Sweet

84 7 1
                                    

Kakagising ko lang at nag-facebook ako agad, tinignan ko ang mga comments sa new profile picture ni Elijah, gusto kong tumalon ng tumalon tapos tumili ng tumili. Crush ko toh eh! crush ko lang naman toh dati!

Nag-comment lang ako ng kiss at crying na emoji. Ngayon lang ako nakapag-react kasi kahapon nakatulala lang ako at pinipilit ang sarili ko na hindi ito panaginip, kami na talaga.

"Ilang taon." pabulong kong sabi, napahiga ako ulit.

"Shoot." agad akong napabangon nong nakita ko ang oras, male-late na ako sa unang subject ko. Binilisan kong maligo at mag-ayos tapos tinignan muna ang roses ko na nasa vase na tapos lumabas na ako.

Pagkarating ko sa kusina ay nandito na si daddy tapos kumakain na sila ni Ate, si mommy naman ay nagluluto. Napangiti ako at linapitan siya.

"Good morning mommy.",medyo nagulat pa siya pagkatingin sakin

"Kumain ka na." nawala naman ang ngiti ko, dahil parang ang lamig ni mommy ngayon.

"Hmm invite ko po sa saturday si Elijah." nakangiti kong sabi

"Oh, okay." sagot ni mommy, baka mainit lang ang ulo at baka hindi pa sila okay ni daddy? kahit hindi ko alam ang nangyayari?

"Good morning dad." pagbati ko kay daddy tapos tumango lang siya. Napatingin naman ako sa soot na bracelet ni ate, parang yong pinili ko kagabi. Hindi ko nalang inisip at pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.

Pagkarating ko ng University ay agad akong napatakbo papunta sa classroom namin, hiningal pa ako. Pagkarating ko ay mabuti naman hindi ako pinagalitan.

"Hmm, Mr. Tajanlangit and Miss Bernardo will be partners. " sabi agad ng teacher namin kahit hindi pa ako nakakaupo, napansin ko ding parang nagbago ang seating arrangements. Napatingin ako kay Elijah, kumunot naman ang noo ko na si Janice na katabi niya.

"Oy, Bigas halika na dito!" napatingin naman ako sa kaklase kong lalaki, pinapaupo niya ako sa tabi niya.

"Go to your partner now." sabi ni teacher hindi nalang ako nag-react, pero pinipiglan ko lang. Late pa more hindi ko tuloy ma-gets kung ano gagawin namin ngayon, tapos bakit si Janice partner ni Elijah?

"Now, kompleto na kayo, you can discuss the video with your partners." nakangiting sabi ni teacher at nagyon ko lang maalala, para pala sa exam, namin sa English 103 ay kailangan kaming gumawa ng video kung bakit importanteng matuto din ng english. By partners pala yon.

Habang nag-uusap kami ng kaklase ko ng gagawin ay hindi ko maiwasang mapatingin kayna Elijah, lalo na ang kamay ni Janice na humahawak sa braso ni Elijah.

"Oy nakikinig ka ba?" tanong naman ni Joberto, natatawa ako sa pangalan niya talaga, kahit pa yong sakin Bigas.

"Oo." inis kong sagot

"Parang hindi naman eh pag ako bumagsak makikita mo." inis niyang sabi

"Oy, ayoko ding bumagsak." sabi ko, pero char lang. Wala akong pakealam. Lalo na ngayon, bakit hindi nalang si Elijah?

"Pwede bang si Janice nalang partner mo?" tanong ko naman, baka pwede pang mag-switch

"Tayo na partners eh, late ka na nga dami mo pang arte." inis niyang sabi, inirapan ko lang siya. Wala sigurong nakipag-partner sa kanya dahil kasali siya sa 10 minutes, minsanan nga lang tong pumasok eh.

"Ikaw ba hindi ka na-late?" inis kong tanong

"Ako pa." walang gana niyang sabi

"Sige na nga ano gagawin natin." inis kong sabi, naalala ko tuloy si Candace kung kamusta siya kay Rave.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon