Namatay ang ilaw sa hudyat ko. Kinakabahan ako,sobra. Sana maging matagumpay ang pag-amin kong to. Kinasabwat ko pa si Dorill para mapalabas ang totoong nararamdaman nya sakin, at mukhang nagtagumpay naman ako. Nararamdaman kong nagseselos sya. Nararamdaman ko ring pareho kami ng nararamdaman.

Bumukas ang spotlight na nakatutok sakin at sakanya.

"Simula elementary gusto na kita, ah hindi,mahal na kita. Kahit baluktot ang prinsipyo mas lalo kitang minahal. Mas lalo akong nachallege na may patunayan sayo. Pero aaminin ko,naiinsulto ako sa tuwing sinasabi monf walang forever,para kasing naiinsulto yung kakayahan ko na ipakita sayo yun eh. Pwede ko bang patunayan sayo ang salitang forever na tayo ang magkasama?"

Nagtilian ang mga nasa loob ng auditorium. Nakita ko ang pagkinang ng mata nya dahil sa nagbabadyang luha. Habang papalapit ako sakanya may kung ano sa tyan ko na di ko maintindihan.

Pagkalapit ko sakanya,umiiyak na sya. Nagsalita ulit ako sa mic.

"Ano? Pwede ba?"

walang forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon