Prologo: Ang Celestia

29 3 8
                                    

Noong unang panahon, nagsibabaan ang iilang mga Diyos sa mundo ng mga tao upang maghanap ng mga taong makatutulong sa kanila sa pagpunan ng kani-kanilang mga libido sa katawan. Hindi kalaunan ay nagbunga ang mga ito at tinawag silang---Celestianeans.

Ang iilan sa mga sanggol na ito ay namana ang mga kakaibang kakayahan na mayroon ang kanilang mga Diyos na ama't ina na ginamit nila sa iba't ibang paraan. Ang iba ay ginamit ito sa kasamaan at naghasik ng kadiliman, ang iba naman ay ginamit ito sa kabutihan at nilabanan ang kasamaan, mayroon ding ginamit ito sa pangkabuhayan at marami pang iba.

Habang patagal nang patagal, nawawala na ang balanseng dating mayroon ang mundo ng mga tao. Naghari na ang kadiliman dahil sa kasakiman ng iilang Celestianeans, alam nilang nalalamangan nila ang mga ordinaryong tao kaya inabuso nila ang paggamit ng kanilang kapangyarihan laban sa mga ito. Napagdesisyonan ng mga Diyos na ihiwalay ang mga anak nila sa mundo ng mga tao at gumawa ng bagong mundong nababagay sa kanila habang ang iilan sa mga ito naman ay parurusahan dahil sa paghahasik nila ng kasamaan.

Gumawa ang mga Diyos ng kakaibang mundo at tinawag itong Celestia---ang mundong nakalutang sa himpapawid, Celestians naman ang tawag sa lahat ng mga nilalang dito. Binubuo ang Celestia ng mga Celestianeans, mga Mahiwagang Nilalang, mga Espiritu at ng mga Halimaw. May bagong mundo man, may kaguluhan pa ring nagaganap sa pagitan ng mga Celestians, kaya muli nanamang nagdesisyon ang mga Diyos na hatiin na lamang ang buong Celestia sa apat na malalaking isla: Boreasia, Vulturnusia, Zephyrusia, at Notusia.

Ang unang isla ay ang Boreasia: ito ay ang ikalawang malaking isla sa Celestia, matatagpuan sa hilagang bahagi ng himpapawid. Simple lamang ang islang ito at kagaya lang din ng sa mundo ng mga tao: may mga dagat, kagubatan, mga bundok at iba pang mga tanawing makikita sa mundo ng mga tao. Dito nila inilagay ang kanilang mga anak na nagtataglay ng kakaibang mga kakayahan at kapangyarihan o ang mga taong tinatawag na Celestianeans.

Vulturnusia, ang pangalawang isla at ang ikatlong malaking isla, matatagpuan sa silangang bahagi ng himpapawid. Ang islang ito ay may iilang bulkan, mga nakakatakot at naglalakihang mga puno, mga iba't ibang halamang may mga kakayahang pumatay at iba pang mga nakatatakot na mga bagay at nilalang. Dito inilagay ang iba't ibang uri ng halimaw na mga anak ng Diyos ng mga halimaw na si Typhon.

Ang sunod na isla ay ang Zephyrusia, ang pinakamaliit sa apat na isla, matatagpuan sa kanlurang bahagi ng himpapawid. Ang islang ito ay ang pinakamapayapa't pinakatahimik sa lahat. Sa islang ito ay mayroon pang mga islang nakalutang din sa himpapawid, mga kakaibang higanteng puno, mga kakaibang maaamong halaman at bulaklak, mga anyong tubig na may iba't ibang kulay, at may literal na matamis na simoy ng hangin. Dito inilagay ng mga Diyos ang mga Namfis at Dawfel---ang mga espiritu ng kalikasan at mga elemento. Sila ang naatasan sa paggabay sa mga Celestians kaya tinawag sila bilang mga Guardian Spirits.

Ang huling isla ay ang Notusia, ito ang pinakamalaking isla sa buong Celestia, matatagpuan sa Timog na bahagi ng himpapawid. Ito ang pinakamaganda, pinakakakaiba at ang islang punong-puno ng mahika sa buong Celestia, kabaligtaran ito ng Boreas at ng mundo ng mga tao. Ang mga maliliit na bagay na matatagpuan sa Boreas at sa mundo ng mga tao ay malalaki rito; tulad na lamang ng mga puno, mga halaman, mga hayop, at iba pa. Dito naman inilagay ng mga Diyos ang kakaibang mga nilalang na nilikha nila: mga kalahating tao, kalahating hayop; mga nagsasalitang mga puno at hayop, at iba pang mga nilalang na may anyo o 'di kaya'y katangian ng tao.

Celestia: The Unknown World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon