Date

73 13 0
                                    

"Okay na toh." nakangiti kong sabi, nag-bake ako ng cookies para kay Elijah. May mga nagtanong na sakin, hindi ba daw ako nagsasawa kaka-Elijah, hindi eh. Inayos ko ang mga cookies sa isang kahon na syempre nilagyan ko ng designs. Tapos yung letter ko na printed na.

"Siguro naman sasamahan mo na ako sa Herat Concert" nakangiti kong sabi, hay, February na. Buwan ng mga puso sana ay maging swerte ang mga araw para sakin,

Napatulala naman ako sandali pang-ilang araw na ngayon ng 30 days namin? na-fall na ba siya? baka wala na pala akong oras. Lalo na ngayon nagiging busy siya masiyado, tapos isama pa yong babaeng bago na palaging nakikisama nalang bigla.

"Do you have class today?" napalingon ako kay daddy, napatango naman ako.

"Do you have a class today?" pag-uulit ni daddy sa seryosong tono

"Yes dad." sagot ko, lumingon naman ako sa kanya, wala manlang, mag-ingat ka anak. I love you. Walang ganon? Napabuntong hininga ako.

"May allowance ka pa ba?" tanong niya

"Meron po." sagot ko at kinuha na ang box tapos lumabas na ako ng kusina, asa pa ako na lalambot din ang puso ni daddy para sakin. Hindi na ako umaasa, simula nong pinanganak ako ramdam ko na na ayaw niya sakin.

"Manong Lito, ihatid niyo po ako sa school today." sabi ko kay manong, agad naman siyang kumilos at pinagbuksan ako ng pinto. Baka kasi masira yong mga cookies, o di kaya mabitawan ko bigla sa jeep. Masira din tong box na nakabalot pa.


Pagkarating namin sa University ay marami na akong nakikita na nagbebenta ng mga bulaklak, kahit paman pangalawang araw palang ng pebrero. Mararamdaman mo na talaga sa University na Month of Love na. Sana naman bigyan ako no Elijah ng bulaklak.

Napangiti naman ako nong maalala ko yung mga valentines day nakinukulit ko lang siya nong Junior high. Panay libre ako sa kanya non.

"Ceah!"

Napalingon ako sa likuran ko si Jace, napangiti naman ako. Inabutan niya ako bigla ng isang letter.

"Para?" tanong ko naman

"May ka-date ka na ba sa Heart month concert?" tanong niya, napatulala naman ako sandali. Tapos napalingon sa letter.

"Meron na eh." nakangiwi kong sagot, napalingon naman ako sa ibang mga estyudyante, grabeh lahat atah may mga love letters o gifts hindi ko alam na ganito pala sa Worthsen University.

"Ganon ba? nahuli ba ako?" sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Sorry." nahihiya kong sabi

"Pero can you at least read my letter?"

Napatigil naman ako, huminga ako ng nalalim. Baka magselos si Elijah? char sana all. Tinanggap ko ang letter niya.

"Yes, thank you." nakangiti niyang sabi. Napatingin naman ako sa letter. Sana si Elijah gumawa noh.

"Hey, Rice." napalingon naman ako sa tumapik sa balikat ko si Mr. President

"Po?"

"Anong po?" inis niyang tanong, pero mas naiinis ako sa presensya niya.

"Alam mo hindi ka naman talaga yung pipiliin na manatili sa Art club. Kung wala ako natanggal ka na talaga" sabi niya, napa woah lang ako sa loob ko. Ang yabang. Mas magaling kaya boyfriend ko sa kanya.

"Ahh okay po. thank you." sagot ko

"Baka gusto mong bumawi?" napakunot ang noo ko sa tanong niya tapos humigpit ang pagkahawak niya sa balikat ko kaya umatras ako.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon