Matapos umalis ni manong ay agad naman akong napabaling kay ian na kanina pa tawa ng tawa.
" ano naniniwala ka na ba?" tanong niya sakin kaya naman natahimik ako saglit at pilit iniintindi ang nangyayari. Napatitig naman ako sa ice cream na natapon sa sahig.
"so... Totoo nga?" yun na lamang ang naituran ko.
"booh" birong saad nito tila ba parang nang gugulat. Ngunit seryoso parin ang aking itsura.
" panong?...." naguguluhan kong tanong
Na siya namang ika kibit balikat nito at napalabi."nahahawakan kita, nakakausap"
Hindi pa ko natapos sa sasabihin ko nang magsalita agad ito." ang hirap mo namang kumbinsihin. Di pa ba sapat si manong para paniwalaan mo ako?" tanong nito.
" oo na oo na naniniwala na ako!" pagsuko kong tugon na ikina ngiti niya.
Nanaig ang saglit na katahimikan sa pagitan namin hindi ko naman kase alam ang sasabihin ko. Lalo pa multo pala itong katabi ko. Baka mamaya bigla nalang akong itulak nito sa bangin para marehas na kaming maging mumu.
Natawa naman ako sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko dahil alam kong di niya iyon gagawen dahil niligtas nga niya ako kagabi diba?" ahmmm baket mo nga pala ako iniligtas kagabi?" walang kwentang tanong ko rito. Gusto ko lang naman kase mag open ng topic tsaka baka ang pakikipagusap sa kanya ang magiging paraan para makalimutan ko rin ang nangyari kanina sa cr at ang muntikang pagkakita saakin ng barkada ni kevin.
Ngumisi naman ito " anong klaseng tanong yan?" saad niya
" syempre kahit sino naman makakita ng ginawa mo pipigilan ka. Tsaka alam mo hindi sulusyon ang pagpapakamatay sa problema." pangangaral nito at dinuro pa ang aking dibdib.
At natahimik ito saglit sabagay tama siya." tsaka ayaw ko lang maranasan mo ang kalagayan ko ngayon." dagdag niya pa kaya naman napatingin ako rito. Pansin ko na may lumabas na tubig mula sa kanyang mata at agad rin niya itong pinunasan.
" baket ano bang nangyari sayo?" ewan ko kung baket na itanong ko iyon. Ang tanging alam ko lang gusto ko pa siya kilalanin ng maigi.
" hindi ko alam.wala akong matandaan." yun nalang ang nasabi niya.
" ang tanging alam ko lamang ay ang pangalan ko ngunit hindi ang apilido ko. Pati ang pamilya ko ay di ko na kilala ewan ko nga kung may pamilya nga ba talaga ako o wala." pagkwekwento niya. At mataman naman akong nakinig rito.
" Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla nalang ako naging ganito nang di ko manlang nalaman ang dahilan. Gabi nung malaman ko na multo ako dahil kahit anong gawin kong kausap sa paligid ko wala manlang nakakakita at kumakausap saakin. Hanggang sa makita kita." napatingin ako sa kanya.
Anong kinalaman ko sa kanya???" ako??? " paniniguro ko na siya namang ikinatango niya.
" nung makita kita kagabi na tangkang tatalon sa bangin sinubukan kong magsalita, hindi ko naman alam na maririnig mo ko kaya ibayong saya ang naramdaman ko dahil marami man ang hindi nakakakita sakin ngunit meron parin isang taong gaya mo na nakakakita at nakakausap ako. " mahaba niyang paliwanag.
" iniligtas kita kagabi dahil ayaw kong humantong ka sa kalagayan ko. Nararamdaman ko na mahirap ang pinagdadaanan mo pero mas mahirap kung magiging katulad kita. Kaya pinakikiusapan kita na sana tulungan mo ang sarili mo dahil kailangan kita para matulungan mo ako. " marahan niyang hinawakan ang isa kong hamay at mahina itong pinisil.
" ako? Kailangan mo ako para tulungan ka? " naguguluhan kong tanong habang salitan kong tinuturo ang bawat isa.
Marahan naman itong tumango." paano? "naituran ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Strangers ( BxB )
Teen FictionElijah experienced a lot of problems, he's been abused by his adopted parents, being bullied at school, and sexually molested. He comes to the point of killing his self but there was a stranger made him realize how important life is. But What will h...