Matapos ng pang huli naming klase ay tumunog na ang bell hudyat na pwede na kaming makauwi. Unti-unti nang nagsisilabasan ang mga kaklase ko habang ako naman ay nilalagay ang mga gamit ko sa bag at maya maya pa ay naramdaman ko na may tumapik sa aking balikat nang lingunin ko ito si harvey lang pala. Nakangiti ito sakin
" ohhh baket di ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya.
" sabay ka na sakin, kahapon kase di kita nasamahan kase may emergency sa bahay. Pasensya ka na huh?" sinseryong sabi nito kaya naman lumapit ako rito at ngumiti.
" ano ka ba harvey, di mo naman kailangan gawin yun tsaka ayos lang naman ako eh"
" ahh ganon ba... Sabay ka na sakin para naman makabawi ako." pagpupumilit nito. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan niya kaya naman di na ko makatanggi pa rito.
Naisip ko isama ko nalang siya sa pupuntahan ko. Gusto ko kasing daanan si Ian sa tamabayan niya baka sakaling makita ko ulit siya at saka doon ko rin kase siya nakilala lugar nayon, at sa lugar din nayon
Niya ako ni ligtas sa pagtatangka kong pagpapakamatay." o sige samahan mo nalang ako sa tambayan ko bago ako umuwi sa bahay." pagsukong saad ko sa kanya kaya naman lalong lumapad ang pagkakangiti nito sakin.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko siya dadalin doon? Siguro naman di bukas ang third eye ng lalaking ito kaya di niya makikita si ian at hindi rin ako sigurado kung magpapakita nga ba ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag dating namin sa aming pupuntahan sumalubong saamin ang isang malamig at tila sariwang hangin kaya naman napa akap ako sa aking sarili dahil sa lamig.
Ngunit nawala rin agad ito dahil isinabit ni harvey ang kanyang jacket ka magkabila kong balikat. Napalingon ako sa kanya at nagpasalamat.Umupo ako sa paburito kong pwesto ito ang lugar malapit sa bangin kaya naman sumunod narin ang aking kasama.
Kinain kami ng saglit na katahimikan dahil mangha si harvey mula sa kanyang nasasaksihan." may ganitong lugar pala malapit sa school natin ano? Paano mo itong nahanap?" tila namamanghang tanong nito sakin. Kaya naman napatingin ako sa kanya kita ko sa mukha niya ang saya ngunit dahil sa kanyang mga katanungan tila ba nanumbalik sa aking ala-ala ang dahilan kung bakit ko natuklasan ang lugar na ito.
Dahil ayokong sirain ang dahilan ng kanyang pagngiti pinilit kong huwag magpadala sa aking nararamdaman." Ahhh oo may ganito nga malapit sa school...siguro dahil wala naman akong friends kaya pinili ko nalang na mag lakad lakad hanggang sa na explore ko ang lugar na'to ang ganda diba?" pagsisinungaling ko rito
" oo maganda nga rito, siguro if my brother seeing this too i can say na magugustuhan niya rin dito. " unting unti kong nababanaad ang lungkot sa kanyang tono kaya naman napatanong ako rito
" may kapatid ka? " tumango siya at sumilip sa bangin
" yeah you're right may kapatid ako pero he's been coma for almost 1 month dahil sa car accident. Isa rin ito sa reason kung baket ako nag transfer sa school nio. " paliwanag nito. Ang kaninang masaya niyang awra ay tila napalitan ng kalungkutan.
Kaya pala ang sabi nia nung bago palang siya (nag transfer siya sa school due family reasons) . Ngayon alam ko na." sorry" yun nalamang ang nasabi ko.
"you don't need to be sorry el. It's ok" saad nito at tinapik ako sa braso.
" you know what? Let's just enjoy the view wag muna nating pagusapan ang ganyang mga bagay. It's time for us to take a rest and relaxed. I know that you've been also through bad days." dagdag pa niya kaya naman gaya ng nais niya inenjoy lang namin ang tanawin.
BINABASA MO ANG
Strangers ( BxB )
Teen FictionElijah experienced a lot of problems, he's been abused by his adopted parents, being bullied at school, and sexually molested. He comes to the point of killing his self but there was a stranger made him realize how important life is. But What will h...