"The wedding is off."Malungkot na ibinaba ni Cara Minerva Clemente ang telepono matapos ipaalam sa kanyang wedding planner na hindi na tuloy ang kasal niya sa pitong buwan na kasintahang si Jin Aximus Guevarra.
Isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa kanya si Jax, ang kanyang nobyo. Nakakailang tawag na siya sa lalake ngunit wala siyang natanggap na sagot. Pinuntahan niya na ito sa kanilang bahay pero ayon sa mga kapitbahay lumipat na daw ito ng matitirhan. Hindi niya alam kung saan at kanino ito hahanapin dahil sa loob ng pitong buwan tanging mga magulang at kapatid lamang nito ang nakilala niya.
A's Construction Supplies ang pangalan ng maliit na negosyong nag ugnay sa kanilang dalawa. Isang taon nang nagsusupply ng materyales ang hardware ng pamilya nina Jax para sa mga ipinapatayo niyang gusali sa loob ng Polar sea side. Ito ang pag aaring ipinamana sa kanya ng yumaong ate Polina niya at kasintahan nitong si Arman.
"Magpahinga ka muna Cara." Inalalayan siyang humiga sa kama ni Ashley, ang kanyang sekretarya at kaibigan.
Pagod na pagod ang katawan niya maging ang kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na hindi na matutuloy ang kasal na pinapangarap niya. Kahit na umaasang darating pa din si Jax bukas sa kanilang kasal ay ikinansela pa din niya ito. Hindi niya nanaisin na mabahiran ng masamang alaala ang araw na dapat ay masaya siya.
"Iwan mo na ako Ash. Magpahinga ka na din may trabaho pa tayo bukas." Kahit nag aalangan ay lumabas pa din ng silid si Ashley. Alam niyang gustong mapag isa ng kaibigan.
Ang kaninang pinipigil niyang mga luha ay sunod sunod na umagos sa mga mata niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at dumiretso sa terasa ng kanyang kwarto. Doon ay malaya niyang pinagmasdan ang buwan, umaasang bago iyon mapalitan ng araw ay darating si Jax para hintayin siya sa harap ng altar.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at muling binasa ang huling mensaheng ipinadala ng nobyo kaninang umaga.
'Sorry Cara, sana mapatawad mo ako.'
Masama ang loob niya na tanging paghingi lamang ng tawad ang sinabi ni Jax. Naniniwala siyang may malalim itong dahilan at gusto niya itong malaman. Sigurado siyang sa loob ng maikling panahon naramdaman niyang tunay ang pagmamahal na ipinakita sa kanya ng nobyo.
Piniling hindi matulog ni Cara. Nagbabakasakaling susulpot si Jax sa bahay nila anumang oras. Handa niya itong patawarin magpakita lang itong muli.
----------
"Cara, you should see this." ani Atty Brandon Agapor ang dating abogado ng nobyo ng kapatid niya na ngayon ay abogado niya na din. Siya ang tumulong sa kanya upang maayos na mapalakad ang negosyong ipinamana sa kanya.
"Bradon..." Pasimpleng pigil naman ni Ashley sa lalaki. Magkakasabay silang kumakain ng hapunan sa isang restaurant.
Kinuha ni Cara ang cellphone ni Brandon upang tingnan iyon. Mga larawan ni Jax kasama ang isang babae ang nandoon. Masaya itong nag uusap habang kumakain sa isang karinderia.
Kaagad na nakaramdam ng kirot sa puso si Cara. Ang kakarampot na pag asang babalik sa buhay niya ang binata ay biglang naglaho.
Miserable ang mga nagdaang araw para sa kanya. Hindi niya alam kung paano mawawaksi sa puso't isip ang pagmamahal niya para kay Jax at ang sakit na idinulot nito sa kanya. Pinigil niya ang luhang nagbabadya sa kanyang mga mata at ibinalik ang telepono kay Brandon. Dumoble ang sakit na nararamdaman niya, paanong nagagawang maging masaya ni Jax samantalang siya'y hindi.
"This was sent to me by Mang Tony, our company driver. Nakita niya daw sila sa probinsya. Gusto mo bang puntahan natin siya?" tanong ni Brandon.
Umiling siya bilang tugon kahit sa totoo lang ay gusto niyang puntahan ang dating nobyo. Nais niyang malaman ang katotohanan. Ayaw niyang maniwala sa mga larawan lamang. Sigurado siyang may kwento sa likod nito pero natatakot siyang malaman iyon. Ayaw niyang mas matinding sakit pa ang matamasa niya kapag nagkita sila.
BINABASA MO ANG
The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)
DragosteIn your world full of lies and secrets, one thing is for sure that this heart of mine is beating your name Cara Minerva. -Jin Aximus