Chapter 3

4.2K 202 37
                                    

***
Chapter Three

Nagising ako sa dahil sa yugyog ng isang tao. Nagulat ako dahil si Axl ang nasa harapan ko ngayon kaya't dali-dali akong bumangon at tumakbo mula sa banyo na nasa loob ng silid na tinulugan namin ni Mama.

"Bakit ikaw ang gumising sa'kin, Axl? Nakakahiya tuloy nakita mo pa 'kong natutulog." sabi ko habang nagpu-punas ng face towel para matuyo ang mukha ko.

"Ang cute mo nga matulog. May ginagawa kasi si Mama mo kaya sabi ko gigisingin kita para may kasabay akong kumain." sabi nito. Namula pa ko nang bahagya sa sinabi n'ya.

"Nasa'n na kapatid mo?" tanong ko dahil sabi n'ya na para daw may kasabay s'yang kumain.

"Mamaya pa magigising 'yun."

"Okay, halika na." niyaya ko s'yang lumabas ng kwarto at pumunta sa hapag nila.

Nakarating kami sa hapag nang maabutan naming lahat ng katulong ay may kanya-kanyang ginagawa at pinagkakaabalahan.

"Halika na, kain tayo." yaya sa'kin ni Axl kaya agad ko naman syang dinaluhan.

"Try that spaghetti, Riley! Masarap yan." sabi ni Axl at agad na tinuro yung spaghetti.

Kumuha ako ng kaya kong maubos at agad na sumubo para tikman kung masarap nga ba. "Masarap nga!" sabi ko kay Axl at ngumiti.

"Is this his first time eating italian spaghetti? Pathetic." bulong ng katabi ko. Hindi ko napansin na dumating na pala sya dahil masyado akong nakapokus sa pagkain. Bumulong pa rinig ko naman.

Agad kaming umalis ni Axl nang matapos namin kumain. Ayoko rin naman magtagal dahil nandu'n yung taong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Riley what grade are you in this coming school year?"

"Grade 6 na, ikaw ba?" balik tanong ko sa kanya.

"Really?! We're same!" natutuwang sabi nito.

Napadpad kami sa kwarto n'ya at binuksan n'ya yung pintuan at bumungad sakin and malaking kwarto na napaka daming laruan.

"Can we play? Sorry I dont have computer, only Kuya has one. Bata pa raw kasi ako. Pero diba I'm a big man na?" tanong nito at flinex pa ang early teen nya na braso.

Hindi na ko sumagot pero tinanguhan ko s'ya. Agad naman itong pumunta sa malaking carpet at naupo. Agad ako nitong niyaya. "Riley, come here!" maligalig na sambit nito kaya't dali-dali akong nagpunta du'n.

Habang naglalaro kami ni Axl ay bigla ako nitong nilapitan sa harap at may inilagay sa bandang harap ng aking damit. Isa itong bandage kagaya ng mga nasa pulis. Hindi ito kagaya mismo ng sa pulis dahil may dyamante ito sa gitna at sobrang ganda n'ya. Hindi naman ito sobrang laki dahil maliit lang ito at pwedeng gawing pendant.

"That's my gift for you. Thank you for your company, Riley!" masayang sambit nito.

Nagpasalamat ako kay Axl at niyakap s'ya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang Kuya n'ya.

"What the actual fuck are you two doing?!" heristikal na sabi nito. Agad nag dilim ang mukha nito na tila hindi nasiyahan sa kanyang nasaksihan.

"We're playing, Kuya and I gave him a gift." sabi nito at pinakita ang nakalagay sa damit ko.

"I don't care about your gift, Axl!" singhal nito sa kapatid at yumuko na lamang si Axl.

"And you? Hindi ba't katulong ka? bakit ka nandito at prenteng nakikipag laro? Tinatawag ka ni Yaya Yolly sa labas!" agad itong lumabas at binalibag ang pintuan nanliit akong bigla sa tinuran nito kaya't dali-dali agad akong tumayo at agad na sumunod sa Kuya ni Axl.

Hindi ko pa naisasara ang pintuan ng kwarto ni Axl nang biglang may humawak sa door knob at agad na sinara nang malakas ang pintuan. Nagulat naman ako nang makitang ang Kuya pa rin ito ni Axl.

Agad nitong hinaklit ang braso ko at hinila kung saan.

"A-aray, Sir. Teka l-lang po dahan-d-dahan." turan ko dahil masakit ang pagkakahawak n'ya sa aking palapulsuhan.

Nakalayo kami sa kwarto at nakarating kami sa malaking bintana ng mansyon nila. Dito nakalagay ang isa pang aranya kaya't ganito na lamang kalaki ito para makita sa labas.

Binitawan nito ang pagkakahawak sa 'kin at humarap sa 'kin. "Masyado ka yatang nag e-enjoy?" sarkastikong sabi nito.

"I'm just reminding you that you're also a maid here. Don't act like you're one of our visitor's here."

"Sorry p-po. Maglilinis na po ako." aalis na sana ako nang bigla na naman ako nitong hinigit kaya't bumunggo ako sa dibdib nito. Hindi makakaila na mas matangkad s'ya sakin.

"You're not going anywhere! Hindi pa 'ko tapos na kausapin ka." lumayo naman ako nang konti dahil masyado akong malapit sa kanya.

"Baka po h-hinahanap na 'ko ni Nanay Y-yolly."

"And you believed my little lies?" mapang uyam na sabi nito. "No one's searching for you."

"Come with me. May ipapagawa ako sa 'yo sa kwarto ko." Agad itong naglakad kaya sinundan ko s'ya kaagad, mahirap na dahil baka magalit na naman 'to.


Nakarating kami sa pasilyo kung nasa'n ang kwarto ni Axl pero tumigil kami sa pinaka unang pinto.

"Faster! napaka kupad mo kumilos!" bulyaw nito kaya agad kong binilisan ang kilos.

Agad naman itong naglakad patungong kama n'ya at naghubad ng pang itaas na saplo t at tsaka tumalon du'n.

"Linisin mo ang kwarto ko." tamad na sabi nito. "Dapat ay malinis 'yan kapag nagising ako."

Hindi naman ako mahihirapan maglinis dahil marunong ako pero mahihirapan siguro ako dahil sa kanya. Mahirap na magkamali dahil galit ito kaagad.

Nagsimula na akong maglinis at nakita ko namang mahimbing na itong natutulog. Sadya ngang napaka perpekto ng pisikal na anyo nito.

Sisimulan ko nang umiwas sa kanya. Isa syang malaking apoy na hindi dapat lapitan.

***
Sorry ngayon lang nakapag update. But there! I hope you enjoy!

Please VOTE, COMMENT AND SHARE. THANK YOU

Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)Where stories live. Discover now