***
Chapter FourSa mga nagdaang araw ay walang pagbabago sa pagitan namin ni Axl. Nananatili pa rin na dikit kaming dalawa at kung sa Kuya naman n'ya ay gano'n pa rin; Galit sa mundo.
Minsan ay nakakasalubong ko s'ya pero agad din naman akong naiwas. Alam kong alam n'ya na naiwas ako sa kanya pero hinahayaan n'ya lang, siguro ay mas ayos sa kanyang hindi nagkakaniig ang pagitan naming dalawa. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili kong umiwas sa kanya dahil ayokong pagdiskitahan nya.
Madalas ay nakikita kong mag isa lang itong nakatingin sakin, hindi ko alam kung pinapatay na ba nya ko sa isip nya o ano pero mabuti nang wala syang kibo."Hoy! kanina ka pa tulala!" biglang gulat ni Axl.
"May iniisip lang ako."
"Ano naman?" usisa pa nito.
"Ganyan na ba talaga kuya mo? Laging galit o di kaya e masamang tumingin." tanong ko dito, agad naman syang napa ayos nang upo.
"Ewan ko, pero he's been always like that, grumpy." natatawang bigkas nito kaya tumawa na lang rin ako.
Habang nag uusap kami ni Axl ay nakarinig kami ng sigaw mula sa itaas ng mansion. Nandito kasi kami sa sala.
"Axl! Ang kapatid mo inaapoy ng lagnat!" sigaw ni Nanay Yolly.
Agad naman tumayo si Axl at tumakbo papunta sa itaas kung saan naroon ang kwarto ng kapatid nya. Ako naman ay dumiretso sa kusina at kumuha ng gatas para sa demonyo. Hindi ko alam kung nainom sya ng gatas at kung pwede sa may sakit ang gatas pero bahala na si Lord.
Pagkatapos kong magtimpla ay agad din akong naglakad papuntang kwarto ng hukom. Sinabi kong iiwasan ko sya pero hindi ko naman pwedeng iwan si Axl na mag isa dahil nasa ibang bansa ang magulang nila para sa kanilang business.
Huminga ako nang malalim habang nasa harapan ng kwarto ni Duke ang hukom ng mansyon. Kumatok ako nang tatlong beses at tsaka pinihit ang doorknob ng kwarto nito at binuksan.
Nakita ko si Axl na nasa gilid ng kama ng kuya nya. Nakita ko rin si Nanay Yolly na naglagay ng twalya sa noo ni Duke.
"Uhm nanay Delia, ito po gatas para po kay senyorito." bigkas ko, nagulat naman ako nang biglang bumukas ang mata nito at tumingin sakin saka ngumisi.
"Sige 'nak ilapag mo na lang dy-" biglang naputol ang sasabihin ni Nanay Yolly nang magsalita ang senyorito.
"No! I'll d-drink it. Hand i-it over, g-gay." nilalagnat na pero suplado't sutil pa rin.
Lumapit naman ako sa kanya at iniabot ang isang basong gatas na may isang kutsarang asin. Biro lang.
"Maiwan ko muna kayo d'yan. Magluluto lang ako ng Lugaw para sa kapatid, Axl. Kung gusto mong sumama para magluto nandyan naman si Riley para mag bantay" agad akong napalingon kay Nanay Yolly sa sinabi nya.
"Sama po ako, Nay! Dito ka muna ha? bantayan mo si kuya ko." ngumiti ito at sumabay na kay Nanay Yolly palabas ng kwarto.
Umupo ako sofa ng kwarto ng senyorito at nag obserba sa itsura ng kwarto nya. 'Duke Elio Gomez Lagdameo' basa ko sa buong pangalan nya. Halatang mayaman nga. Trophies, medals, certificates, etc. ang umagaw ng atensyon ko dahil napaka dami nito. Talentado pala ang tarantado.
"Why did you brought me a milk? do you have a crush on me?" biglang salita nya kaya't napatingin ako sa kanya pero nakapikit ito.
"H-huh? Wala! Ano sadyang g-gusto ko lang magdala."
"Okay if you say so." tila hindi yata nakumbinsi sa sagot ko. "So tell me, Riley have you ever had a crush on someone before?"
"Wala, masyado pa kong bata p-para sa ganyang b-bagay." nauutal kong bigkas dahil nakatingin ito sakin habang nakakunot ang kanyang makapal na kilay.
"You're already grown up for that. But the thing is walang papatol sayo kasi lalaki ka." bigla naman akong napaisip sa sinabi nya. Siguro nga walang papatol sa kapwa lalaki kung relasyon ang pag uusapan.
"W-wala naman akong balak makipag r-relasyon."
"Dapat lang." biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Nanay Yolly na may dalang tatlong mangkok ng Lugaw.
"Riley ito ang iyo, kumain ka rin dahil sa payat mong yan kailangan mo ng laman." tumawa naman kaagad si Axl kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Tinulungan tumayo ni Nanay Yolly si Duke at isinandal sa kama para makakain. Habang nakain ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa'kin ni Duke. Talaga bang para lamang sa dalawang kasarian ang pagmamahal? dahil para sakin ay hindi. Kung mahal mo ang isang tao ay hindi ko na pakikielaman ang kasarian nito.
"Nay sa labas ko na po itutuloy ang pag kain ko. Kukuha rin po kasi akong tubig, nauuhaw po ako."
"May tubig ako dyan sa mini ref." biglang salita ni Duke.
"Hindi na, salamat may gagawin rin kasi ako." ngumiti na lang ako at nagpaalam na rin kay Axl.
Bumaba na ko at dinala ang pagkain. Siguro nga ay dapat ipinagpatuloy ko na lang ang pag iwas sa kanya.
***
Sorry for the super late update y'all, super busy lang haha booked n' busy lmao. Anyways, Belated Merry Christmas and Happy New year!!Please VOTE, COMMENT AND SHARE!
YOU ARE READING
Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)
Ficción GeneralIf anyone who hears the surname Lagdameo most people think about is not to mess with them or make them impress. The trajectory of your life can depend on their word and If there's one word that fits to them that will be "Power". People say they're h...