Kabanata 2: Ang Pangungulila ng Isang Ina

13 2 1
                                    

Sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay ang siyang pag-aninag ko sa kahindik-hindik na mga kaganapang naganap noong Ikaunang Digmaan sa Celestia, pawa bang naroroon pa rin ako sa mga oras na iyon at tila'y nagaganap pa rin ito sa kasalukuyan. Bawat pagtagak ng dugo ng mga Celestians na nasaksihan mismo ng aking mga mata noon ay dama ko pa rin ang sakit sa aking puso na animo'y tinutusok-tusok ito ng isang matalas na patalim; bawat tunog ng nakabibinging pagsabog ay naririnig ko pa rin na tila ba'y permanente na itong tunog sa kaloob-looban ng aking tainga, tunay na nakapanlulumo. Mga pangyayaring hindi na dapat pang balikan ngunit kahit naisin ko mang kalimutan ay hindi ko magawa-gawa dahil permanente na itong nakatatak sa aking isipan.

Kumusta na kaya siya? Namumuhay kaya siya ayon sa huling mga salitang aking binitawan sa kaniya? Maayos naman kaya ang buhay na mayroon siya ngayon sa mundong iyon? May mga kaibigan kaya siyang kaakibat niya sa kaniyang mga problema? Mabubuti naman kaya ang nagsisilbi niyang tagapangalaga roon? Ako pa kaya'y kaniyang tatanggapin kapag muli kaming magkita?

Iilan lamang ang mga iyan sa aking higit daan-daang mga katanungan na gusto kong mabigyan ng kasagutan, subalit paano? Natatakot akong walang maihaharap na mukha sa kaniya; natatakot ako na baka sa aming muling pagkikita ay hindi na niya ako tanggapin.

Wala nang makahihigit pa sa aking pangungulilang dala-dala magmula noong mawalay ka sa akin, anak. Nais na kitang yagkan at yakapin muli at ipaliwanag ang lahat lahat sa iyo, subalit hinding-hindi ko makakayanang makita ang mukha mong umiiyak habang ako ay iyong tinataboy papaalis sa iyo, mahal kong Arxis.

"Mom, are you thinking about him again?"

Napahinto ako sa aking pagmumuni-muni habang nakadungaw sa bintana nang may magtanong mula sa aking likuran. Humarap ako sa aking likuran at nakita ang napakaganda kong anak na may napakatamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Tinatangay ng malakas na hangin na nanggagaling sa bukas na bintana ang kaniyang buhok na ka-kulay ng mga luntiang dahong kasisibol lamang na kaniyang namana mula sa akin. May bahid ito ng kulay abo sa iilang parte na kaniya namang nakuha mula sa kaniyang ama. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata at pilit na ngumiti pabalik sa kaniya.

Naglakad siya patungo sa akin at ako'y agad niyang niyakap sa kaniyang mga bisig nang napakahigpit. Hinilod-hilod niya ang aking likuran at bigla na lamang akong hinalikan sa aking mga pisngi. Napakasarap talaga sa pakiramdam sa tuwing ginagawa niya ito sa akin, tila ba'y siya'y may pakpak at nililipad ako patungong langit.

"Ewan ko ba, Yara, siguro'y nakokonsensiya lamang ako sa mga maling nagawa't mga desisyon ko sa inyong dalawa sa mga panahong iyon. Masyado akong mahina, wala akong sapat na kapangyarihan para maipagtanggol ko kayong dalawa ng kapatid mo. Kung hindi lamang siguro sa mga taong iyon, ay wala baka wala na kayo," paliwanag ko kay Yaharra habang yakap-yakap siya.

"But, Mom." Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan nang mariin ang aking dalawang balikat habang nakatitig sa aking mga mata.

"First of all, kung wala kayo, sa una pa lang hindi na kami nabuhay, kayo kaya ang nagluwal sa aming dalawa. And second, you're not weak, Mom. Sadyang wala ka lang talagang sapat na lakas ng mga panahong 'yon dahil kasisilang mo lang sa amin and then there's a war nang nagaganap sa Celestia, nakakaloka." Kitang-kita ko ang kaniyang nagni-ningningang kulay asul na mga mata habang siya'y nagkwekwento. Kasing asul ito ng isang malalim na dagat na kaniya namang namana mula sa aking ama, na pinaslang noong mismong araw bago sumiklab ang digmaan.

"And lastly, kung hindi ka talaga malakas, Mom. Bakit nagawa mo kaming dalhin sa gubat na 'yon e kapapanganak mo lang no'n sa amin, dapat nga nagpapahinga ka sa mga oras na 'yon e, hindi 'yung ginagala-gala mo kami sa gubat ng brother ko!" pagbibiro niya na nakapagpatawa sa akin habang siya'y tuluyan nang humahalakhak sa katatawa.

