***
Chapter OneNakarating kami sa tapat ng gate mga Lagdameo at masasabi kong napakalaki nito at sobrang ganda. Hindi mo masasabing bahay lang 'to dahil humahanay sa mga Mansyon na nasa TV ang bahay nila.
Pinasok na ni Kuya George ang kotse sa Nagmumurang karangyaang gate ng mga Lagdameo. Agad din naman n'yang pinatakbo ito papunta sa napakalaking pintuan sa harap ng bahay. I saw tons of CCTV here. Bawat sulok siguro ng mansyon ay sakop ng CCTV dahil sa dami nito.
Bumaba na kami at agad kaming tinulungan ni Kuya George sa pagkuha at pagbitbit ng mga gamit namin. Marami akong nakitang tao dito sa bahay. Karamihan sa kanila ay mga guards at maid. Agad kaming nakarating sa pintuan ng mga Lagdameo at bumukas ito. All I can say is this mansion is worth more than my life. Two big-grand-staircase is the first thing you will see and a golden luxurious chandelier hanging on the ceiling. Isama mo na rin ang mga furniture na alam mong napaka mahal dahil sa itsura at pagkakagawa dito. And the maids roaming around and doing their jobs.
Sinalubong kami ng isang matanda biglang nagsalita si Nanay. "Nako! Kayo na pala 'yan, Nay Yolly! Maraming salamat nga po pala dahil ako agad ang tinawagan n'yo para sa trabaho dito. Kailangang-kailangan namin dahil nagigipit na kami." sabi ni Nanay at ngumiti naman yung Nanay Yolly.
"Walang ano man, Cecil. Alam mo naman na malaki ang tiwala ko sa'yo dahil masipag ka. Welcome kayo dito! Mabait ang mga Lagdameo." sabi nito at nakita kong bumaling sa'kin ang tingin nito so I immediately grabbed her hands and put it on my forehead to show respect.
Narinig kong natawa s'ya at biglang may sinabi kay Nanay. "Hindi na ako magugulat sa ganito, Cecil. Alam kong kaya mong magturo ng magandang asal." Natawa naman si Nanay. "Kaawaan ka ng Diyos, Hija." nagulat ako dahil isa pa s'yang napagkamalan akong babae. This is my first time na mapagkamalan na babae sa isang lugar ng dalawang beses.
"Lalaki po ako, Nanay Yolly." nahihiya kong sabi at bigla naman nitong pinatong ang kamay n'ya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Mukha ka namang babae kaya okay lang na tawagin kitang Hija." sabi nito.
"Hintayin na natin sila dito. Pauwi na ang mga 'yun." hindi ko ko naman alam kung sinong tinutukoy ni Nanay Yolly pero sa tingin ko ay ang mga Lagdameo.
May tinawag ni Nanay Yolly at bigla naman itong lumapit. "Paki dala nitong bagahe nila sa bakanteng kwarto." tumango naman yung kausap n'ya at binuhat yung mga gamit namin.
"Halina muna kayo't ma-upo dito." sabi ni Nanay Yolly and she sat on a luxurious sofa. It's gold and it has floor mat from Turkey. Actually I knew it because it's part of our topic before and it ranges from Hundreds-of-Thousands to Million!
Hindi naman puno ang bahay nila pero kapansin-pansin ang pagiging mahal at pagiging malinis ng lahat ng ito. Habang nandito kami sa sofa ay nag uusap sila Nanay tungkol sa kung anong bagay. Hindi naman ako nakikinig dahil busy ako sa pagtingin sa mga gamit dito.
Napadpad ang mga mata ko sa dingding ng mansyon nila at nakita kong may napaka laking portrait painting dito. Apat sila. Ito na yata ang pamilya Lagdameo. May dalawang nakatayo. Ito na maari ang mag asawang Lagdameo. Pansin ko sa kanila na they have almost perfection features. Parehas silang gwapo at maganda and also they're smiling kaya kita lalo ang maganda nilang mukha. Dumako naman ang paningin ko sa nasa baba nilang dalawa. Dalawang batang lalaki. Nakangiti yung isa at mukhang ito yung bunso dahil mas mataas yung katabi nito at hindi ito nakangiti. Seryoso lang s'yang nakatingin sa camera.
YOU ARE READING
Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)
General FictionIf anyone who hears the surname Lagdameo most people think about is not to mess with them or make them impress. The trajectory of your life can depend on their word and If there's one word that fits to them that will be "Power". People say they're h...