“Haaah... Haaahhh... Haaah...”
Paghahabol ng hininga ng isang hingal na hingal na napakagandang babaeng balot na balot sa kulay abong balabal na kanina pa patakbo-takbo sa pasikot-sikot at napakalaking kagubatan.
Pansamantala muna siyang huminto’t nagpahinga sa isang malaking puno at doon niya pinagmasdan ang kaniyang dala-dalang dalawang sanggol na mahigpit niyang niyayakap sa kanyang mga bisig. Matamis niyang hinagkan ang ngayong mga nakangiti’t nakatitig na mga sanggol sa kaniya; habang ang mga luha niya naman ay hindi na mapigilang umagos at unti-unti nang kumakawala sa mga matang naging kulungan nito.
“Nawa'y lumaki kayo nang malusog, malayo sa napakalaking kaguluhan na ito at may kabutihang dala-dala sa inyong mga puso,” bulong ng babae sa mga sanggol habang patuloy lamang sa paghikbi.
Kasalukuyan silang naiipit sa gitna ng isang napakalaking digmaan sa Celestia. Walang ibang maririnig kung ‘di ang nakabibinging hiyawan, hagulhol, pagsusumamo, pag-iyak ng mga nilalang sa Celestia at ang mga pagsabog na nagmumula sa iba’t ibang kapangyarihan ng mga Celestians; walang ibang makikita bukod sa pagtagak ng mga dugong galing sa mga inosenteng Celestians na nadadamay lamang sa digmaan at walang awang pinagpapapaslang ng mga kapwa rin nilang Celestians. Napakalaking kaguluhan, ngunit isa lamang ang pinagmulan—ang kasakiman, kasakiman sa kapangyarihan.
“ME-E-E-E-EH!”Isang nakabibinging tinig ang nangibabaw sa gitna ng kagubatan kasabay ang tunog ng pagyapak ng kung anong higanteng nilalang ang matuling tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng babae. Dali-dali na siyang tumayo, niyakap nang napakahigpit ang dala-dalang mga sanggol at inumpisahan nanaman ang kaniyang pagtakbo.
Habang patuloy lamang sa pagtakbo ang babae, unti-unti na silang naaabutan ng halimaw. Nang kaunti na lamang ang pagitan ng halimaw at ng babae ay bigla na lamang bumuga ng napakainit na apoy ang halimaw sa daraanan ng babae; kaya nama’y saglit na huminto ang babae at humigop ng napakaraming hangin sa palagid. Nagbuga ng malakas na hangin ang babae na nagpapawi sa apoy na humaharang sa kanilang daraanan. Agad naman siyang nagpatuloy sa kaniyang pagtakbo.
Kasalukuyan silang hinahabol ng isang halimaw na tinatawag na “Chimera”. Ang Chimera ay isang halimaw na may ulo ng isang Liyon na nagbubuga ng apoy; katawan ng kambing na may nakabibinging tinig; at buntot na isang makamandag na ahas.
Muli nanamang umungol ang galit na galit na ulo ng halimaw kasabay ang pagbubuga ng napakainit na apoy direkta sa kinalalagyan ng babae.Buong pwersa na iniyapak ng babae ang kaniyang isang paa sa lupa kasabay ng biglaang pagtaas ng mga ito. Pumalibot ang makapal na lupang may halong mga bato sa paligid nila, na sa sobrang siksik ng mga ito ay naging ‘sing tigas na ito ng bakal na nagsilbi namang proteksiyon sa ibinubugang apoy ng halimaw patungo sa kanila.
Nang matigil na ang pagbubuga ng apoy ng halimaw ay sunod-sunod niyang pinagsisipa nang buong pwersa ang mga bato’t mga lupang nakapalibot sa kanila patungo sa halimaw. Napahagulhol ito sa sakit nang sunod-sunod tamaan sa mukha ng mga matitigas na bagay na pinagsi-sisipa ng babae. Pansamantala niyang napahinto ang halimaw kaya muli na siyang nagpatuloy sa kaniyang pagtakbo.
“Natatanaw ko na ang lagusan...”Tumatagaktak na ang pawis ng babae sa kaniyang buong mukha: napakadungis, pagod na pagod at hingal na hingal na nang bigkasin niya ang mga katagang ito. Narinig niyang muli ang hagulhol ng halimaw kaya minadali niya nang tuntunin ang lagusan.
Nang kaniya ng marating ang bungad ng lagusan, dito niya natagpuan ang hindi na humihingang mga nagbabantatay rito: tirik ang mga mata, bukas ang mga bibig at wala nang kakulay-kulay. Nagmistula siyang estatwang bato sa sobrang gulat na animo’y si Medusa ang kaniyang namataan at aksidenteng napatitig sa isinumpang mga nito.
BINABASA MO ANG
Celestia: The Unknown World of Magic
FantasyMundong punong-puno ng mahika, mga kakaibang mga nilalang, mga taong may kakaibang kakayahan, at mga tanawing kay gandang pagmasdan---ayan ang Celestia. Ang Celestia ay nahahati sa apat na malalaking isla; ang Boreasia o ang tirahan ng mga Celestia...