F O U R

4 3 0
                                    

Chanel's POV

"Gusto kita"

"Gusto kita"

"Gusto kita"

"Gusto kita"

"Gusto kita"

"Aaaargh!!" Napabangon ako sa kama

his making me crazy

Mas tumatak pa yun sa isip ko kaysa sa pagkakaroon ng trabaho, natanggap kasi kami sa isang restaurant as waiter/waitress at magsisimula na kami bukas este mamaya pala kasi 3am na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok

Magpapaantok nalang sana ako sa facebook pero pagkaopen ko palang ng phone ko bumungad agad yung mukha ni Clark

Tinitigan ko ito at habang tumatagal si Max na ang nakikita ko o baka dahil siya yung laman ng utak ko pero hindi e

Teka... 2 taong walang maalala at magkamukha, posible kaya na siya si Clark?

Ulap, pagsabog, dagat? Paano? Kailangan niya munang makaalala bago ko siya maibalik sa DCG Corp.

Napapagod na ko kakaisip, andaming tanong sa isip ko.

Paano ko siya matutulungan bumalik ang alaala niya

"Please... don't go"

Kaya ba nakapag english speaking siya last time because he used to speak that way

Tsuuup

Tsuuup

Tsuuup

Nagising ako dahil sa halik ng halik sa noo ko, pagmulat ko si Max agad ang nakita ko

"Oh! Epektib! Mas maganda pa yung pang gising ko kaysa sa maingay mong alarm" ang lapad ng ngiti niya, nakakahawa! Di ko tuloy mapigilang mapangiti na rin

"Lagi ko 'tong gagawin ten times a day, Good Morning Chan" hinalikan na naman ako nito sa noo

Napatawa nalang ako ng mahina "kung panaginip 'to huwag na sana ako magising"

Napakamot naman siya sa ulo "hehe kung panaginip 'to baka unang araw palang sa trabaho matanggal na tayo"

Trabaho? My smile fades away, I look into the clock and It's already 6:34am

Dali dali naman akong tumakbo papuntang cr at nag-asikaso na

8am ang pasok namin pero mag aasikaso at kakain pa kami bago pumasok at halos 30-40mins naman ang byahe papunta sa trabaho

Paglabas ko nagulat ako sa nakita ko, ang iniwan kong magulong kama ngayon maayos na at nakalatag pa yung tray ng pagkain

Breakfast in bed? Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa

Hindi ko maiwasang hindi kiligin

Natapos ko lahat ng kailangang gawin ng isang babae saktong alas syete ng umaga, bumaba ako para hanapin si Max at makaalis na, naabutan ko naman itong katatapos lang maghugas ng pinggan

Life Goes OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon