Will

84 12 2
                                    

"God only created men and women. Pero hindi ibig sabihin na bakla o tomboy ka, ay bakla ka lang tapos tomboy ka lang. Hindi ka isang "lang" you are more than that. Because we are all children of God and we are loved. Because God is Love."

Nakatitig lang ako kay father habang sinasabi niya ang mga salitang yon. We are loved, hindi ko lang siguro maramdaman pa ngayon. I feel so broken, pero somehow, happy na ako. Crush ko lang kasi dati ngayon, boyfriend ko na. Another mass for our schoolmate na nagpaalam na. Sabi nila, hindi daw talaga siya masaya sa family niya, kaya nagkaganon. Huminga ako ng malalim,

Kahit ayoko na minsan sa mundo, gusto ko pa din makita kung gaano kaganda ang mundo.

"Okay class, last requirements niyo na toh, dapat maipasa niyo na para ma-enjoy niyo na ang summer at makapag-enroll." nakangiting sabi ng guro namin, napatingin naman ako kay Elijah, excited ako ngayong araw kasi makikilala na niya si mama.

Schedule ngayon ay dinner with my family.

Narinig ko naman ang mga sigaw ng mga classmates ko, oo malapit na ang bakasyon, ano kaya pwedeng gawin? ano kaya pwede naming gawin ni Elijah.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko naman sa kanya, mukhang seryoso lang kasi siya sa phone niya. Ayokong magselos today kasi dapat happy lang hanggang sa dinner time.

"Ahh oo." nakangiti niyang sabi tapos tinago na ang phone niya. Ako naman ang nag-fb, napaawang ang labi ko nong may tagged photos si Elijah, may kasama siyang lalaki na nakaakbay sa kanya.

"Sino toh?" agad kong tanong sa kanya

"Si James." sagot niya, tinaasan ko naman siya ng kilay tapos tumawa siya.

"Ano ka ba, kaibigan ko yan." sabi niya at napalibot naman ang tingin ko sa paligid, kinagat ko nalang ang dila ko tapos nag-scroll down na.

"Selos ka na naman?. Wala ka bang tiwala?" napalingon ako sa kanya, napabuntong hininga ako

"Meron naman." sagot ko na parang bata, pinitik niya ang noo ko

"I love you." nakangiti niyang sabi, nakita ko namang lumabas na si ma'am, hindi ko kaagad napigilan ang ngiti ko.

"May kukunin ako sa art club sama ka?"

"Sige."

Sumunod lang ako sa kanya sa likuran, bigla namang nagsigawan ang mga kaklase namin.

"Saan kayo pupunta Elijah ha?"

"Woooh! love birds!"

Nag-init tuloy ang magkabila kong pisngi,

"Dream come true ba Rice?!"

Tinawanan ko lang sila, hay naku, nong makalabas na kami ni Elijah at diretcho lang din nag lakad namin, suplado talaga tong si Elijah minsan hindi nalang sabayan mga kaklase namin.

"Oy bakla!"

Napaigtad naman ako dahil sa sigaw na yon, si Thorn pala. Napairap naman ako tapos tumawa siya habang lumalakad palapit samin, agad ko namang hinawakan ang braso ni Elijah.

"Kamusta kayo? haha ang weird ng relationship niyo!" natatawang sabi ni Thorn, hindi ko alam pero baseh, sa tono ng boses niya. Parang naiinggit siya.

"Hi pres bakit bigla ka nalang sumusulpot, stalker ba kita?" painis kong tanong pero pinipilit kong ngumiti

"Oy, Elijah, best painter, best member. Wag mo ng itago ang lambot mo diyan, alam na ng lahat."

"Ahhh alam na ng lahat? pero bakit ikaw lang yong parang affected? Ang gwapo ng Elijah ko noh?" nakangiti kong sabi at natigilan siya. Mas babae pa siya sakin sa mga sinasabi niya.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon