S I X

5 3 0
                                    

Chanel's POV

Maagang umalis si Max pabyaheng Manila, aayusin niya raw ang kailangan ayusin kaya matagal tagal din siyang mawawala

Nagaasikaso naman ako dahil ako nalang mag-isa papasok, na-realize ko na hindi ko dapat iasa lahat kay Clark. I also need this for myself

"Ma, tulungan ko na diyan" ngitian ako ni mama but she refuse

"Kumain ka nalang dyan at baka malate ka pa sa trabaho mo" utos nito

"Kumain ka na ba, ma? Kamusta na yung resto niyo ni papa?" Tanong ko habang kumakain

The truth is kaya hindi ako nagtatrabaho sa resto nila papa ay ayaw nila, they want me to grow on my own

"Mabuti naman anak, gumiginhawa na paunti paunti ang resto sa sipag at tyaga ng papa mo" sobrang saya ni mama magkwento

Mabuti naman at nabunutan na ng tinik sila mama "ikaw anak? Hindi ka na ba babalik sa manila? Marami na sigurong nabubulok na sa basura apartment mo" natatawa nitong sabi

"Hindi muna ma, tsaka nalang kapag nag-away tayo" pabiro kong sabi at inubos na yung pagkain ko

Tinignan ako nito ng masama at inirapan "ikaw talagang bata ka!" Babatuhin pa sana niya ako ng hinihiwa niyang patatas pero hindi natuloy

"Siya nga pala, may balita ka na kay Max--este Clark pala? Kung nakarating na siya sa opisina niya?" Napahinto naman ako kumain "dapat ay sumabay ka nalang sa kanya para dumaan ka sa apartment mo at malinisan mo" dugtong pa niya

Tinuloy ko nalang yung kinakain ko pero sinagot ko pa rin siya "nakakaalala na siya ma, di na yun maliligaw tsaka wala pa naman 'yung phone"

Agad akong tumayo nang matapos na ko baka may itanong pa si mama tungkol kay Clark, ayaw ko muna kasi siyang maalala

"Alis na ho ako ma" hinalikan ko ito sa pisngi

"Oh siya at mag-iingat ka" bilin niya bago pa ako makalabas ng bahay

Pagkauwi namin galing EK sinabi na namin kila mama na nakakaalala na si Max but we keep our relationship private for the meantime

"Chan ikaw muna maa-assign sa pagbukas ng pinto today, kapag nagkulang ang waitress tsaka ka lang kikilos" bilin ni Aling Bebang ang boss ko

"Opo madam"

Mabait si Aling Bebang kaya walang nagrereklamo sa kanya, sa sobrang bait niya tinanggap niya si Clark kahit walang resume. Munting restaurant lang meron si Aling Bebang pero nagpapasalamat pa rin ito dahil biyaya pa rin daw ito ng diyos at higit sa lahat marunong siyang makuntento

Nagsimula na ang duty namin at kakaunti palang ang tao, hindi ko rin naman madaldalan yung iba kong kasamang empleyado dahil may eded na sila

Nakayuko lang ako habang nagbubukas ng pinto, bumabati pa rin naman ako kahit papaano, nangangalay na kasi ang mga paa ko halos 5 oras na kong nakatayo

May pares ng leather shoes akong nakita sa may pinto kaya pinagbuksan ko ito

"Magandang umaga po, Welcome po sa Aling Bebang's" bati ko sa kanya pero huminto ito sa harap ko

Tsuup

Nagulat ako sa ginawa niya at tumibok ng mabilis yung puso ko kaya napatingin agad ako sa kanya

Life Goes OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon