Sorry

90 12 2
                                    

Yong tipong malapit na ang birthday ko walang may naghahanda. Mukhang walang may nakakaalala dito sa bahay. Napalingon ako kayna mommy at ate, hindi manlang ako niyakap ni mommy nong nakauwi sila dito. Hindi din ako binati pabalik ni ate nong makita niya ako.

"Mommy? sa birthday ko nga pala po pwede po bang ako yong pumili sa theme?" pinipilit ko namang makipagusap sa kanila pero parang hindi nila ako naririnig. Kumpleto nga kami ngayon pero parang wala naman ako sa paningin nila.

"Daddy? nakapili na po pala ako ng escort ko si Elijah p--" natigilan naman ako sa pagsasalita nong nagsalita si mommy.

"We should go shopping later anak." nakangiting sabi ni mommy kay Ate. Huminga ako ng malalim at napahigpit ang paghawak ko sa kubyertos, ko.

"Sasama ako okay?" nakangiting tanong ni daddy.

"Daddy? Mommy?" pagtawag ko sa kanila pero hindi pa din nila ako pinapansin. Nag-uusap lang sila na parang wala ako, napatingin ako kayna ate, nakaramdam ako ng hiya kasi sila lang nakakapansin sakin.

"Mommy?" pagtawag ko ulit pero nagtatawanan sila na hindi ako kasama. Parang lumalabo sila sa pandinig ko.

"Dad?" napatingin ako kay dad na nakangiting nakikipag-usap kay Ate.

"Ate?" pagkatingin ko kay ate ay tinignan niya. lang ako sandali.

"Mom? dad? ate?"

Hindi ako makahinga, nahihilo ako.

"Mom! Dad!" pagsigaw ko at tumayo. Nakuha ko din sa wakas ang atensyon nila. Napatulala sila sandali sakin.

"Yes baby? Im sorry." agad na sabi ni mommy, humimga ako ng malalim.

"Manners Rice." napalingon ako kay daddy kaya napaupo ako ulit.

"Gusto ko lang po pag-usapan natin ang birthday ko." sabi ko kahit ngayong birthday lang. Gusto ko din naman makaranas ng masayang birthday katulad ni ate.

"Don't worry baby, may mga pinadala akong mga mag-aasikaso sa gusto mong theme at venue. I will let Ate Susan help you." nakangitig sabi ni mommy.

"Gusto ko po kayo." sagot ko naman, mahirap ba ang hinihingi ko?

"Baby we still have to go to the province kasi till next week pero don't worry nandito kami sa eksaktong birthday mo." nakangiting sabi ni mommy. Humimga ako ng malalim, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. Hindi ko na naman maiwasang ikumpara ang sarili ko kay ate. Nandoon sila sa unang araw ng preparation ng debut niya.


Dumaan ang mga araw ng preparations at wala sila, mag-isa akong kumikilos kasama ang mga tinawagan ni mommy. Kahit nga sa pagpili ng gowns wala siya. Hindi ko tuloy maramdaman ang birth month ko. Hindi ko naman matawagan si Elijah o papuntahin lang para sa preparations ng debut ko dahil busy siya sa mga commissions na tinanggap niya.

Na-busy din kasi kami sa school dahil sa exams namin. Pakiramdam ko hindi na ako tao eh sa sobrang pagod ng katawan ko.

"Hello? crush?" pagsisigaw ko sa harapan ng cellphone ko, kinukulit ko na naman siya. Nag-review kasi kami ngayon para sa mga huling subjects

"Ano na naman?" nakasimangot niyant tanong napanguso naman ako.

"Nasa kwarto ka noh?" natatawa kong tanong.

"Oo bakit?" tanong niya, salamat naman at gumawa na din siya ng fb account. Marami agad nag-add sa kanya, iba talaga pag sumisikat noh. Marami din naman sakin pero iba lang pagdating sa kanya.

"Sana all hindi na kailangan pilitin ang sarili mag-review." sabi ko nasa study table ako ngayon at binabasa ko pa ang mga imbitado.

"Dapat early kang makarating sa venue crush dahil escort kita." nakangiti kong sabi, kahit hindi na siya makarating sa photo shoot.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon