DSM CHAPTER 4

16 6 1
                                    

Third Person's POV

Nasa kanilang sala ngayon sina Beni at ang kanyang tita Sam .

"Uminom ka muna Tita Sam nang gamot, eto ang tubig." Ang nag-aalalang sabi ni Beni. Na syang namang inabot ng kanyang Tita Sam. "Salamat."

"Sure ka ba tita na ayaw mong dalhin kita sa ospital?"Pag-aalalang tanong ni Beni.

"Wag ka nang mag-alala sa akin, sinabi ko naman sayo na nahilo lang ako. Ang dami lang talagang naging order ngayong araw." Ang nakangiting sabi ng kanyang tiya habang hinahawakan sya sa balikat nito.

"Pano naman akong hindi mag-aalala dadating ako sa bahay na patay ang ilaw tapos bigla pa kitang makikitang walang malay sa sahig?" Ang nanggigilid na luhang sabi ni Beni.

"Oh wag ka na umiyak. Juskong bata to, halika ka nga dito sa tabi ko. Ang drama drama talaga ng Benedikto Esmael Crisanto Ignacio ko." Ang pabirong sabi ng kanyang tiya habang inaabot sya nito nang pagyakap.

Tumayo naman si Beni sa kanyang kinauupuan at yumakap sa kanyang tiya na ngayon hinahagod ang kanyang likod.

"Natakot lang ako Tita. Kala ko may kung ano nang masamang nangyare sayo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung nangyare yun! Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang pamilya ko. Tapos.." Ang di na mapigilang lumuha ni Beni.

Bakas sa muka ng kanyang tiya ang pagkaawa at lungkot, kaya pinatatahan sya nito gamit ang mga yakap at paghagod sa likod ng anak anakan.

"Shhhh. Wag ka na umiyak." Iniharap ng kanyang Tiya ang kanyang muka at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Beni.

"Hindi mangyayare yun! Hindi ko iiwan ang napakaganda kong anak na mana sa akin!" Ang sabi nang kanya tiya habang bahagyang kinukurot ang pisngi ni Beni. Kaya napatawa sila nang bahagya.

"Hindi pa pwede. Sisiguraduhin ko muna na magiging masaya ka at may magpapatuloy ng pagmamahal ko sayo sa hinaharap." Ang sabi sa isipan nang kanyang tiya.

"Ayaw mo ba talagang tulungan kita sa pag-aalaga sa flower shop natin?" Ang nagpupunas na luhang tanong ni Beni. Mahinang kinatukan naman sya sa ulo nang kanyang tiya.

"Alam mong hindi pwede at may klase ka rin sa umaga. Hay nako! Wag mo na intindihin yun! Tinutulungan naman ako ni mareng Juday sa shop." Ang sabi nang kanyang tiya na ginugulo ang kanyang buhok.

Hinawakan si Beni nang kanyang Tiya sa mag kabilang balikat. "Ang Gusto kong gawin mo mag-aral ka nang mabuti at e-enjoy mo bawat araw mo sa University kasama ang mga kaibigan mo, nagkakaintindihan ba tayo?" Ang naka ngiting bilin sa kanya ng kanyang Tiya Sam. Na patango nalang ang umiinom na si Beni.

"At syempre ang pinaka hihintay ko..." Ang pabitin pa ng kanyang Tiya.

"Magkahanap ka nang jowa sa University nyo!" Ang pagbibiro nito na naging dahilan para ika samid ni Beni.

"Oh juskong bata na to dahandahan lang!" Ang sabi ng kanyang Tiya na hinahagod ang kanyang likod.

"Tita naman eh kailangan pa bang sabihin yun?" Ang nasasamid paring si Beni at tila na mumula.

Nakarandam naman ang kanyang Tiya kaya bahagyang lumapit ito kay Beni na may makahulugang ngiti.

"So... Ano nga pala nangyari sa first day mo? Naka kita ba kayo nina Ajii at Trix nang pagkakaintirisan." Ang nag tataas babang kilay na tanong ng kanyang Tiya Sam.

"Ahh, ano po wa.. wala naman special na nangyare." Ang nauutal na sabi ni Beni. " Nagkaroon lang nang mini event sa school para sa Freshmen student at nagkaroon..." Ang paputol na dagdag ni Beni na inaabangan naman nang kanyang Tiya Sam

Dahil sa Musika (StraightxGay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon