Kabanata 5

9 1 0
                                    

"Jax... este Sir Jax, saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Helen kay Jax habang nagmamaneho ito.

Isinama sila ni Cara upang makalabas naman ng condo si Katkat. Patuloy na ang pagbuti nang kalusugan ng kanyang kapatid. Kaya naman pinagbubutihan niya ang trabahong ibinigay sa kanya ni Jax upang masuklian ang mga tulong nito. Siya ang inatasan na mag asikaso ng mga charity works nito.

"Sa Angel Home para naman magkaroon ng maraming friends si baby katkat. Gusto mo ba yun baby?" Pagbaby talk ni Jax habang sinusulyapan si Katkat mula sa rearview mirror. Tila naman naintindihan iyon ng bata dahil tumawa ito.

Tanging sina Helen at Katkat lang ang maingay sa buong byahe. Pasimpleng sinasaway naman sila ni Cara tuwing may tumatawag kay Jax sa cellphone.

"We're here." anunsyo ni Jax pakalipas ng ilang sandali.

Ang Angel Home ay isang orphanage. Ito ang dating ampunan na tinutulungan noon ni Cara. Ang huling ipon niya ay buo niyang ibinigay sa bahay ampunan na ito. Natutuwa siyang nanatili pa din ang orphanage na iyon sa kabila nang pagtiggil ng tulong mula sa kompanya niya dati. Kilala niya ang mag asawang Montenegro, sigurado siyang hindi na nila ipinagpatuloy ang mga pagtulong na ginagawa ng kompanya dati lalo na't wala naman silang makukuhang kapalit mula doon.

Pagpasok sa loob ay magiliw silang sinalubong ni Mother Moi ang punong tagapamahala ng bahay ampunan. Agad silang nagmano sa matandang madre.

"Cara. Buti naman at nakabalik ka dito. Miss na miss ka na ng mga bata." Niyakap pa siya ng madre.

Ipinakilala niya dito si Helen at ang kapatid niyang si Katkat. Ipinasama nila ito kay Sister Ria upang makapaglaro siya sa ibang mga bata. Naiwan silang tatlo ni Jax sa maliit na receiving area ng orphanage. Dito ay ipinaliwanag ni Jax kay Mother Moi na si Cara na ang mamamahala ng mga food supplies at ibang pangangailangan ng ampunan.

"Tunay nga na mapaglaro ang tadhana. Natutuwa akong kayo pa din dalawa ang nagkatuluyan sa huli." Nakangiting sabi sa kanila ni Mother Moi.

Si Jax kasi ang madalas niyang isama noon sa mga charity works niya kaya alam nila ang nangyari sa relasyon ng dalawa.

Nagkatitigan sila ni Jax ngunit umiwas lang din si Cara at naiilang na ngumiti sa madre.

"Hindi po Mother Moi, I am just working for Jax now. We're civil." tanggi ni Cara, pagkatapos ay tumingin siya kay Jax na para bang sinasabi niyang sang-ayunan siya nito ngunit tinaasan lang siya ng dalawang kilay ng binata at mukhang nang aasar pa.

Agad naman na napansin iyon ni Mother Moi kaya pasimple silang pinagtawanan.

"It takes time. Just go with the flow. God has always have a good plan for the both of you." Payo sa kanila ng madre.

Isa ito sa mga rason kung bakit dito siya pumupunta noon kapag may problema siya, Mother Moi gives the best advice.

"Excuse me, I'll just have to take this call." paalam sa kanila ni Jax nang magring ang cellphone nito.

Sinundan siya ng tingin ni Cara palabas ng pinto, ngunit napako ang tingin niya sa dalawang lalaking nag uusap sa may tabi. May nakapasak na maliit na earphone sa mga tainga nito. Simpleng tshirt at pantalon lamang ang suot ng dalawa. Pamilyar ang mukha nito para kay Cara, parang nakita niya na iyon sa Home for the Aged na pinuntahan nila kahapon.

"Mother Moi, kilala niyo po ba yung dalawang lalaking nasa pinto?" tanong niya. Hindi kasi normal dito sa orphanage na may mga lalaking umaaligid sa loob. Mayroon pa kasi siyang napansin na ilang kalalakihan sa labas pagdating nila.

"Hindi ba't kasama niyo iyan ni Jax?" takang tanong sa kanya ni mother Moi.

"Hindi ko po alam." sagot niya. Bakit naman magsasama ng mga kalalakihan si Jax. Mukhang matitipuno pa ang mga ito at walang ibang ginawa kundi ang tumayo at magmasid sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon