Chapter 9

2.9K 142 18
                                    

***

Chapter Nine

Habang nakain kami ay nararamdaman ko ang mapanusok na tingin ni Duke sa likod ko at naririnig ko pa na may practice yata sila ng basketball. Athletes pala 'tong mga ito eh. No wonder bakit ang daming nababaliw sa kanila.

"By the way, Riley hindi ka ba naiilang sa'min?" biglang tanong ni Ralph habang nanguya ng kanin na may adobo ni Nanay.

"Oo nga tell me if you want to come with your friends para makapag enjoy ka rin." sabat ni Axl.

"No okay lang naman ako. Tsaka wala pa naman akong kaibigan si Lucas pa lang." Tumingin naman ako kila Lucas at saktong tumingin to sa'kin kaya kinawayan ko s'ya. Bigla naman nya akong itinuro dahil tumingin sa'kin yung mga kaibigan n'ya.

Naubos ko na yung pagkain ko pero sila Axl ay hindi pa nag uusap pa sila sa mga bagay na hindi ko naman maintindihan at in fairness ha umingay si Louie. Hindi ako makarelate sa topic nilang puro kotse gaya ng "Ferrari" at "Lamborghini" daw wala naman akong alam d'yan sa mga ganyang bagay.

"Man that car is something that is worth dying for!" eksahiradang wika ni Louie. "I'm not sure about dying but that car is really awesome." sabi ni Ralph at natawa naman ako sa sinabi nito.

"Ikaw Axl what's your dream car?" tumingin naman si Axl kay Louie.

"Come again, man I wasn't listening." sabi ni Axl at sumubo ulit ng pagkain. "My brother won't run, Axl  h'wag mo masyadong titigan." loko ni Louie dito. "Gago!" tumawa naman sila.

Pero ano bang meron kila Axl at Lucas? kanina kasi ilang at iwas si Lucas kay Axl hindi ko alam baka may problema sila. Pinagpatuloy nila ang pag uusap nila at ako ay kinuha ang bag ko sa likod ko at nakita ko pang bumaling ng tingin sa'kin si Duke kaya bigla akong napabilis ng kuha sa bag ko. Kinuha ko yung libro ko na tungkol sa Lalaking Royalty na nainlove sa lalaking anak ng tagapag silbi sa palasyo. Ang ganda nitong librong 'to.

"Riley can you come with me, introduce kita sa friends ko gusto ka raw nila makilala." biglang kalabit sakin ni Lucas kaya napatingin ako dito.

"You can go, Riley." sabi ni Axl dahil tumingin ako dito. Tumango naman ako at tumayo at isinukbit ang bag ko sa likod para sumama kay Lucas.

"Hey guys, this is Riley the one I'm talking about." sabi ni Lucas nang makalapit kami sa table nila. apat sila pero isa lang yung namumukhaan ko na babae s'ya yung nasa likod.

"Omg you're so gorgeous!" sabi nung babaeng may brown na buhok. Bawal ang may kulay na buhok diba?

"Thank you?"

"Stella, I'm sorry I forgot hahaha" tawa nito at tumango naman ako at ngumiti.

"She's Monica and she's our classmate and here is the sister of infamous Harvey, she's Hannah." inirapan naman ni Hannah si Lucas kaya tumawa sila.

"Grabe naman pagpapakilala mo sa'kin." tumawa na lang kami sa sinabi ni Hannah.

"By the way, Riley bakit mo pala kasama si Axl?" biglang tanong ni Stella. Akala ko ay nasabi na ni Lucas pero I guess ang sinabi lang n'ya is bagong kaibigan ako. Pero maganda naman 'yun dahil nirerespeto nya yung privacy ko.

"Uhm, sa kanila ako nakatira, maid yung mama ko dun at si Gov nagpapa-aral sa'kin." nagulat naman sila at medyo naging kiti-kiti dahil lumikot sila. Halos lahat ng tanong nila ay tungkol sa magkapatid. Ganito ba sila kainteresado dun sa dalawang yun.

"Riley go at the gymnasium later, be my personal assistant there." Biglang sulpot ni Duke sa likod ko. Matalim pa rin tingin nito at naka igting ang mga panga nya habang nakahawak sa braso nya yung babae n'ya.

"After class pumunta ka don, don't be late and slow, you're not even a girl." wika nito at biglang nagsalita yung babaeng katabi n'ya.

"Let's go babe. I could be your personal assistant naman, why bother calling that gay?" sabi nito at napairap naman si Lucas sa winika nito.

"Desperada." biglang sabi ni Stella. Nagulat naman yung babae at bigla sanang sasampalin pero hinigit s'ya nung kaibigan ni Duke, si Harvey. Hindi ko alam kung may galit ba si Harvey dito pero ang lakas ng higit n'ya. Natawa pa nga si Hannah.

"Ouch! Babe look at Harvey, sinaktan n'ya ko." singhal nito.

Tinignan naman ito ni Duke at mukhang wala s'yang pakielam. "You're too noisy, get out of my face."

Natuod naman bigla yung babae sa sinabi ni Duke. Kaya sila na lang yung umalis pero bago pa sila makaalis nang tuluyan ay lumingon ito sa'kin at ngumisi. "I'll pick you up later, be fast ayoko sa mabagal."

Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo habang palabas sila ng cafeteria at ang tahimik namin sa table namin. Nang mawala sila sa paningin namin at nagtilian ang mga babae.

"Ahh!!! Omg he's so hot talaga!"

"Riley you're so lucky!" biglang tili ni Stella.

"I think he's invested in you, Riley." biglang kuda ni Lucas na nagpatahimik samin. Tinignan naman ng girls si Lucas at nakatingin pa rin ito sa pinag labasan nila Duke.

"How'd you know that, Lucas? Is it the same with you and Axl?" sabi ni Monica. So tama ngang may something sa dalawa.

"There's nothing between me and Axl you guys." dipensa ni Lucas.

"You can fool everyone but not us, Lucas. I mean we all know that you like Axl but he doesn't." sabi ni Hannah at sumubo pa ng pagkain n'ya.

"Ewan ko sa inyo" irap nito at tumingin naman sa'kin. "Whatever happens don't make anything that will make Duke mad. You don't want to make him mad, Riley. You wouldn't like to see it."

Natahimik naman ako ganon din sila Stella. Siguro ay alam din nila kung pa'no magalit si Duke.

Mamaya ay isang pagsubok na sinabi kong titigilan ko na. Akala ko ay isa lang kaming parehong positive na magnet; hindi magdidikit. Pero tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para ipagdikit kaming dalawa. Ayokong malamon sa ganitong paraan.

***
Hi guys hope y'all like this sorry na agad HAHAH.

Please LIKE, COMMENT, AND FOLLOW.

Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)Where stories live. Discover now