DSM CHAPTER 1

24 7 0
                                    

Beni's POV

"Toot toot toot tooth" malakas na pag tunog ng alarm clock na syang nag pagising sa natutulog kong diwa.

Kasulukuyan akong nagiinat dito sa aking study table, "Ha? Wait?  Study table?"

Ahhh naalala ko na, nag aya nga pala ng Google meet kagabi mga kaibigan kong sina Trix at Ajii. Hay nako ewan ko ba halos gabi gabi nalang sila nagyaya ng video call. Nagkikita naman kami tuwing hapon?

Ang kukulit puro mga crushes lang naman nila pinag uusapan. Tapos pag wala nang topic about naman sakin yung paguusapan, kundi ba malakas mang trip mga yun. Still, love ko sila, because they're the only besties that I have.

Pumunta ako sa harap ng salamin, and yes naman mas lumalim lalo ang mga eye bags ko. Wa pakels din naman ako, kasi hindi talaga ako pala ayos na tao. I don't really mind kung ano man ang sabihin at tingin sa akin nang tao dahil katawan ko to. Pero hindi naman ako yung tipong ang baho baho tignan! Alam nyo yun? Yung tipong hindi lang pansin kasi ayoko talaga nang napapansin ako.

"Shit!?" napasigaw ako nung nakita ko ang kalendaryo. At pagka kita ko sa orasan its already 7:30 in the morning!

"Ngayon nga pala 1st day sa college!? Sabi na nga bat hindi magandang ideya na makipad g-meet eh!" naiinis kong sabi. Dali dali akong kumuha ng tuwalya at dali daling tumakbo palabas sa aking kwarto.

"Hay nako Benedikto Esmael Crisanto Ignacio! Puyat pa more! Nakalimutan mo tuloy na pasukan nyo ngayon." Ang pa full name na tawag sa akin ni tita Sam habang naka pamewang na may hawak hawak na walis tambo.

"Kaya nga tita Sam, sabi ko kasi kila Ajii wag na mag g-meet e." ang tugon ko habang nagmamadaling pumasok sa banyo. Yah tita tawag ko, kasi you know she's gay and gusto ko syang tawagin sa gender preference nya.

"Oh sya. Pagkatapos mo dyan ginawa na kita nang pwede mo makain habang papunta ka ng school mo" Ang sabi ni tita Sam.

"Yiehh! The best ka talaga tita Sam!" ang hiyaw ko mula sa banyo habang nagbubuhos. Woahh ang lamig nang tubig!

"Nga pala dumaan si Arjin, hihintayin ka nya daw sana kaso mauna na daw syang silipin yung mga cutie boys sa school nyo HAHAHAHA!" Ang natatawang sabi ni tita Sam. "Grabe kaibigan mo ayaw talaga pa huli, mang hu-hunting agad ng mga boylet!" ang pabirong sabi ni tita.

Ay totoo! Si Arjin AKA Ajii ang kire kire talga nyan and daming crush sa buhay at sure ako madadagdagan pa ngayon.

Pag katapos kong maligo ay nag mamadali na akong nagbihis ng black hoodie jacket at pants. Super madali na talaga akong umalis palabas ng bahay.

"Beni! Nakalimutan mo yung pabaon kong pagkain sayo!" And hiyaw na tawag sakin ni tita Sam. Kaya dali dali akong bumalik upang kunin ito.

"Nakalimutan ko, Thankyou tita Sam!" ang naka ngiti kong sabi. Sabay hug ko sa kanya. Nag hug back naman sya sa akin.

"Hala sya sige na malalate ka pa nyan." Ang sabi ni tita.

"Sige tita! Bye!" ang tumatakbo kong sabi.

"Mag ingat ka at e enjoy mo lang ang first day mo!" Ang pahabol na bilin ni tita Sam hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa aming bahay.

Napaka swerte ko talaga kay tita Sam. Oo tama kayo nang iniisip, simula kasi nung iwan ako ni mama nung baby pa lang ako, si Tita Sam na tumayong magulang sakin. Nag ibang bansa daw si mama at hindi na bumalik muli sa pilipinas, ang huli kong balita ay may napangasawa na syang Hapon at may pamilya na sila ngayon.

About naman sa taytay ko, walang nakaka kilala sa kanya. Well okay naman na ko, matagal ko na rin namang natanggap na ganun nga, iniwan ako ng mga magulang ko. Kaya thankful talaga ako at andyan palagi si tita Sam para ipadama sakin na merong nagmamahal at kapamilya ang trato sakin.

Dahil sa Musika (StraightxGay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon