Prologue

8.7K 194 26
                                    

***
Prologue

Kararating ko lang ngayon sa bahay at nakita kong nag aayos si Nanay ng mga gamit. Kakauwi ko lang galing kila Mika my best friend and ito 'yung nadatnan ko.

"Nay, bakit po kayo nag aayos ng gamit? Saan po ang punta natin?" tanong ko dahil hindi n'ya napansin ang pagdating ko.

Napatingin naman 'to gawi ko at tumigil sa kanyang ginagawa at lumapit sa'kin. "Nandyan ka na pala hindi ka man lang nagsasalita. Aalis na tayo, Nak." sabi nito at hindi na ako nagulat dahil nabanggit na sa'kin 'to ni Nanay nung nakaraang araw patungkol sa pag alis namin pero hindi ko akalain na ngayon na kaagad.

"Tulungan ko na po kayo, Nay." ngumiti ito sa'kin kaya agad na rin akong kumilos. "Ano nga po palang trabaho ang nakuha n'yo?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano bang trabaho ang inalok sa kanya.

"Kilala mo naman ang Gobernador sa kabilang lungsod hindi ba?" tumango naman ako sa kanyang sinabi. Medyo malayo kami sa lungsod na tinutukoy ni Nanay dahil mga 3 lundsod muna ang dadaanan namin bago du'n sa lugar nila.

"Opo, Nay. Si Gobernador Lagdameo po." sabi ko sa kanya.

"Du'n nagta-trabaho ang isa sa malapit kong kaibigan. Binalita nito sa'kin na kailangan daw ng bagong katulong kaya ako ang naisip n'yang tawagan." sabi nya. "Kailangan na rin nating humanap ng trabaho dahil hindi na kasya ang kinikita ko sa pagtitinda ng mga basahan sa palengke." I feel pity on our situation but I can't do anything dahil talagang nahihirapan na kami sa sitwasyon namin ngayon.

"Buti po ay pumayag na kasama ako." ngumiti ako ng bahagya pagka tapos kong magsalita.

"Mabait ang amo natin, Riley." nagulat naman ako dahil akala ko basta mga tao na may katungkulan mula sa sangay ng gobyerno ay mga mapagmataas at mga mapang mata. Mabuti ay may gaya ng mga Lagdameo. They proved me wrong.

"Mag ayos ka na du'n at maaga tayong aalis." sabi ni Nanay kaya nagpunta na ako sa loob ng kwarto naming dalawa and get some clothes for myself.

Agad kong kinuha 'yung kaisa-isang damit pang alis ko. I don't have that much clothes dahil karamihan dito ay mga pang-bahay lamang. We can't afford to buy clothes. Instead of buying clothes ay ibibili na lang namin 'to ng pagkain.

Humarap ako sa salamin para tignan kung maayos na ba ang itsura ko. Suot ko ngayon ang isang simpleng T-Shirt ko na kulay baby pink at kulay puting fitted shorts na 3 inches above my knees. Hindi naman masyadong masikip at maluwang ang suot kong pang taas kaya comfortable akong kumilos nang kumilos.

I'm satisfied sa itsura ko ngayon dahil sabi nga ng mga kaibigan at ni Nanay hindi ako basta-basta. Isa na rin siguro 'tong dahilan kung bakit ako lagi napagkakamalang babae dahil sa mukha at katawan ko. I have pair of ocean blue eyes. Almond-shaped-eye and pointy nose and plump lips. Mapilantik na pilik-mata at magandang arko ng kilay. Isama mo na rin ang maliit kong katawan at maliit kong height at maputi kong kompleksyon. Dahil na rin siguro na alam kong Half filipino lang ako. Sabi ni Sister Dianne sakin ay Australian daw ang father ko while Filipina naman ang mother ko. She said they both died on a car accident.

"Tapos ka na ba d'yan, Riley?" rinig kong sabi ni Nanay sa labas.

"Opo, lalabas na." sabi ko at binuksan 'yung pinto para lumabas dahil panigurado kukunin ni Nanay yung mga importanteng dokumento namin.

Dumiretso ako sa sala namin at naupo sa bangkito namin. Sa labing tatlong taon kong nabubuhay sa mundo ay nakita ko na kung paano igapang ni Nanay ang pag aaral ko. Ayaw n'ya kasi na tumigil ako dahil sayang daw at isa pa running for Valedictorian ako nung Elementary kaya kahit mahirap ay kinakaya.

