Ipaparealize ko sa inyo na walang FOREVER.

Tulad ngayon,valentine's day.

Puro couple ang makikita mo,puro bulaklak.

Awtomatikong napairap ang mata ko ng makitang inabutan nung lalaki ng bulaklak yung babae.

"Tss"

"Alam mo Arra kung bakit ka ganyan,wala kasing nagbibigay sayo ng ganyan."sabay turo dun sa bulaklak na hawak nung babae.

"di ko kelangan ng ganyan,di yan makakain,di ko yan ikayayaman,higit sa lahat di madadagdagan ang buhay ko dahil dyan."

"Nako! Sana talaga dumating na ang magiging katapat mo,napakabaluktot ng prinsipyo mo friend."

"Kung may dadating."

"Tatanda kang dalaga nyan."

"Edi wow! Ayoko na pag-usapan, magkakapikunan lang tayo."

"Tama! Iwan na kita friend,may date kami ni Feb." Tumayo na sya at iniwan ako.

"Sus! Magbebreak din kayo."

Nilingon nya pa ko.

"Edi wow!"

"Baliw!" Sigaw ko pabalik.

Bakit ganun? Tuwing valentine's lang nila pinagkakagastusan ng bulaklak ang mga girlfriend nila pero pag normal na araw,wala lang.

Kung tutuusin wala pa naman akong nagiging boyfriend para maging ganito kabitter,pero ewan ko. Siguro kaya ganito ang prinsipyo ay dahil sa na rin sa mga nakapaligid sakin.

Papunta na ko ngayon sa locker room nang naabutan ko na may ngkukumpulan sa bandang locker ko.

"Mga madam,excuse me!" Sigaw ko saka lang sila nagtabihan.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko,puro bulaklak ang nakatapat sa locker ko,may malaking teddy bear rin. Kinilig ako,oo pero nangingibabaw ang inis ko,di ko alam kung bakit.

"Sino naglagay nito?"

"Di namin alam Arra,pagpasok namin nandyan na yan."

"Sinong matinong lalaki ang magwawaldas ng pera para bilhin yan, tsaka ano bang meron? Meron bang patay,tss. Kung gusto nyo sa inyo na lang."

Sabay-sabay naman silang nag-alisan ng di ako tinitignan.

"Arghhh!" Naiirita ako.

"Bahala ka dyan." Bulong ko.

Kinikilig ako,tao rin naman ako para kiligin pero naiinis lang ako kasi bakit sa ganito nagpaparamdam.

Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos ng Valentine's day pero patuloy pa rin ang pagpapadala ng bulaklak sa tapat ng locker ko,di ko naman matyempuhan kung sino ang naglalagay kasi may klase ako.

"Dorill,may cctv ka ba?"

"Ha?"

"Gusto kong lagyan ng cctv yung locker ko para alam ko kung sinong nilalang ang nagkakalat sa locker ko."

"Seriously? Kalat? Omigas Arra ikaw na ang pinaka-non-considerate na tao. Nakakakilig kaya."

"Tss,kilig??? Ano yun? Nakakain ba yun?"

"Yan ka naman. Pero pag si Russell ang nandyan nakakalimutan mo ang prinsipyo mo. Speaking." Napatingin ako sa direksyong tinitignan nya.

Parating na sya, ang lalaking nagpatunay sakin na may forever.

Forever ko na lang syang titignan sa malayo.

walang forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon