"How about milk? Ano ba ang gatas ni Katkat?" tanong ni Jax habang tinutulak ang cart kung saan masayang nakaupo si Katkat. Si Cara naman ang naglalagay ng mga nasa listahan niya.
Halos puro pagkain iyon para pareho nilang mapakinabangan ni Jax at ilang hygiene essentials. Sa totoo lang ay nahihiya siyang kumuha ngunit iniisip niya na lamang na kulang pa iyon sa sakit na ipinadama sa kanya ng lalaki.
"Pwede kang kumuha ng chips." sabi sa kanya ni Jax ng dumaan sila sa hilera ng mga chichirya.
Napangiti siya sa sinabi ng binata. Dati rati kasi ay hindi siya pinapayagan na kumain ng sobrang chichirya nito kapalit naman noon ay hindi na ito magninigarilyo.
"Talaga?" Tumango si Jax. Agad siyang kumuha ng paborito niyang chips at malaki ang ngiting inilagay iyon sa cart.
"Pero huwag ka pa din magyosi ah, masama iyon." sabi nito sa kanya pagkatapos ay tumalikod na. Napapikit siya ng mariin, hindi niya dapat iyon sinabi.
Napangiti si Jax sa sinabi ni Cara. Inaamin niyang bumalik siya sa paninigarilyo simula nang maghiwalay sila ngunit ngayon na andito na ang babae sinisimulan niya muling itigil ito.
"Cara? Jax? oh my gosh! Nice seeing you again." Lumapit sa kanila ang isang bakla at nakipagbeso kay Cara.
"Gwenie." Nakilala siya agad ni Cara. Ito ang wedding planner nila noon ni Jax.
"Pacancel cancel pa kayo ng wedding pero in the end kayo din pala. And look may baby na kayo." Pinanggilan nito ang pisngi ni Katkat na agad namang tumawa.
Alanganin silang nagkatitigan ni Jax ngunit nag iwas din agad.
"Hindi-"
"Yes, maybe we just need to go through that for us to realize how much we love each other." Inakbayan siya nang binata habang sinasabi iyon.Pinisil siya nito sa balikat, para bang sinasabi na sumang ayon na lamang siya. Ngumiti siya kay Gwenie at marahan na tumango.
"Nakakainggit naman. Anyway I have to go. Huwag na kayo maghihiwalay." Matamis itong ngumiti sa kanila na para bang kinikilig bago umalis sa harapan nila.
Agad naman inalis ni Cara ang pagkakaakbay sa kanya ni Jax.
"Bakit ka nagsinungaling??" tanong niya.
"It is for your safety." Balewalang sagot ni Jax.
"Huh?" Hindi niya maunawaan kung paano iyon naiugnay ni Jax sa kaligtasan niya at ng kapatid.
"Magbayad na tayo. Gutom na daw si Katkat." Sa halip na sagutin ang tanong ay pinitik na lamang ni Jax ang noo niya bago itinulak ang cart papuntang counter.
__________
Kakauwi lamang ni Cara at Jax mula sa check up ni Katkat nang salubungin sila ni Helen, ang kinuha nilang tagapag alaga ng bata. Kinuha nito mula kay Jax ang tulog na tulog na si Katkat at pumasok sa kwarto upang maihiga ito ng maayos.
"Saan ka pala matutulog?" tanong ni Cara. Stay in kasi si Helen at dalawa lamang ang kwarto sa condo na iyon.
"I have my condo near my office. Doon na ako uuwi." sagot ni Jax habang umuupo sa sofa. Umupo naman sa tabi niya si Cara.
"Condo? How about your house?" Tukoy niya sa bahay ng pamilya ni Jax. Madalas siyang doon maghapunan noon dahil palagi siyang iniimbita ng magulang nito. Bigla niyang naalala sila. Walang nababanggit si Jax tungkol dito.
"We sold it. Kaya lang naman ako dito umuuwi dahil wala kang katulong sa pag aalaga kay Katkat but now that Helen's here I can now leave you. Huwag kang mag alala mapagkakatiwalaan siya." paliwanag ni Jax.
BINABASA MO ANG
The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)
RomanceIn your world full of lies and secrets, one thing is for sure that this heart of mine is beating your name Cara Minerva. -Jin Aximus