Kahit kailan talaga itong si Yaharra. Ang mga seryosong usapan na tuwing siya'y nandiyan ay alam nang magtatapos sa halakhakan sapagkat palagi na lamang siyang nagbibiro.

Agad na namang pumasok sa aking isipin si Arxis.

Ganito rin kaya ang ugaling mayroon si Arxis? Masayahin din kaya siya kagaya ng kaniyang kapa---

"Mom, ayan ka na naman, tulala ka na naman..."

"Nais ko na siyang yagkan at yakapin muli, Yara. Lubos-lubos na itong pangungulila ko sa kaniya," naiiyak kong sagot.

"Then we'll find him, Mom. We'll look for him in every part of the human world. Maging kami, Mom. Matagal na namin s'yang gustong makita. But, Mom, lagi ka nalang kumokontra at sinasabing 'sa tamang panahon'-"

"Kasi natatakot ako, Yara. Natatakot akong baka kaniya akong ipagtabuyan; natatakot akong baka hindi niya ako tanggapin nang tulad ng pagtanggap mo sa akin nang minsan ka na ring mawalay sa amin..."

"Pero, Mom, hindi natin malalaman hangga't 'di natin nasusubukan. Malay natin ay kagaya ko rin pala siyang matagal nang nangungulila sa inyo-sa tunay kong mga magulang; na baka ay hinahanap-hanap din n'ya ang mainit n'yong yakap-kagaya ko.

"Papaano kung hindi siya tulad mo, masakit-masakit mapagtabuyan, Yara anak." Tuluyan na ngang tumulo ang aking mga luha na animo'y isang talon sa pagragasa.

"Like what I've said, Mom. Hindi natin alam. Hindi natin malalaman hangga't hindi natin sinusubukan..." kalmadong sagot ni Yaharra. Muli niya akong niyakap nang mahigpit at pinatahan sa pag-iyak.

Tama siya. Hindi ko---namin malalaman kung hindi namin susubukan. Siguro'y ihahanda ko na lamang nang lubos ang aking sarili sa maaring maging kahihinatnan ng pangyayaring ito. Para sa iyo, Arxis... Para sa iyo, aking pinakamamahal na anak.



Me and my mom are now on the way from Avada to the so-called "The Never-ending-jungle", Mirayad. It is an enormous jungle located at the south-east part of Boreasia. Ang iilan sa mga Namfis---the spirits and protector of nature, one of the two guardian spirits of Celestia---ay naninirahan dito. May iilan ding ligaw na Encharine---those magic-born enchanted beings living in Notusia---ang pagala-gala naman dito.

Finally, pumayag na rin si mom hanapin si Arxis, my long-lost brother---my twin. I can already feel this strange kind of excitement rushing throughout my body. Once na makita ko lang talaga s'ya ay aatakehin ko agad s'ya nang sunod-sunod hanggang sa 'di na s'ya makagalaw at mag makaawang tama na, to the point sasabihin n’yang, "Please stop, master Yaharra." Baka Yaharra ng Celestia 'to.

We are currently using our owned flying vehicle created by TechMa company---my dad's company. Most of his employees are the Children of the Goddess of Wisdom, Athena and the God of Invention, Hermes. Sakto lang ang laki nito na kasya lang para sa apat na tao.

The whole vehicle is literally made up of thick transparent glass and it was shaped to look like a mouse. Wala itong bintana pero may butas ito sa kanan at kaliwa sa harapang bahagi na nagrerepresenta ng tainga ng daga. Mayroon din itong buntot na nangongolekta ng magicles---ang tira-tirang magic na nagkalat sa paligid---na siyang nagpaapandar sa sasakyan. Walang makikitang kahit isang wire man lang sa buong kotse and I know it was somehow concealed by magic.

They called this vehicle as "Antigrav" which is piloted by an AI and powered by scattered magicles. Ironic, right? But yes, 'yan ang Avada, also known as "The Home of Technology and Magic". A country where magic and science co-exist.

Aabutin pa ng ilang oras ang byahe patungong Nulagnas, isang isla sa pinaka-dulong bahagi ng Mirayad kung saan makikita ang lagusan sa pagitan ng Celestia at sa mundo ng mga tao---ang Earth---our mother. Tinitigan ko ang ngayong may matamis na ngiting mukha ni mom at ngumiti pabalik sa kanya. Niyakap n’ya ang ulo ko at hinalikan ‘yon bago ihiga sa braso n’ya.

Celestia: The Unknown World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon