paiiralin ang emosyon. Hindi dapat mababakas sa kanyang mukha ang tunay na nararamdaman niya. Kailangan ay magmukha pa din siyang matapang kahit nasasaktan na siya. Subalit nang makilala niya si Jax ay nabago ang lahat. Kapag andyan ang binata sa kanyang tabi ay nagiging madali para sa kanya na ipakita ang tunay na nararamdaman ng puso niya.
Tumayo si Jax at agad na lumapit sa kanyang tabi. Hinawakan niya ang baba ni Cara upang makita niya ng maayos ang mukha nito. Sunod sunod na pumatak ang mga luha mula roon.
"Cry. Just let if out." Yumukod siya upang magpantay ang kanilang mga mukha. Pinahid niya ang mga luha ni Cara gamit ang kanyang hinlalaki ngunit hindi iyon nauubos dahil sunod sunod pa din ang pagtulo nito.
"Sorry." Mahinang sabi ni Cara kasabay ng paghikbi. Hindi dapat siya umiiyak sa harap nito pero hindi niya na kaya. She doesn't like the feeling of being useless. She hates that she needs to degrade herself just to pay Jax. This is not the way she plan to meet her ex. She should be powerful, much powerful that Jax cannot be able to afford him. Pero hindi iyon ang nangyari. Parang siya pa ang pinarusahan kahit wala naman siyang nagawang masama.
"Sshh. It's okay. I'm here now. Hindi mo na kailangang itago muli ang mga nararamdaman mo." Niyakap siya ni Jax habang nakaupo. Nakadikit ang kanyang mukha sa bandang tiyan ng lalaki habang marahan na hinahaplos nito ang buhok niya.
"I didn't know where to go now Jax." sabi niya sa gitna ng bawat paghikbi.
"Sa akin. Andito ka na sa akin bakit ka pa pupunta sa iba."
Lumayo siya kay Jax at itinaas ang mukha upang makita ito.
"But you left me. Pwede mo pa din iyong gawin sa akin lalo na't wala naman akong pakinabang sayo." Ano nga ba ang pakinabang sa kanya ni Jax? Wala. Wala siyang maisip na rason kung bakit sila tinutulungan nito. Awa ba? o baka naman tama siya ang kapatawaran niya ang nais nito? Ganoon ba iyon kahalaga sa lalaki upang pagkagastusan sila.
"I... I have an important reason kaya ko iyon nagawa. I couldn't tell you yet." Kumislap ang mata ni Jax habang sinasabi iyon. Umiwas siya ng tingin sa dalaga.
BINABASA MO ANG
The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)
RomanceIn your world full of lies and secrets, one thing is for sure that this heart of mine is beating your name Cara Minerva. -Jin Aximus