Third Person's POV
Kasalukuyang nasa isang open area sa 2nd floor ng Engineering building sina Beni at Ajii, naka indian seat kasama ang iba pang mga freshmen students. Nasa bandang gitna sila naka pwesto sa mga freshmen at maiging nakikinig sa pagpapakilala ng mga seniors sa kanilang harapan. Maliban kay Beni na kanina pa nag tatago at umiiwas ng tingin sa mga miyembro ng SINGKO na silang seniors pala nila.
"Bakit ganito? Bakit sa dami dami ng department sa college, nangyareng nasa Engneering deparment din ang SINGKO?" Ang iritadong pagtatanong sa isipan ni Beni.
"So that's all for the introduction about our department, I hope that we all get along and gaya nga sabi ko if you have questions about your lessons don't hesitate to approach us! Okay?" Ang magiliw na paliwanag ni Tiffany sa mga freshmen, na halos karamihan ay hindi rin naman nakikinig dahil abala sa pagka bighani sa kanya.
"Looks like Tifi has a new set of fans." Ang bulong ni Toffy kay Azule na nasa gilid ng mga freshmen at nakatayo.
"Sure she is, araw araw naman yata." Ang sabi lang nito, na naka titig pa rin sa mga freshmen. Sinundan ni Toffy kung saan ito mismo naka tingin hanggang sa makita nya si Beni.
Siniko ni Toffy si Azule upang mapukaw ang atensyon nito. "Hoy yung tingin mo!" kaya napalingon si Azule kay Toffy.
"What? I'm just surprised na engineering pala ang course na ni take nya." Ang napapangiti nitong sabi. "It makes easy for us to make him a fan. Don't you think?" Dugtong pa nito.
"Nah, I think it will not be that easy." Sabi ni Toffy, kaya napalingon muli si Azule sa kanya. "I mean look at him. You can clearly tell na he's not into Bands at ayaw nang atensyon ng ibang tao." Ang turo pa nito kay Beni.
"That makes it challenging for our Band." Ang napa smirk na sabi ni Azule.
"But I think he's a interesting person." Ang sabi ni Toffy.
"And what makes you say that?" Ang naka taas kilay na tanong ni Azule.
"Kasi he didn't even react nung binulungan ko sya with my sexy voice, and to thinking na buong SINGKO pa ang naka paligid sa kanya, I don't even see any feeling of excitement on him, mukang hiyang hiya pa nga sya dahil sa nangyare kanina?" Ang paliwanag ni Toffy na pinag sangayunan naman ni Azule.
Napatingin naman sa kanilang direksyon si Beni kaya sabay pang napa kaway sina Toffy at Azule sa kanya habang nakangiti. Dali dali namang umiwas ng tingin si Beni.
Sa pag iwas ng tingin ni Beni ay sya namang pag tama ng kanila mata ni Damian na kadadating lang kasama si Dan Kiel. Kaya dali dali syang napa yuko sa kanyang kinauupuan.
"Bakit ba nakatingin silang lahat sakin? What did I do to get this kind of attention to them?" Ang mga tanong ni Beni sa kanyang isipan.
"Grabe daks talaga ni Dan Kiel, hano Beki?" Ang pangangalabit naman ni Ajii sa kanya.
"Ajiii can you stop staring sa ano nya, its bothering me." Ang nahihiyang sabi ni Beni sa kaibigan.
"Edi don't, ikaw naman tingin lang naman eh, pano pa kung hawak hawak..." Ang naka pout na sabi ni Ajii.
"Jusko Ajii wag mo na ituloy maawa ka." Ang pagtakip ni Beni sa bunganga ni Ajii.
Napansin naman ni Tiffany na naroon na si Damian kaya tinawag nya na ito. "Let's call for Damian to explain the rules in our Department, give him a round of applause." Ang sabi ni Tiffany na pumapalalpak pa. Binigyan naman sya ng isang iritadong irap ni Damian bago pumunta sa harap.
Bigla namang nagtilian nang malakas ang mga babaeng freshmen nang makita si Damian.
"Welcome ceremony ba ng engineering deparment toh o Fans club?" Ang sa isip isip ni Beni na tumitingin sa mga ito, sabay kita kay Ajii na nakiki tili rin kaya napa buntong hininga nalang sya sa kaibigan.

BINABASA MO ANG
Dahil sa Musika (StraightxGay)
Teen Fiction"Sa mundong puno nang pagsubok at gulo, musika lamang ang makakapagligtas sayo ." Yan ang paniniwala ni Beni na isang first year college, na ang nais lang ay tahimik na buhay. Hilig man nya ang pagawit ay hindi nya ito ipinaparinig sa iba. Ngunit d...