We

91 11 0
                                    

"I really hate girls who drinks" rinig kong bulong ni Elijah, magkatabi kami dito sa sofa, anong oras na pero umiinom pa din kami, itong papa niya kasi malakas pala uminom.

"Umiinom ka din naman." bulong ko

"Pero hindi gantoh." inis niyang sagot, oo nga, halos parang wala ng bukas kung makainom sila. Napanguso lang ako, nag-start din naman kaming sumabay mga 4 pm yon, naligo pa kasi siya, ilang oras hays naisip ko nga kanina kung nalamon na ba siya ng banyo nila.

"Sorry na, simula bukas hindi na ako iinom." sabi ko naman, hindi na naman kami mariringi ng iba dahil sa ingay at lakas din ng tugtog tapos may kanya kanya din silang pinag-uusapan.

"Basta wag mo na akong sinasaktan crush." parang bata kong sabi tapos nilingon niya ako,

"Ano connect niyan sakin?" tanong naman niya

"Syempre minsan para maging manhid ako, umiinom ako." nakangiti kong sabi,

"Araw-araw kitang sasaktan, araw-araw ka ding iinom?" napairap naman ako sa tanong niya,

"Ang sama mo talaga, umiinom ako para hindi ko maramdaman na nag-iisa lang ako." hindi ko napigilang sabihin iyon, kaya pumikit nalang ako at sumandal sa sofa. Para hindi ko maramdaman na palagi lang akong hinahayaan at iniiwan nila papa at mama. Para hindi ko na maalala ang pagkukumpara nila sa akin kay ate. Para minsan hindi ko maramdaman na wala talagang taong totoo sakin. Lahat iniiwan ako.

"Wag mo akong iwan crush ah." sabi ko naman sa kanya at binuksan ko ang mga mata ko, nakatingin lang pala siya sakin. Bakit ko pala sinabi yon? Imposible namang mag-stay siya.

"Ako na iinom, hindi naman nila mapapansin." bulong ko sa tenga niya, kanina ko pa ginagawa na ako umiinom ng para sa kanya, hindi naman nila napapansin at yong iba umuwi na din, konti nalang ang nandito. Mabuti nga wala ang kuya  niya lumabas.

"Tama na," pagpigil naman niya, napatulala naman ako sa mukha niya dahil namumula ito, tapos nakatali ang buhok niya, kinikilig ako

"Kaya ko pa." sabi ko at binawi ang baso, napailing-iling nalang siya sakin.

"Alam mo bang trending ka sa facebook ngayon? baka may bago ka ng stalker." sabi ko naman at napanguso.

"Gusto ko ako lang may crush sayo." dagdag ko pa at narinig ko siyang tumawa kaya napatulala naman ako.

"Ang damot mo naman." sagot niya

"Ihhh, wag kang tumawa, mas nai-inlove ako eh." nakanguso kong sabi, parang pakiramdam ko sa loob ng 30 days na ito, ako lang mahuhulog ulit. Ngumisi lang siya at umiling-iling.

Sumilip silip naman ako dahil nag-cellphone siya, mukhang may kausap siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino yan?" tanong ko

"Privacy." agad niyang sabi

"Oy crush, walang privacy privacy sakin." sinusubukan ko talagang hindi lakasan ang boses ko.

"Madaldal talaga." inis niyang sabi, sino ba kasi yan? Biglang may tumawag atah at tumayo siya tapos sinagot. Napairap naman ako, huminga ako ng malalim. Nagiging selosa na ako ah, ulit. Lumabas pa talaga siya,

"Iha? saan mo ba nakilala si Elijah?" napalingon naman ako sa tito niya.

"Ahh same school po kasi kami since junior high." nakangiti kong sagot

"Matagal na ba kayo?" tanong niya, natigilan ako at napalingon sa labas kung nasaan si Elijah, kailangan ko siya djto kung hindi kung anu-ano nalang talaga isasagot ko.

"Ahh one month palang po." sagot ko

"Haha one month palang? sus mahal mo ba si Elijah?" natatawang tanong ng tito niya, bakit ba siya tumatawa?

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon