Chanel's POV
"Huwag kang malikot Max, hindi ka mamamatay dito" halos 30 minutes na sila ni mama nag-aahit ng bigote at balbas, takot na takot kasi si Max at iwas ito ng iwas
Palihim nalang akong natatawa sa kanilang dalawa
May pagka tisoy raw ang kutis ni Max pero dahil wala nga siyang tirahan at babad sa araw naging mestizo na ang kutis nito at tama nga ako, may itsura nga ito kapag naayusan, balak kong pagupitan si Max bukas para makita yung totoong itsura niya
Pipicturan namin siya at irereport na missing para malaman namin saan siya iuuwi
"Jusko ha! Worth it naman pala ang pahirap na pag ahit ko sayo" tuwang tuwa si mama na napaupo sa tabi ko at ngumata rin ng cookies na kinakain ko
Totoo! Napatulala ako sa kanya, ang gwapo niya para siyang si carrot man mala artista ang itsura
Nabalik lang ako sa realidad nang sikuhin ako ni mama "Gwapo ba?" Pang-aasar ni mama
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagkain habang tumatawa yung dalawa
"Oh siya pagod na tayong lahat, magsitulog na tayo. Max yung unan at kumot mo nilagay ko sa sofa bed"
Nauna ng umakyat si mama, pagod at inaantok na siya di manlang ako nakapagpasalamat pero may bukas pa namanNiligpit ko na yung kalat ko, humiga na rin si Max sa sofa
Pagkalagpas ko sa kanya, hinila niya ako pabalik at niyakap
Hindi agad ako nakagalaw sa pagkabigla "Maraming salamat!" Humigpit pa lalo ang yakap nito
Hindi ko alam ang sasabihin at mas lalong hindi ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, nagdarasal ako na sana hindi niya yun maramdaman gayong magkayakap kaming dalawa
Hindi nagtagal at nabalik ako sa realidad nang humigpit pa lalo ang yakap nito at nagugulat kasabay ng malalakas na kulog at kidlat
Umuulan pala, my bagyo siguro. Takot ba siya?
"O-oo t-takot k-kasi ako sa kulog at kidlat, m-muntik na k-kasi akong t-tamaan ng kidlat s-sa dagat" umiiyak niyang sabi
Pinilit kong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at nakita kong nakapikit siya at nanginginig ang mga kamay
Hinila ko ito pabalik sa sofa niya at binalot kami ng kumot, niyakap ko ito at sumiksik naman ito sa leeg ko
"Sobrang hirap pala talaga ng sitwasyon mo, huwag kang mag-alala nandito na kami ngayon"
Hindi pa rin siya kumakalma at nanginginig pa rin
"Oh, it looks like it could rain again today
Got me soaked up to the bones
But nothing changes every day
Running faster than the heavy clouds of rain
Never seems to be enough
I'm only human anywayIn a world away
Living in the cold the pain got me
Like an old and dusty broken record stop
Hit rewind please"Naramdaman kong tumigil na ito sa pagnginig at nakikinig sakin
"When there seems to be nothing
At the end of the suffering
Both my hands and my feet refuse to move
Close your eyes for a moment
Hold my hand til the morning
To the edge of horizons, runningLike an echo in the forest
Days will come right back around and
As if nothing ever happened
Yeah, life goes on
Like an arrow in the blue sky
Just another day flying by
On my pillow on my table
Yeah, life goes on like this again"