Beni's POV
"Hey you!" ang seryoso nitong sabi sa akin.
Patay! natandaan nya yata ako. Sa mga oras na yun hindi ko alam ang aking ikikilos. Nanatili lang syang nakatayo sa aking harapan at seryoso naka titig sakin. Hindi ko man nakikita ang lahat pero sure ako na that time, na samin ang atensyon nang lahat ng tao sa canteen at grabe mga dalawang dipa yata silang naka layo samin, Yung mga kaibigan ko nakikita ko naman sa aking peripheral view na shock at nagtataka.
"Besties I'm shouting for help here!?" ang sabi ko sa aking isipan.
Hindi pa rin napuputol ang tingin nya sakin. Grabe matutunaw na yata ako sa kaba at hiya.
"Di kaya galit pa rin sya, dahil sa muntikan na akong mabangga kanina? Pero okay naman na yun diba? Nag sorry na ako at na napatawad nya naman na ako? Hindi kaya dahil sa tinakbuhan ko sya kanina? Or much worst nangkaroon ng damage yung kotse nya, tapos ngayon gusto nya sa aking pabayaran!" Ang halo- halong katanungan sa aking isipan.
"Ahmm a-a-ano about sa.." Nanginginig na sana akong magpapaliwanag nang bigla naman syang nag salita.
"When will you step a side huh? You're blocking my way!" ang seryoso nitong sabi. Putik para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"AHHHHHHH HINIHINTAY NYA LANG PALA AKONG GUMILID!?" Ang hiyaw ko sa aking isipan. Gusto kong tumakbo sa hiya nang mga oras na yun kaso may biglang umakbay sa akin at nagsalita malapit sa aking tenga
"Austi chill ka lang gusto lang yata mag pa picture nang fan mo." Ang sabi ni Toffy malapit sa aking tenga.
Ang mainit nyang hininga ay nagbigay nang kilabot sa aking buong katawan. Wait? Wag nila sabihin na yung lalake na muntik na sakin maka bangga ay yung ikalimang miyembro ng SINGKO!?
"Hey buddy? Akin na yung phone mo so we could take the picture." Ang nakangiting sabi ni Azule habang tila inaabot yung phone ko.
"Ehh ano. Te-kaa. Ka-kasi ano." Ang pautal utal kong sabi.
"Okay we get it, no need to be nervous. Full na yung storage ng phone mo right?" Ang walang ano anong sabi ni Dan Kiel.
"A-ano, hindi~" Hindi ko na naman natapos ang aking sasabihin.
"I have my polaroid camera!" Ang excited na sabi naman ni Tiffany habang tinataas ang polaroid nya na kakakuha lang.
"Wait you misunder..." hindi pa man din ulit ako nakakatapos magsalita ay hinila ako ni Toffy papalapit sa kanya at naka pogi sign, Pero mas kinagulat ko ay yung pag tabi ng muka namin ng lalakeng muntik nang maka bangga sakin. Nangyare ito dahil hinila naman sya ni Azule at pinag dikit ang muka namin na kala mo ay close kaming lahat. Si Dan kiel naman ay nasa harapan namin na naka upo nang naka tukod ang isa nyang tuhod, habang si Tiffany ay lumapit kay Trix para iabot yung polaroid.
"Can you please take a picture of us?" Ang mabait na sabi ni Tiffany, na syang nag patulala nanaman kay Trix habang inaabot yung camera.
Dali daling tumakbo sa harap si Tiffany katabi ni Dan Kiel para mag pose. "Shete bakit nangyayari sakin to!?" ang hiyaw ko sa aking isipan.
Hindi ko alam pero naisipan kong mapatingin sa lalakeng nakabangga sa akin na nagkataon naman na papatingin din pala sa akin kaya ang nangyare ay nag nadikit ang aming mga ilong. "Say cheese!" Ang sabi ni Trix kasabay nun ay ang pag flash ng ilaw mula sa polaroid.
Paglabas ng Film sa polaroid ay yun ang pagkalas kalas namin sa aming mga pwesto. Habang sila Toffy, Azule, Dan Kiel at Tiffany ay papunta sa direksyon ni Trix para siguro tignan yung kuha namin, kami naman nang lalakeng katabi ko ay mag katalikuran at halatang bothered sa nangyare kanina.
BINABASA MO ANG
Dahil sa Musika (StraightxGay)
Teen Fiction"Sa mundong puno nang pagsubok at gulo, musika lamang ang makakapagligtas sayo ." Yan ang paniniwala ni Beni na isang first year college, na ang nais lang ay tahimik na buhay. Hilig man nya ang pagawit ay hindi nya ito ipinaparinig sa iba. Ngunit d...