Chapter 7

2 1 0
                                    

"Madison POV"




Naglibot libot ako sa mansion ni Oliver di kasi ako makapaniwala sa sinabi nang lalaki.

Di ko alam kong papaniwalaan ko ba iyon pero nong pagtungtong ko kasi dito sa mansion nila.

Parang familiar siya sa akin na di ko marawi para bang nakapunta na ako dito noon.

Or something like dito ba ako nakatira noon alam kong mailap ako sa mga tao pero iba si Oliver.

At yong bata di ko maipaliwanag pero parang may koneksyon kami sa isat isa,at ang tanong ko bakit kamukhang kamukha ko siya.

At nong nagpakita sa akin yong lalaki kanina sa parking lot hindi ko naramdaman na kalaban siya at ang gaan ng loob ko sa kanya.

Sa paglalakad ko napukaw ang atensiyon ko sa isang itim na pinto na kagaya ng pinto ko sa mansion.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko palapit dito at kagaya nga nang sa mansion ay pareho ding eye sensor ito.

Tinapat ko ang mga mata ko at nang recognize niya ako ay saka ito bumukas.

How come na naopen ko siya so totoo ba ang hinala ko na dito ako nakatira dati.

Nalilito ako pero bakit lahat ng gamit na meron ako ay kaparehong kapero sa kwarto ko sa mansion.

Mula bookself,decoration, bed kulay at desenyo ng kwarto ay parehong pareho.

Pero kong dito ako nakatira bakit sila nagpanggap na di ako kilala.

Si Oliver sino siya sa buhay ko ako kaya ang tinutukoy niyang asawa noon,at si Ethan anak ko kaya siya.

Lumapit ako sa mesa at muntik na akong matumba ng makita ko ang sarili sa picture kasama siya.

Iba't ibang klase ng picture may nakangiti kami pareho,nakayakap siya sa akin sa likod.

Nakapatong ang baba niya sa balikat ko,may waki,may stolen picture ko na naglalaro ng valleyball,basketball.

Stolen na nagdidilig ako ng halaman,nasa opisina,nasa meeting,kumakain.

At isa lang ang nagpasakit ng ulo ko yong picture na stolen sana, pero lumingon ako at blankong nakatingin sa kumuha ng picture ko.

Napahawak na ako sa ulo ko at dumoble na ang vission ko nagiging blurred na din ang paningin ko.

Kahit sumigaw pa ako dito ay walang makakarinig sa akin dahil soundproof ang room na to.

Sinara ko din ang pinto para di ako mahuli sumandal muna ako sa pader para makakuha ng lakas para makatayo ng maayos.

Nagsulputan na ang mga imahe na blurred naman ibig sabihin ay nati-trigger na ang momeries ko pero malabo pa din.

Gusto ko nang pumikit pero sinikap kong wag matulog ayokong mamatay dito gusto ko pang malaman ang totoo.

Nagkanda dapa dapa na ako pero pinilit ko pa ding tumayo kahit na alam kong magkakapasa ako pagkatapos nito.

"The Truth Hurts"    OnGoingWhere stories live. Discover now