Nagising ako nang tapikin ako ni mom at sinabing nasa Mirayad na kami. 'Di ko napansing napasarap na pala ang tulog ko sa mga braso ni mom.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid at halos green na lamang ang makita ko sa paligid dahil sa mga dahon ng naglalakihang mga puno. Tumingin ako sa sahig ng sasakyan at nakita ang mga punong halos maabot na kami, iilang metro lang kasi ang pagitan nito sa sinasakyan namin.
Memories suddenly start flashing and I remember my first ever freaking ride in this freaking vehicle 4 years ago. I literally did nothing that time but scream at the top of my lungs. My heart won't stop racing fast and so my body won't stop trembling. I was like: lantang-lantang gulay and almost die from heart attack. And there was this jerk who just keep laughing at me, Saruno, my little dumbass brother. 10 years old lang siya n’on at 12 naman ako.
Napatingin ako kay mom na ngayo'y nakatitig din sa sahig ng Antigrav. I already know that kind of facial expression she has right now, basang-basa ko na s'ya. Alam ko nang naaalala nanaman n'ya ang mga nangyari noon, dito mismo sa lugar na 'to, no'ng panahong itinatakas niya kami mula sa digmaan sa Celestia. Hindi siya nagkamali sa mga desisyong ginawa n'ya. It wasn't her fault kaya nagkahiwa-hiwalay kami, it's ours. It's our birthmark's fault.
We were hunted down by all those jerks 16 years ago; by those stupid children of the God, Typhon---the father of all monsters and dangerous winds. All of us---all Celestian who had this birthmark known as Blessed Child Mark, marka ng Diyos, pinagpalang anak and whatsoever. Well, it seems like a curse more than a blessing.
Lahat ng may ganitong marka---just like mine, an Earth-like jet-colored mark like a tattoo at the back of my shoulder, a symbol of our Mother Earth, Gaia---ay nagtataglay ng kakaiba't malakas na kapangyarihan. Katamtaman lang naman ang laki nitong markang nasa likod ko, mga 3 inch siguro ang height at width, I guess? Kaya nga nagtataka talaga ako kung paano nalaman ng mga pesteng 'yon na may ganitong marka kami ni Arxis, plus 'yung amin tagong-tago pa.
Nagmasid-masid nalang ako sa paligid dahil malapit-lapit na rin naman daw kami sa isla. I screamed at the top of my lungs when an Encharine bumped in front of the Antigrav. My voice was so loud as if I'm using a megaphone dahil nag-echo talaga 'yon sa buong sasakyan. Tinitigan ko ang Encharine na akala mo'y nayuping lata sa sobrang lakas ng pagbangga nito sa windscreen ng Antigrav.
Nang makaalis na 'to sa pagkakadikit sa windscreen ay nakita ko ang kagandahan nito. It was a flying chameleon with dragonfly wings! Halo-halo ang kulay ng balat nito: may red, blue, violet, orange at green. Its wings colored pink and blue gradient na sobrang ganda talagang tingnan. It has complicated but a really nice skin pattern that I can't even describe myself. Other Encharines showed up from the trees under us. Hinabol nila ang kaninang bumangga sa windscreen like those kids happily playing tag in the park.
Matapos ang walong oras na paglalakbay, from 6am up till now, 2pm, we finally reached our destination, ang Nulagnas Island. Sinenyasan kami ng dalawang bantay ng isla na huminto kaya dahan-dahan nang naglanding ang Antigrav sa bungad ng wooden bridge na papunta sa nasabing island.
They told us that once na makapasok kami sa magic barrier ng isla ay magkakaroon ng magicles interruption dahil mismo sa magic barrier at sa portal. So, it means mahihirapan nang umandar ang Antigrav dahil magicle-powered ito.
Ang kaninang kotse ay unti-unting lumiit at naging isang kristal na daga. Mom picked it up at inilagay sa kaniyang bulsa saka ngumiti sa akin. Nginitian rin n'ya ang mga nagbabantay at saka nauna nang tawirin ang napakahabang pagewang-gewang na tulay. Kahoy lamang ito at mukhang lumang-luma na, may mga vines nang pumapalibot sa kabuuan nito at may magagandang mga hanging plants din. It was really beautiful, but at the same time... scary. Just by looking at that bridge makes my whole skeletal system trembles.
BINABASA MO ANG
Celestia: The Unknown World of Magic
FantasíaMundong punong-puno ng mahika, mga kakaibang mga nilalang, mga taong may kakaibang kakayahan, at mga tanawing kay gandang pagmasdan---ayan ang Celestia. Ang Celestia ay nahahati sa apat na malalaking isla; ang Boreasia o ang tirahan ng mga Celestia...