Lagi nang magkasama si Russell at Dorill, may topak din tong Russell eh,alam nyang si Dorill pa at Feb pero parang pinopormahan na nya yung bestfriend ko,tsk! Mga lalaki nga naman.

Tuwing magkasama kami ni Dorill at biglang susulpot si Russell gumagawa ako ng excuse para makaalis pero iba ata ngayon. Nakita kong papalapit si Russell sa inuupuan namin ni Dorill dito sa cafeteria.

"Do, ccr lang ako ah!"

"Oh no! Wag mong subukang tumaya,F.O na tayo. Alam ko namang iniiwasan mo lang si Russell eh."

"Hi girls!" Umupo na lang sya bigla sa tabi ko.

Moving on!

"Hi Russell!" May kasama pang kaway tong si Do,aish!

Tumingin sya sakin.

"Hi Arra!"

"Hello." Poker face lang.

"Bakit badtrip ka?

"Kasi nandyan ka."

"Anong ginawa ko?"

"Di ko rin alam basta nababadtrip ako pag nakikita kita."

"Naglilihi ka friend?" Sabat bigla ni Do.

"Baka buntis. Baliw!"

"BUNTIS KA?!"

"oy! OA ah! Hindi noh? Mga baliw!"

Nakita ko naman ang paghinga ng malalim nitong katabi at pagngisi ni Do. I smell something fishy~

"Girls,sabay ako sa inyo pauwi ah!"

"Owsyur!/di pwede." Sabay oa kami ni Do.

"Bakit friend?"

"Eh badtrip nga kasi ako sakanya."

"Ano bang problema mo sakin?"

Anong problema ko? Sira ulo ka kasi,may boyfriend na ang kaibigan ko,pinopormahan mo pa rin.

"Di ko nga alam,basta ang bigat ng dugo ko sayo."

"Baka magkakaroon ka lang" sabay ngisi.

Aish! Ewan ko sa inyo.


Uwian at tong baliw na to,sumabay nga samin. Nilibre nya kami syempre sa jeep,sya lalaki eh.

"Ay! mauna na kong bumaba sa inyo ha! May bibilin pa ko sa kanto eh!"

"Sasamahan na kita?" Sabi ko

"Wag na friend,para may quality time kayo ng palalabs mo." Kinindatan pa nya ko, inirapan ko lang sya. Arghh!

"Ma! Para po!"

"Ingat!" Sabay pa kami nitong baliw na kasama ko.

"Oy Sel! Ingatan mo yang kainigan ko,wag mong itanan,ipapakita pa natin sakanya ang poreber."

"Oo na! Baliw!"

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

ipapakita pa natin sakanya ang poreber

Natin? Silang dalawa? Silang dalawa ang may forever? Waaaah!!! I can feel my heart break into pieces. Gusto ko nang umuwi.

"Para po!" Di ko namalayan na nasa subdivision na kami.

Sobramg tahimik namin habang naglalakad kami.

"Ahmm! Arra!"

"Mm?"

"Diba kelangan may kadate sa graduation ball?"

"Oh ngayon?"

"Pwedeng ikaw na lang yung kadate ko?"

OMIGAS! Wag kang paasa! Pero malay natin ito na yun last.

"Ha?"

"Kasi syempre,imaginin mo, ang kadate ko Magna Cum Laude lang naman diba tas ang kadate mo kasing gwapo ko."

Okay na eh! Mahangin lang talaga -_-

"Tsaka may kadate na kasi si Dorill, alam mo na si Feb diba?"

That's the limit, lumabas na mismo sa bibig nya. Option lang ako, hindi ako choice. It hurts men,BIGTIME!

"sige." Sabay talikod ko sakanya ng nakarating na kami sa gate ng bahay namin. Umoo ako kahit masakit. Kahit sobrang sakit. Pero minsan lang to at ang minsan na to baka maging huli pa.

"Salamat!" Tinaas ko lang ang kamay ko. Pagkapasok ko sa sa bahay.

"Arghhhh!!! Wala na! Wala na kong pag-asa! Waaaaahhh!!!"

walang forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon