Chapter 4

170 26 12
                                    


Matapos ang lahat nang ganapan ay nagsimula nang magturo ang aming prof. Kaya naman minabuti ko nalamang na makinig rito at hindi pansinin ang mga tigtig na pinupukol sa akin ng aking mga kaklase.
Pansin ko rin na tahimik rin na nakikinig itong katabi ko, hanggang ngayon nagtataka parin ako kung baket sa dinami rami ng bakanteng upuan ay sa tabi ko pa siya naisipang umupo. Ngunit ayos lang naman ito saakin dahil pansin ko naman na mabait ito di gaya aking mga kaklase.

Patuloy parin sa pagtuturo ang aming maestra kaya naman tuloy parin ako sa pag take down notes. Ginagawa ko ito upang mabalikan ko ang aming pinagaralan at maaral ko pa ito ng mabuti.
Hindi nagtagal ay natapos narin ang pagkahabang discussion ng aming prof kaya naman isinoli ko na ang gamit ko sa loob ng aking bag.

Lunch break na ngayon kaya naman nagsilabasan narin ang aking mga kaklase maging ang transfer student ay tumayo narin. Tiningnan ko ito at nagtama muli ang aming mga mata kaya naman ngumiti ito saakin. Dahil sa hiya napayuko na lamang ako.

Pagangat ko ng tingin, kita ko na parang may naka tayo sa harap ko, nang tingnan ko kung sino ito walang iba kundi si Harvey.

" hindi ka pa ba maglulunch?" nakangiting tanong nito saakin. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay na kausapin siya. Siguro naninibago lamang ako dahil ito ang kauna-unahang may kumausap sakin sa room na ito at yayain akong kumain.

Kaya naman umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
" hindi, dito kase ako kumakain sa room" nahihiya kong sabi. Narinig ko naman itong tumawa na ipinagtaka ko.

" ahhh ganon ba gusto mo bang sabay nalang tayong kumain? Tara sa canteen!" magiliw nitong saad at bakas parin ang ngiti sa labi.

" ahm kase ano hindi pa ako nagugutom" pagkasabi ko non biglang tumunog ang traydor kong tiyan.

GROWLLLLL!!!

Sa lakas nito alam kong narinig ito ng nasa harap ko. Kaya naman napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

" busog ka ba talaga? But why is your stomach growling?" naka ngising tanong nito kaya naman napaangat ako ng tingin at nakita ko nanaman ang mga pantay at mapuputi niyang ngipin.

" ang totoo kase niyan wala akong kaclosed dito kahit pa matagal na akong nag aaral sa skwelahang ito kaya rin dito ako sa loob kumakain " pagsabi ko ng totoo.
Hindi ko naman kailangang itago sa kanya ang bagay na ito dahil alam ko na alam niya ang sitwasyon ko.
Kaya naman biglang nagbago ang ekspresyon niya.

" don't worry from now on di ka na mag isa. Kaya Tara na sabayan mo na akong kumain sa canteen. Bago lang kase ako dito eh.... Wag ka magalala libre na kita!" masyang saad nito.

Dahil sa narinig ko mula sa kanya hindi ko maiwasang maging emosyunal. Akala ko buong buhay ko wala na akong makakasundo sa paaralang ito. Pero nung dumating itong taong nasa harap ko para bang binago niya ang lahat ng akala ko.

" wait are you crying?" nagaalalang tanong nito.
Kaya naman agad agad kong pinunasan ang luha sa aking muka at tumawa ng bahagya.

" ahhh ehh hindi napuwing lang ako.. Oo tama napuwing lang ako." pinilit kong pasiglahin ang aking boses upang hindi siya makahalata.

" tara na punta na tayo sa canteen!" pag aya ko sa kanya upang hindi na siya magtanong pa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naglalakad kame sa hallway madaming mata ang nakatingin samin. Marami ang nagtataka ngunit meron din mga naiinis.
Napansin siguro ni harvey ang pagiging balisa ko kaya naman hinawakan nito ang aking kamay.

"don't worry nasa tabi mo lang ako"
Ewan ko nung marinig ko sa kanya ito para bang safe ako.
Kaya gaya ng sinabi niya pinilit kong itapon ang takot na aking nararamdaman.

Strangers ( BxB ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon