After 3 years...
ANG BILIS LUMIPAS NG PANAHON.
Nandito ako ngayon sa veranda habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Sa loob ng tatlong taon ay wala namang nangyaring iba. Si donna nanganak na pala. Lalaki ang anak nila ni jarred at pinangalanan niya ito nang liam cloud salvador. Akala ko nga kambal ang anak nito pero hindi pala. Pero may inampon silang bata. Sabay na nanganak si donna at si mona pero sa kasamaang palad ay nasawi si mona at dahil wala nang kasama sa buhay si mona ay kinuha nalang ni Donna ang bata.
Naawa ako kay Kuya dahil akala niya ay anak ni kuya si liam pero hindi na muli pa itong binanggit ni kuya dahil para sa kaniya ay anak niya daw si liam
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Renzo.
Naalala ko noong gabi na yun, akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya yun pala ay may butas lang ang ngipin kaya masungit
"hi irog!" sabi nito at agad yumakap sa akin
"saan ang mga bata?"
"nandoon nagtitraining"
"kailangan na ba talaga nila Renzo? Ang bata pa ng kambal"
Hinawakan naman ni Renzo ang kamay ko
"gusto nila ang bagay na iyon Yamara, hindi ako ang pumilit non at isa pa! Para din sa kaligtasan nila iyon"
Bumuntong-hininga naman ako at yumakap kay Renzo.
"kain na tayo mama!" nagulat ako nang nakatingin sa amin si hell na nagtataka
"sige" sabi ko at agad itong hinila.
"nakahugas ka na ba ng kamay mo?" tanong ko at tumango naman ito
Nang kumpleto na kaming lahat ay nanalangin na si Cassandra
"kainan na!!" malakas na sigaw ni Mars kaya natawa kaming lahat
"kahit kailan talaga itong si mars oh!" sabi ni alex pero tinawanan lang namin
Habang kumakain ay biglang nagtanong si hell
"tito marco?"
"yes, inaanak?"
"paano po kami nabou" muntik ko nang nabuga ang iniinom ko sa tanong nito
'hanudaw?'
"ahm ano ba. Ganito kasi. Hinali---" sinamaan ko ng tingin si Marco at sinenyasan na umayos ka kaya napatikom naman ang bibig nito.
"ganito kasi yan inaanak, ang sperm ni papa mo ay nameet ang eggcell ni mama mo at nakabou ng isang shell at ikaw iyon" tumango naman ang anak ko sa paliwanag ni Cassie.
"ibig-sabihin po. Isang shell isang bata lang dapat?" tanong ng anak ko na kinatango naman ni Cassie
"bakit po kami ni bal? Dalawa po ba?"
"kasi baby, nag-agawan kayo sa isang cell at dahil walang nagpatalo ay sabay kayong nabou"
"anak, saan mo ba natutunan iyan?"
"kay tita Alex po" lahat kami ay napatingin kay Alex na ngayon ay masaganang kumakain na parang walang narinig
"Alex?"
"ang sarap ng pagkain" sabi nito na nakangiti pero napangiwi din agad ng makita kami.
"wag mo na isipin iyon hell anak" yun na lang ang sinabi ko
"guyz! Magready kayo. Magbabakasyon tayo! Dahil ayun sa doctor ni Bea ay magaling na siya ng tuluyan" nagpalakpakan kaming lahat sa sinabi ni Nathan
BINABASA MO ANG
THAT NERD IS THE MAFIA LORD PROPERTY[THAT NERD #1]
AzioneSypnosis: Si Yamara ang bunsong anak ng mag-asawang flores na lumaki sa angkan ng mga grey. Sa ilang taon niyang pamumuhay ay isa lang ang kaniyang hinangad. Yun ay makita ang kaniyang kuya. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si renzo. Kinasal...