"El...."
" uyy el..." pag ulit na tawag ni harvey ng aking atensyon. Di ko pala namalayan na kanina pa pala ako nakatulala.
" ayos ka lang?" tanong nito nang makitang nakabalik na ako sa wisyo. Kaya tinanguan ko lang siya nagulat naman ako ng bigla niyang salatin ang noo at leeg ko.
" hindi ka naman nilalagnat. Tell me is there something bothering you?" nagaalalang tanong nito.
Kanina pa kase naglalaro sa isipan ko yung mga bagay na ginawa ni kevin kahapon. Akala ko hanggang sexual desires lang ang kaya niyang gawin ngunit di ko inaakala na aabot pa sa puntong nananakit na siya.
" teka el is that a wound?!" medyo gulat na sabi ni Harvey sabay hawi ng kwelyo ko kaya naman dali dali ko itong ibinalik sa pagkakatago.
"ahh ehhh oo nag ka sugat ako.. Hehehe medyo matulis kase yung kuko ko kay nung kinamot ko accidentally napadiin kaya ayan nagkasugat." pag aalibi ko nalang. Ayaw ko kase siyang idamay sa problema namin ni kevin dahil di ko matataim na kung pati siya ay sasaktan ni kevin.
" after this class samahan kita sa clinic... "
" pero... "
" No buts! Gusto mo bang ma infect yan? Nako el you should take care Of yourself. Kaya sa susunod magiingat ka." saad niya sabay hawak sa balikat ko kaya naman ngumiti at at tumango sa kanya
"salamat..." saad ko..
" Mr. Marquez and Villianuva are you even listening?!" puna samin ng guro kaya naman sabay kaming yumuko at nagpaumahin.
" tsk... Feelingera nakatabi lang si harvey dumaldal na." rinig kong saad ng kaklase kong babae sa isang sulok.
Totoo kaya ang sinasabi niya? Simula kase nung dumating rito si harvey para bang naging isang normal na styudante na ako. May nakakasalamuha at ngayon mas nagiging open na. Yun nga lang tanging kay harvey lang kase siya lang kase ang matatawag kong kaibigan rito.
"sshhh don't mind her.." puna ni harvey dahil siguro nahalata niya na naaapektuhan ako sa sinabi ng kaklase ko kanina. Kaya gaya ng sinabi niya di ko ito pinansin at nakinig na lamang sa aming lesson.
" as i say ang ating mundo ay nahahati sa dalawang dimensyon. Ang mundo para sa buhay at mundo para sa patay." saad ng guro kung kayat napukaw nito ang atensyon ko at bigla kong naalala si Ian.
" Maaaring ang iba ay nakakakita ng mga taong pumanaw na dahil bukas ang kanilang third eye. Ang pagkakaroon ng third eye ay hindi isang sumpa. Isa itong biyaya dahil nabibigyan ka ng kakayahang makakita at makasalamuha ng mga taong di nakikita ng iba." patuloy na turo nito.
So ibig sabihin bukas ang third eye ko dahil nakikita ko si ian?
Pero paanong ngayon ko lang nalaman na bukas ang thirdeye ko? Kase nung bata ako wala naman akong matandaan na nakakakita ako ng mga multo.Natigil ang pagmumuni muni ko ng biglang nagtanong ang isa kong kaklase.
"Eh ano naman po yung Ligaw na kaluluwa?"
Ligaw na kaluluwa?
" good question" saad ng aming guro.
" ang ligaw na kalukuwa ay ang mga kaluluwa na di matahimik at hindi pa nakakaakyat sa langit. Maraming dahilan kung baket di pa sila nakakaakyat. Isa sa mga dahilan nito ang pagiging makasalanan noong sila ay mabubuhay pa lamang kung kayat di sila napapahintulutang makaakyat sa langit. Pangalawa naman ay naghahanap sila ng kasagutan. Kasagutan na maaring paano sila namatay at kasagutan sa kanilang pagkakakilanlan. Kung kayat nanatili silang pagala gala na tila ba isang ligaw sa mundo natin "
BINABASA MO ANG
Strangers ( BxB )
Teen FictionElijah experienced a lot of problems, he's been abused by his adopted parents, being bullied at school, and sexually molested. He comes to the point of killing his self but there was a stranger made him realize how important life is. But What will h...