Natapos ang pag iisip ko nang tawagin ako ni Nanay palabas ng bahay. Agad kaming dumiretso kila Aling Kuling para ipaalam na aalis na kami.

"Mareng Kuling! Aalis na kami maiwan na namin kayo! Hanggang sa muli!" sigaw ni Nanay mula sa labas ng bahay nila at nakita ko namang nagmadaling lumabas si Aling Kuling at ang anak nitong si Jino.

I'm just standing beside Nanay dahil may ibibigay daw si Aling Kuling sa kanya. Nagulat naman ako dahil lumapit sa'kin si Juno at yumakap kaya gumanti na rin ako.

"I will miss my biggest competition." bulong nito sa'kin.

Natawa naman ako dahil sa kanyang sinabi. "Magkikita pa naman tayo. Not now but soon." sabi ko sa kanya at bumitaw sa pagkakayakap.

"Ingat ka lagi du'n! Balitaan mo 'ko lagi!" sabi nito at nakitang lumabas na si Aling Kuling at may dalang apat na Tupperware at binigay kay Nanay.

"O'siya sige! Dumiretso na kayo para maaga kayong makarating du'n! Mag iingat kayo, Cecil!" paalala ni Aling Kuling kay Nanay.

"Salamat ng marami dito, mare! Oo naman mag iingat kami dahil tatanda pa tayo kasama ang mga anak natin." nakangiting sabi ni Nanay at niyaya na akong umalis. Hinawakan nito ang kamay ko dahil mas malaki s'ya sa'kin.

"Kahit anong mangyari, Riley. 'Wag mong kakalimutan na nandito ako para sa'yo. Gagawin ko lahat." bulong nito habang binabagtas namin ang daan patungong sakayan ng bus.

"Maraming salamat po, Inay! Makaka ahon din po tayo." I know she can sense determination.

"Mag aral nang mabuti." tumango naman ako.

Nakarating kami sa sakayan at agad kaming tinulungan ng kunduktor sa mga gamit na dala namin kaya sa unahan kami pinaupo.

"Magpahinga ka muna." bulong ni Nanay 'pagka upo katabi ko. Kinuha ko yung pagkain na binigay ni Aling Kuling at kinain ito.

Agad ko naman sinandal yung ulo ko sa balikat n'ya at tumingin sa TV habang nakain.

Habang nanonood ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko rin napansin na kanina pa pala umaandar 'tong bus.

"Matulog ka na muna. Malayo-layo pa tayo." I closed my eyes and make myself fallen asleep.

Nagising ako sa mahinang tapik kaya agad kong iminulat ang mata ko.

"Nandito na tayo sa tapat ng subdivision nila kaya halika na." sabi ni Nanay at nakita kong madilim na dahil bandang hapon ng umalis kami.

"Sige po, Nay." agad kong kinuha ang bitbit kong gamit kanina.

Nakababa kami ng bus at may humarang sa'min na lalaki. Akala ko at hondaper ito ngunit may katabi s'yang maamhaling sasakyan kaya nakampante ang loob ko.

"Kayo ho ba si Agoncilla Castasus?" tanong nito kaya sinagot kaagad ni Inay. "Halina po kayo. Driver po ako ng mga Lagdameo." sabi nito at tinulungan kami sa bagahe namin.

"Salamat po." simpleng sabi ko at ngumiti naman s'ya.

"Ganda mo naman, Hija." he said at nahiya naman ako.

"Hindi po 'yan babae." sagot ni nanay na nagpagulat sa kanya pero agad rin naman n'yang binali wala.

Sumakay na kami sa kotse at pinaandar n'ya na ito papasok sa magarang subdivision. They live here in 'Royale Holiday Subdivision' isang sikat na subdivision sa buong Pilipinas. Tanging mga opisyal, artista at kilalang tao o negosyante lamang ang nakatira dito.

I slightly close my eyes and pray and thank the Lord. I hope maging maganda lahat ng mangyayari at pagtira namin sa puder ng mga Lagdameo.

***
Please Vote, Comment and Share! Also follow me here on Wattpad! Thank you and God bless! Stay safe y'all!

Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)Where stories live. Discover now