Kabanata 2

6 2 0
                                    

"Tita, ako na po kay Katkat." Kinuha niya mula sa ina ni Ashley ang kapatid niya. Pinapatulog ito ng ginang.

"Kumain ka muna hija." Ipinaghanda siya nito ng makakain.

Mabait ang pamilya ni Ashley ni minsan ay hindi niya naramdaman na pabigat siya sa mga ito. Palaging sinasabi nito sa kaniya na kulang pa iyon sa tulong na naibigay niya noong CEO pa siya.

"Kumusta? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Kinuha muli ng ginang si Katkat mula sa kanya upang makakain siya.

"Meron na po, tindera po sa isang malaking tindahan sa palengke." Hindi na siya bumalik sa karinderia. Natatakot siyang baka muling bumalik doon ang mga pinagkakautangan ng kanyang ama.

"Huwag kang mag alala hija, magdasal ka lang magiging maayos din ang lahat." sabi ng ginang habang marahan na hinawakan ang kamay niyang nasa mesa.

Ipinagpapasalamat niyang mayroon siyang mga masasandalan sa panahon na ito dahil kung siya lang ay hindi niya alam kung paano kakayanin ang lahat.

__________

"Isang yosi nga miss." Agad na kumuha ng isang stick ng yosi si Cara at iniabot sa lalaki. Napatigil siya nang mapagtantong si Jax ang bumibili.

Nakasuot ito ng longsleeve poloshirt na inibabawan ng leather jacket. Nakacap din ito. Napaisip tuloy siya kung ano na ba ang trabaho ng lalaking ito dahil kahit nasaan siya ay bigla na lamang itong sumusulpot.

Kinuha niya ang bayad at bumalik upang suklian iyon. Magsisindi na sana ng sigarilyo si Jax nang samaan niya ito ng tingin. Dati ay napatigil niya na ito sa paninigarilyo ngunit ngayon ay tila bumalik sa dating gawi ang lalaki. Agad naman na hindi itinuloy ni Jax ang pagsindi bagkus ay inipit na lamang ang yosi sa daliri nito at pinaikot ikot.

"Sorry." sabi nito. Hindi niya alam kung para saan ang sorry na yun, sa pagyoyosi ba o pang iiwan nito. Nakailang sorry na ba siya?

Matapos ibigay ang sukli ay ibang mamimili naman ang inasikaso niya ngunit pasimple niyang sinundan ng tingin ang binata. Napansin niyang tinapon nito ang sigarilyo sa isang basurahan, napangiti siya dahil doon.

"Wala ka bang trabaho?" tanong niya kay Jax na bumibili muli sa tindahan na binabantayan niya. Araw araw na itong bumibili sa kanya.

"Meron." sagot nito habang iniinom ang bottled water na binili.

Naiiling siyang inabot ang sukli sa lalaki. Nagsara na ang hardware na pag aari ng pamilya ni Jax kaya hindi niya alam kung saan na ba ito nagtratrabaho ngayon. Base sa pananamit at sa mamahaling kotse na gamit nito alam niyang maganda na ang katayuan sa buhay ng lalaki.

Hindi niya maiwasang mapaisip na ito na nga ang nanakit at nang iwan, ito pa ang biniyayaan ng magandang buhay samantalang siya puro na lamang paghihirap ang dinaranas.

"Actually pwede kitang offeran ng mas magandang trabaho." sinserong sabi nito.

Batid niyang alam na ng lalaki ang nangyari sa pamilya niya dahil nabalita iyon sa business page. Mahilig magbasa nun ang lalaki noong sila pa dahil gusto nitong makapagpatayo ng sariling negosyo kaya hindi siya nagtatakang naging successful ito ngayon.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na tigilan mo na ako. Bakit ba sunod ka ng sunod?" Hindi niya na maiwasan na pagtaasan ito ng boses. Mabuti na lamang at wala pa ang kanyang amo.

Magsasalita muna sana ang lalaki nang may tumawag sa telepono nito at dali daling umalis.

Nagtataka siya kung bakit hindi siya tinitigilan ni Jax. Kung kapatawaran lang naman ang nais nito ay ilang ulit niya nang sinabi na hindi niya kayang ibigay iyon. Hindi kaya minahal talaga siya nito at gustong ipagpatuloy ang kanilang relasyon? Napailing siya sa isipin na iyon. Hindi dapat iyon ang iniisip niya sa mga panahong ito.

The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon