T H R E E

5 3 0
                                    

Max's POV

"Ikakasal ka na! Bakit inahas mo pa yung girlfriend ko! Hayop ka!" Inambahan ko siya ng suntok

pinapunta ko siya rito ng 12 ng madaling araw sa opisina at inabangan ko siya sa parking

Ginantihan ako ng gago "Anong magagawa ko? E may tinatagong kalandian 'yang girlfriend mo!" Tumawa pa ito ng pademonyo

Namewang ito at tumitig sakin "Who am I to refuse such heaven?"

Sa sobrang galit ko nabugbog ko na siya pero tumatawa pa rin ito

Bago ko pa siya mapatay, na-control ko na yung sarili ko at nagbalak nalang pumasok sa loob ng opisina

Pero tumatawid palang ako

Booooogsshhhhhhttt

Habol hininga akong napaupo at pinagpapawisan. Parang totoo yung nangyari sa panaginip ko

Napatingin ako sa nakahawak ng kamay ko, isang anghel na mahimbing na nakaupong natutulog

Isang malaking pasasalamat ko sa babaeng to at sa pamilya niya dahil inalagaan at pinakain nila ako

Gumalaw ito at naalimpungatan, nangawit na siguro sa pwesto niya

"Oh Max! gising ka na? Okay ka lang? Bigla ka kasing nahimatay kanina nung sumakit ulo mo" masasabi kong maswerte ako

Nginitian ko siya "Oo, okay na ko"

Tumayo siya at dumiretso ng kusina. Sinundan ko naman ito at nagulat ako sa nakita ko

Umaapaw na yung tubig na nilalagay niya sa baso at nakatulala siya kaya kinuha ko na agad yung pitsel baka bumaha kami

"S-sorry, eto pala uminom ka ng tubig" napangiti ako ng bahagya, para sa akin pala yung tubig

Ininom ko naman 'yon "Mukhang malalim yung iniisip mo"

Umupo siya sa bangko kaya tinabihan ko siya

"Napabalita kasi na patay na yung hinahanap kong CEO na makakatulong sa business nila mama, now what am I gonna do to help them save it? I don't have enough money to start to"

Oras naman para ako naman ang bumawi sa kanila "maghahanap ako ng trabaho, tutulungan kita" napatingin siya sakin sa sinabi ko

Ngumiti siya ng malapad "Sige maghahanap tayo ng trabaho pero unahin nating ayusin yung buhok mo"

Napakamot naman ako sa buhok ko at biglang nahiya "Ahm-- ilang araw na ko rito pero hindi ko pa rin alam yung pangalan mo... hehe"

Nilahad niya yung kamay niya "Ako nga pala si Chanel, Chanel Ann Velasquez" inabot ko yung kamay niya at hinalikan ang likod nito

Halatang nagulat ito sa ginawa ko, mali ba 'yun? Ganun kasi ginagawa sa isla nila tatay sa kanilang mga asawa, tanda ng pagrespeto nila

Napaiwas siya ng tingin at biglang namula 'yung mukha niya. Hindi ko naman siya sinampal

"Aa--ee hehe! Ganun kasi tinuro ni tatay ang tanda ng pagrespeto sa isla, pasensiya ka na hindi ko alam na nakakabastos pala 'yon dito" nahihiya kong sambit

Agad naman siyang umiling at humarap sakin pero hindi niya ako matignan ng diretso sa mata "hindi--hindi, ano ka ba! Kiniki--" biglang humina 'yung boses nito at di ko na siya narinig "kinilig kasi ako sa ginawa mo"

"Ha? Ano 'yon?" Gusto ko malaman ano 'yung sinabi niya

"Kinilig daw siya sa ginawa mo" nagulat kami sa nagsalita sa likod, ang papa niya pala iyon

Life Goes OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon