Nagpapractice na kami ng graduation, nag-aayos ng mga requirements. Tapos ko na ttin ang speech ko. Next week dadating si mommy from Italy para sa graduation ko, sa mismong araw ng graduation ko.

"Mommy!"

"Nak! Congrats! Wow! Sobrang proud ako sayo,sobra-sobra."

"Thank you my, para po talaga sayo to."

"Happy birthday!"

"Thank you po!"

Yes, graduation day namin is my birthday.

"Friend!!! Happy birthday!! Congrats din!"

"Salamat!"

"Happy birthday."

Paglingon ko sa likod isang napakagwapong nilalang ang nakita ko. Nagpagupit sya, ang gwapo nya.

"Salamat!"

"May speech ka na friend? Baka puro walang forever yan ah!"

"Baliw!"

"Ay girls! Papakilala ko kayo kina mama. Ma!"

Meet the parents na ituu! Kasi si Dorill lang ata ang ipapakilala nya, nasabit lang ako.

"Ma! College friends ko,si Dorill po tsaka si Arra."

"Ikaw pala si Arra?"

"Ah- opo."

"Congrats iha! Happy birthday na rin."

"Thank you po. Pano nyo po alam nna birthday ko?"

"Ah kasi-"

"Ma,tinatawag na ang mga parents."

"Ay ganun ba? Osige,next time na lang tayo magkwentuhan." Bumeso pa sya sakin.

"Si-sige po." Sinundan ko lang ng tingin yung mag-ina.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! ang epic!" Magtatanong pa sana kaso tinawag na kami para sa pwesto.

"From BS in Mass Communication Magna Cum Laude, Arra Castillan."

Nagpalakpakan ang criwd,nakita ko si mommy nakathumbs -up pati rin si Dorill, tinignan ko ang pwesto ni Russell pero wala sya dun pero nakaupo naman ang mama nya.

"Good day fellow students,ayokong mag-english kasi di nyo mafifeel yung mga sasabihin ko. Una sa lahat, kailangan kong magpasalamat sa mga naging prof ko na hindi ako binagsak. Salamat sa mga classmate ko na tinulungan akong magninja moves pag nalelate, salamat sa lahat ng taong naging parte ng tagumpay kong ito. Hindi ko hinangad ang makakuha ng ganiting karangalan,ang sakin lang ay makagraduate ako,ok na ko. Ang tangi naging goal ko lang ay maging speaker sa mga ganitong okasyon,yung tipong maiishare ko ang naging vision ko para makuha ang ganitong tagumpay. After this graduation, we will part our ways, we will make our own road for our success. Congrarulations and Goodluck!"

Kinamayan ko na silang lahat, pagbaba ko ng stage biglang namatay ang mga ilaw.

walang forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon