Promise

83 11 1
                                    

"Ayaaaaan bagay sayo." natatawa kong sabi, katatapoa ko lang ayusin ang buhok niya. Hindi ko alam ang tawag sa hairstyle na toh pero tinali ko ang buhok niya. Bagay naman sa kanya, dati ini-imagine ko na gagawin ko toh sa boyfriend ko tapos magagalit siya tapos tatawa lang ako, parang napilitan lang siyang gawin ko yon sa buhok niya.

Pero itong si crush mukhang natuwa pa.

"Oh tanggalin na natin." sabi ko naman, ngumuso siya bigla, masiyado namang nag-enjoy.

"Mas maganda ka na sakin eh." inis kong sabi, natawa lang siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Gumamit ako ng iba't ibang kulay ng tali, mahilid kasi ako non. Madami na nga dito sa kwarto ko naka-display lang. Palagi kasi akong nagpapagupit kailan ko kaya papahabain tong buhok ko.

"Pwede kang maging Hair dresser." natatawa niyang sabi, napatulala naman ako sandali.

"Baka magaling ka dito, hair stylist." sabi niya at dahan-dahang tinanggal ang mga tali.

"Ma'am?" napalingon naman ako sa likuran si Ate, sinenyasan ko naman siyang pumasok.

"Handa na po ang lunch niyo, nasa baba na din po ang daddy niyo."

Napatango lang ako at lumabas na din si ate, nakita ko naman si Elijah na mukhang natakot. pagkarinig na nandito si Daddy.

"Mauna ka ng bumaba, sure ako hindi magagalit sayo si daddy." nakangiti kong sabi at napabuntong siya, sinoot niya ang bonet cap niya. Tinulungan ko naman siyang sootin ng maayos iyon.

Ako naman ay dumiretcho sa banyo dahil nagkalat ako sa mga paints kanina. Tapos bumaba na din ako, nakita ko naman sila daddy at Elijah, nakaupo at nakaharap sa kani-kanilang canvas, napaawang ang labi ko, anong ginagawa nila?

"Ate? ano po meron?" tanong ko naman sa mga katulong namin na nakatingin lang sa kanila, nagpe-paint sila.

"Maglalaban daw sila." natatawang sabi nong isa. Pinagmasdan ko naman sila. Hindi ba muna sila kakain?

Go, crush!

Napawi naman ang ngiti ko nong nakita kong tumatawa si daddy at nakatingin sa ginagawa ni Elijah, namiss na siguro ni daddy ang magpinta. Namiss ko din ang tawa niya, nakikita ko lang yan pag nandito sila ate. Napayuko ako sandali,

"Ang galing talaga ni Sir, pero mukhang mas magaling yong bata." napalingon ako sa sinabi nila ate

"Syempre naman, boyfriend ko yan eh." pagsingit ko. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan sila, gusto ko din ng ganyang bonding namin ni daddy. Pero wala akong matandaan.

"Done!" sigaw ni daddy tapos napatingin ako kay Elijah na kakatapos lang din, isang oras dim yon sure ako gutom na sila.

"So, who's the winner?" tanong ni daddy sa mga katulong.

"How about let Rice choose, sir?" napatulala ako sa sinabi ni Elijah. Nakangiti siya sakin kaya hinfi ko maiwasang ibalik ang ngiti niya.

"Naah, walang alam yan sa arts." agad namang nawala ang ngiti ko sa sinabi ni daddy

"Ang alam lang niyan ay painitin ang ulo namin." natatawang sabi ni daddy, nakaramdam naman ako agad ng hiya.

"But she's my girlfriend sir, and I know her arts too." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Elijah,

"Ohhh, sayo na nanggaling girlfriend mo baka naman ma-bias ako." sagot ni daddy, pero anak niyo naman ako dad. Mas gusto ko pa din ang art works niyo.

"Oh sino sa amin?" tanong ni daddy sa kanila kaya hindi na ako nagsalita pa.

"Hindi po ba kami matatanggal kung hindi ikaw ang piliin namin sir?" natatawang tanong ng house boy namin, napailing-iling lang si daddy sa kanya, tapos tinapik sa balikat si Elijah.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon