Prologue

45 10 0
                                    

Ingay

Nung isilang ako, ito ang una kong pinarinig sa mundo. Ingay nang aking pagiyak na umalingawngaw sa buong kwarto.

At sa a hindi ko malaman na dahilan kung bakit natatandaan ko pa, kasabay ng ingay na mula sa akin ay may isa pang ingay na nag mu-mula sa babaeng lumuluha na syang nag luwal sa akin. Ang aking Ina.

Mga luha na dahil sa aking pagsilang

Tila ayaw tumigil at patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mga mata.

Mga luhang tipikal na simbolo ng tuwa at galak para isang magulang, na malaman na ang kanyang sanggol ay buhay at masigla, pero hindi...

Sa mga oras na yun hindi kasiyahan ang nararamdaman ng aking ina, kundi galit at pagkasuklam sa akin.

Sa mga oras na yun, hindi kagustuhan na mayakap at maghagkan ang tugon na nasaksihan ko sa aking ina, dahil matapos nya akong tanggihang buhatin ay iniutos nyang ilayo ako dahil ayaw nya akong makita,

Halo-halong ingay ng inis, galit, pagsisisi, lungkot, at paghihinagpis.

Dadating ka nalang sa punto na mas gugustuhin mo nalang na walang marinig.

Kasabay sa aking pag laki ay mas unti unti kong naunawaan na ang ingay ay natural lamang at masasabi kong permenente sa mundo. Siguro mas malala lang para sa akin, dahil unang narinig pa ito sa mismong magulang ko.

Nadagdagan pa ito nang ma diskubre ko sa aking sarili na hindi tulad ng ibang mga lalaki ay hindi ako nakakagusto sa taliwas kong kasarian.

Na mas bumibilis ang tibok ng aking puso sa kwapa ko kalalakihan. Na sya namang naging dahilan upang layuan at maging tampulan ng mga tukso.

Nakakapagod at nakakasura, na sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos ay laging may ingay nalang na bubungad sayo.

Pero nag bago ang lahat ng ito nang minsan sa isang parke ay may nakita akong isang babae na nag gigitara at tila may binibigkas na mga salitang may himig.

"Minsan na darama mo kay bigat ng problema, minsan na hihirapan ka at masasabing di' mo na kaya."

Ang mga ingay na mula sa madaming tao na nasa parke sa mga oras na yun ay tila biglang nag laho, at tanging ang tinig lang ng babaeng kumakanta ang aking naririnig.

Tahimik.

Para akong isang sanggol na hinehele ng isang Ina na punong puno nang pagmamahal.

Ang magulo kong mundo ay napalitan isang paraiso na tanging kapayapaan lamang ang meron.

Bagay na nagbukas sa sarado kong isipan at nag ligtas sa buhay kong na lugmok sa kalungkutan 

Nag bura ng mga sakit na dulot ng mga ingay at nag bigay nang pag-asa na ang mundo ay maari pang maging makulay.

Lahat nang iyan ay "Dahil sa Musika"

Dahil sa Musika (StraightxGay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon